Marami pa kung saan nanggaling ‘yan, pero baka bumagsak na kapag tinaasan ko pa yang burger bun tower. Soft, fluffy, chewy burger buns… at lahat ng ‘yan, galing sa Jollibee.
Pero dahil ‘di na pasado sa shelf life standards ng best supply chain sa buong asya-pasipiko ay ibinenta na lang ang dose-dosena nitong mga ‘di naubos na burger buns sa kanilang mga empleyado, kasama na ang pinsan ko. Piso ata isang pares.
Minsan din, Jolly hotdog buns naman.. pero oo, puro tinapay lang. Saklap.














ayaw mo nyan baby, walang pattie, mas healthy. papakin mo na lang ung buns. hehehe.
hmm, sa fastfood din nagtatrabaho kapatid ko, pero tinatapon lang daw nila ung mga tirang ganyan. sabi ko nga sayang, dapat ibigay na lang sa empleyado. di daw pwede. safety chuva. hehehe.
hahaha.. ayos puro buns! dibale… lagyan mo na lang ng itlog yan at ookay na din yan… *isipin mo na lang may laman yan*
nakakabusog din yan… ;)
mahirap mabentahan ng patties sa Jobee,hehe!
galing din akong jobee at masarap ang tinapay nila,khit walang patty.
isipin mo na lang ham yan,lols!
pede ba isawsaw sa kape yan hehehe
sayang nga naman kung itatapon…sana pinamiigay nalang nila tutal pasko naman e
naks ganda ng photo ha :) galeng :)
penge heheh.. jobeee! jobeee! bakit walang palaman? nyaks!