second to the last…

Posted 3 years ago blog update

..post dito sa kundiman bago mag2009.. :)

Belated Merry Christmas sa inyo. :) salamat sa mga nagcomment at naaliw sa Christmas poster namin ni komski. :D hehehe. medyo dumami ung hits ng blog namin dahil dun. salamat.

kamusta naman ang pasko ko? busy at kulang sa tulog. mula ata nung Dec. 20 eh nakaka-4 na party na akong napupuntahan. in short, every other day ata. pumasok din ako nung Dec. 24, at nagparty akong magisa dito sa trabaho. malungkot ba? hmmm, di naman, sanay na rin kasi. hindi ito ang unang Pasko na cinelebrate namin ng kapatid ko at tatay ko sa daan. saktong 12mn eh nasa kalye kami, papasok ako ng trabaho. ang saya. try nyong magnight shift sa work. hehehe.

anyways, Dec. 28 na. ilang araw na lang two-oh-oh-nine na. astig, bagong taon, bagong buhay. nakagawa na ba kayo ng new years resolution? ako hindi pa, at wala ata akong balak gumawa. tumigil na ako sa paggawa ng resolution dahil di ko rin naman nasusunod. hanggang ngayon nasa listahan ko pa rin ang pagpapapayat at pagtitipid. tsk. ilang taon na yan na nasa top list ko pero di pa rin natutupad. hindi ako gumawa ng resolutions ko for 2009, pero gumawa naman ako ng to-do list ko na sana eh magawa ko lahat bago matapos ang taon. ok, ung iba eh parang resolution na rin..

  • matutong magmaneho.
  •  bayaran LAHAT ng bills at subukang wag na munang gamitin ang credit card.
  • kapag nabayaraan na ung mga credit card ko, pwede na akong magpabraces.
  • magpapayat!
  • hopefully, makauwi ng Pinas para sa birthday ko.

meron akong 365 days para gawin ung mga nasa itaas. wish me luck. :D

camera, half-priced bookstore gift card, chocolates, cards, lotion, earrings and necklace set, more candies and chocolates, pang-display na coffee cup and tray, windchime na tsinelas at gift card para sa isang restaurant.

yan lang naman ang natanggap kong regalo – galing sa tatay ko, kay bossing, mga katrabaho, kapitbahay, at sa tita/ninang ko. ang saya, kahit na di naman ako nage-expect ng kahit na ano this year eh nakatanggap pa rin naman ako. parang may unwritten rule kasi na kapag graduate ka na ng college at nagtatrabaho na, eh hindi ka na kasali sa mga nakaka-receive, ikaw na ung magbibigay. di katulad ng kapatid ko, binigyan sya ng $20 ng tita ko. tsk. ang swerte.

may ilang araw pa bago magbagong taon. may ilang araw pa ako para pagisipan kung ano nga bang gusto kong mangyari sa buhay ko pagdating ng 2009. sabi ni Arvin, malas daw ang year of the rat at rabbit. wow, ang swerte nga naman ano? soulmates ata talaga kami, pareho pa kaming malas. :P

hay.

ayan, di ko na naman alam kung pano tatapusin tong post ko. nice. hehe. well, abangan nyo na lang ung year-ender podcast namin ni Arvin. :D mejo mahaba-haba (ata) un, kaya sana pakinggan nyo ha.. ^_^

Happy New Year, Happy New You! ^_^

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.