Sino sina monito at monita?

Posted 3 years ago Uncategorized

Wala akong makitang info tungkol sa kanila sa Wikipedia. Wala namang kahalintulad na tradisyon ang mga tao sa Mexico kung saan ang tawag sa exchange gifts ay Amigo Secreto or Amigo oculto na ang ibig sabihin ay Secret Friend.

Tuwalya, panyo, picture frames at angel figurines; parang salit-salit lang ata silang natatanggap at ibinibigay ko kada christmas party namin nung elementary at highschool. Hmmm, may isang na-stuck sa utak ko na binigay sa akin nuong elem na nung binuksan ko sa classroom namin ay itinago ko kagad sa bag ko matapos kong masilip na gawa ito sa isang makapal at malambot na tela. Tuwalya naisip ko, pero nang buksan na ng nanay ko pagdating sa bahay ay nagulat ako na ang natanggap ko pala ay isang light yellow na sweater.

Ang nagbigay sa akin nun ay si Strawberry Bulatao. Ang alam ko ay galing ang angkan nila sa Baguio, siguro dahil sa pangalan niya. Hindi ko ata sinuot yung bigay niya kasi hindi ako mahilig sa dilaw.

Oo, naalala ko pa ang pangalan niya dahil yan ang gamit nilang panukso sa kanya dati.

Hindi rin naman ako ung partikular na taong matutuwa ka kapag nalaman mong nabunot kita. Naaalala kong nuong sophomore year namin ay ang setup na ginawa sa exchange gifts e yung hindi mo talaga malalaman kung sino ang nagbigay dahil iiwanan sa isang lugar ang mga regalo ‘tas tsaka ipapamigay, tipong botohan sa Survivor. Hinde, kahit vice-mayor ako e hindi ako ang pasimuno nun.

Pagdating ng Enero e narinig kong sinabi nung nabunot ko na binalot niya ulit yung bigay kong pabango na hindi rin ako ang bumili at ibinigay na lang niya sa iba. At least, dahil sa akin e nakatipid siya ‘di ba?

Binigyan ko ng pambatang wallet yung kaibigan ko nung nabunot ko siya nung first year kami. At kung ako rin naman e hindi ako matutuwa kung ganun ang matanggap ko. Nakipagtalo pa nga ako sa nanay ko dahil alam kong pangit ipambigay yun, hehehe. Pero wala naman akong ibibigay na iba siyempre:P

Pero tumama naman ako isang beses ng bigyan ko ang kaklase ko ng tatlong maliit na throw-pillows. Natuwa siya kasi sakto, Hello Kitty yung design na hindi ko naman sinadya. Kinuha ko lang naman yun sa tinda ng lola ko, hehehe.

Hello Kitty

Ito ang Ika-apat na post namin para sa serye pampasko na ito namin ni karmi baby ko na wala pa ring title, hehe. Sana next year meron na:)

4 Responses to “ Sino sina monito at monita? ”

  • jeniffer said,

    mas matindi ako sis.. kasi laging picture frame o kaya bumalik lang yung pera sakin pag ganyan.. grabe malas talaga ako.. wala man lang magbigay kahit book/novel or kaya man lang damit.. haikz.. di natin masisi.. atliz ang maganda dun may nagbigay kesa wala dba? :)

  • reyna elena said,

    maligayang pasko also to you and whoever is with you hehehe and just so you know, 8 1/2 shoes mendrez lang naman ang wish kong ibato also to me hehehehe

  • eloiski said,

    hay buti na lang at ngayong college eh wala ng exchange gift pero namimiss ko ang monito monita!
    kahit ano naman ibinibigay sa akin sige lang tanggap lang…
    kaso minsan kakaumay naman yung ibang gifts paulit-ulit!

    merry xmas!

  • kristine said,

    sino kumanta ng kundiman

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.