sana ngayong pasko.. gusto ko ung version ni Lea Salonga. una kong narinig yan nung pinatugtog ng pinsan ko ung album ni Lea at sinabayan nya ito. 2004 un eh. malungkot ung kanta pero dahil sa boses ni Lea, nagustuhan ko ito.
ay maalala mo pa rin ako.. kasama ko ang dalawa ko pang katrabaho, nagkaroon kami ng videoke session. nakita ko ung kanta, kaya naman un ang pinili kong kantahin. ramdam na ramdam ko ung kanta kahit na di ko pa naman nararanasang iwan ng minamahal kapag Pasko. after nung videoke session namin, di na ako tinantanan ng pangaasar ng mga kaibigan ko. March pa lang kasi, Christmas song na agad ang kinanta ko. :P
hinahanap-hanap pag-ibig mo.. Pasko 2005. unang Pasko dito sa Amerika. malayo ako sa mga kaibigan at minamahal. ayokong pakinggan ung kanta, alam kong malulungkot ako. pero wala akong magawa, lagi ko itong naririnig sa tuwing nanonood ako ng variety shows sa TFC o GMA Pinoy TV. at di rin nakatulong na meron akong mp3 nung kanta sa computer namin.
at kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako.. Pasko 2007. last year na ata ung pinakamalungkot kong Pasko. palagi pa rin akong hinahabol ng aking nakaraan. di ako madaling makalimot, at oo, umasa pa rin ako na magkaka-ayos kaming dalawa. na bago pa man magPasko ay magiging maayos kaming muli.
muling makita ka, at makasama ka.. pasko rin last year nang mapakinggan ko ung version nina Yeng Constantino at Jayr Siaboc. sakto duet na, may minus-one pa. kaya naman dali-dali kong kinausap si komski para mairecord namin ung kanta, pumayag naman sya. sinend ko sa kanya ung part ko dun sa kanta, pero natapos ang Pasko, di namin nairecord ung kanta. may sakit kasi sya nung mga panahong iyon. nangako syang irerecord na lang namin ung kanta next year.
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Sana Ngayong Pasko – komski & karmi
sa araw ng pasko.. Pasko 2008. natuloy ang pangako, nairecord namin ang kanta. ni hindi ko inisip na maipopost ko itong kanta ngayon na patungkol kay komski, na sana nga ngayong Pasko ay makasama ko sya. kasama sa mga christmas party, mamili ng regalo o kaya’y magsimbang gabi. haaay, bat kasi long distance na nga, online realtionship pa. di ko tuloy sya mayakap o kaya mabatukan kapag inaasar nya ako. :P pero kahit na magkalayo kami ngayong pasko, masaya pa rin naman ako. :) masayang naghihintay ng Paskong sa wakas ay makakasama ko na rin sya. :)
ito ang panglimang Pasko-post namin ni komski. pakinggan mo ung audio file ha, salamat. ^_^