sana ngayong pasko.. gusto ko ung version ni Lea Salonga. una kong narinig yan nung pinatugtog ng pinsan ko ung album ni Lea at sinabayan nya ito. 2004 un eh. malungkot ung kanta pero dahil sa boses ni Lea, nagustuhan ko ito.
ay maalala mo pa rin ako.. kasama ko ang dalawa ko pang katrabaho, nagkaroon kami ng videoke session. nakita ko ung kanta, kaya naman un ang pinili kong kantahin. ramdam na ramdam ko ung kanta kahit na di ko pa naman nararanasang iwan ng minamahal kapag Pasko. after nung videoke session namin, di na ako tinantanan ng pangaasar ng mga kaibigan ko. March pa lang kasi, Christmas song na agad ang kinanta ko. :P
hinahanap-hanap pag-ibig mo.. Pasko 2005. unang Pasko dito sa Amerika. malayo ako sa mga kaibigan at minamahal. ayokong pakinggan ung kanta, alam kong malulungkot ako. pero wala akong magawa, lagi ko itong naririnig sa tuwing nanonood ako ng variety shows sa TFC o GMA Pinoy TV. at di rin nakatulong na meron akong mp3 nung kanta sa computer namin.
at kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako.. Pasko 2007. last year na ata ung pinakamalungkot kong Pasko. palagi pa rin akong hinahabol ng aking nakaraan. di ako madaling makalimot, at oo, umasa pa rin ako na magkaka-ayos kaming dalawa. na bago pa man magPasko ay magiging maayos kaming muli.
muling makita ka, at makasama ka.. pasko rin last year nang mapakinggan ko ung version nina Yeng Constantino at Jayr Siaboc. sakto duet na, may minus-one pa. kaya naman dali-dali kong kinausap si komski para mairecord namin ung kanta, pumayag naman sya. sinend ko sa kanya ung part ko dun sa kanta, pero natapos ang Pasko, di namin nairecord ung kanta. may sakit kasi sya nung mga panahong iyon. nangako syang irerecord na lang namin ung kanta next year.
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Sana Ngayong Pasko – komski & karmi
sa araw ng pasko.. Pasko 2008. natuloy ang pangako, nairecord namin ang kanta. ni hindi ko inisip na maipopost ko itong kanta ngayon na patungkol kay komski, na sana nga ngayong Pasko ay makasama ko sya. kasama sa mga christmas party, mamili ng regalo o kaya’y magsimbang gabi. haaay, bat kasi long distance na nga, online realtionship pa. di ko tuloy sya mayakap o kaya mabatukan kapag inaasar nya ako. :P pero kahit na magkalayo kami ngayong pasko, masaya pa rin naman ako. :) masayang naghihintay ng Paskong sa wakas ay makakasama ko na rin sya. :)
ito ang panglimang Pasko-post namin ni komski. pakinggan mo ung audio file ha, salamat. ^_^













oi MTV na lang ang kulang at big hit na eto hehe
magpapa autograph ako sa inyo ha
pwera bola, maganda ang version nyo
==
karmi: sobrang thank you sa suportang iyong pinapakita sa amin kuya! ^_^ autograph ba? ummm, madali lang yan, paguwi ko ng pinas puntahan kita sa Bora! :D hehe.
ay naman!
peborit ko din kantang yan,haha!
mag sad na xmas songs ang gsto ko eh,lols!
aus naman talaga ang duet,pwede ba mag apply na PA niong dalawa ni arvin pag na -launch na singing career nio?
;-)
hi! MERRY CHRISTMAS! a christmas greetings is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
and also here’s my greeting card. click this ECARD
Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..love you karmi and pareng arvin.. salamat!! :)
i dream of you last night Karmi. You were talkin about Arvin. hehehe Grabe inLAAAB!!! haha!
ayoko ng malunkot na pasko…
MERRY CHRISTMAS!
ang galing….sobrang galing ng pagkakanta nyo..i lab it…go komski..
merry christmas sa inyong dalawa pati sa buo nyong pamilya…
recording artist? nyahahaha. aba, ate karmi, may pumapatakpatak pa lang snow dito sa page niyo. hehehe.
tama yung unang comment, dapat sinamahan nyo na rin ng music video para may full single tretment na sya :D hehehe.. asteeg ah..
ou nga, mejo serious yung yearender ko pero hindi pa naman yun yung conclusion ng 2008 sa blog ko so yun.. hehe
at malayo talga yung gino sa daniel. hehehe.. apaka mejo mahabang storya kung bakit naging palayaw kos a bahay yun heheh.. :D
advance merry christmas! :D
oh syet!
ang cute ng boses ni ate karmi!
sige na nga pati kuya komski!
wapak!
inalb na inlab talaga akayo ah!
weeheee!
sana nga magkasama kayo noh..
nakakalungkot kasi kapag ganyan eh!
hekhek!
pero kaya nyuo yan!
ay lab da song!
ay lab it!
malungkot pero masaya ay ewan!
Just last week may bumisita sa office kinanta rin ang Sana ngayong Pasko kaso Lorenzo version. In fairness maganda rin, para akong nanood ng opera.
di ko pa ulet marinig. huhu
may namiss tuloy ako :(
ampness
4 post na lang. matutupad na wish nio eehehehe
araguuuuuuuu, nasad din ako dito….pagnaririnig ko yang song na yan, super dooper akong nasasad :( kasi 5 xmas nang di na celebrate without my hubby….and to think na ang aking bunso is also 5 yrs old