photoblog #15: tala
note: sensya na, January pa lang eh may Valentine’s Day post na ako. :) — mimay
..at sana tama ka nga na ituring mo akong tala mo. siguro tama nga, dahil dito lang ako sa tuwing madilim at di mo makita ang pupuntahan mo. gagawin ko ang lahat para ibigay ko ang liwanag na kailangan mo. ako ang magiging tala mo. alam ko maraming ibang bituin sa langit, at kung di man ako ang pinakamaliwanag ay umasa kang magniningning ako para sa iyo lamang. sa iyo lamang ang liwanag ko, dahil sa iyo lang naman ako kikinang, sayo lang ako kukutitap. tanging sa iyo lamang ang liwanag ko.
at kung maulap man ang gabi at maharangan ang ningning ko, hayaan mo’t hindi ako mawawala, andun lang naghihintay na masilayan kang muli.
at balang araw ay magpapatihulog ako sa kalangitan, falling star ba, para matupad ko ang kahilingan mo, bababa ako mula sa langit para makasama ka.
sa ngayon, sana maging sapat ang liwanag ko mula sa malayo, dahil hanggang dun lang naman ang kaya ko, ang tanawin ka.
- Arvin
ano pa bang masasabi mo kapag nakarecib ka ng card na may nakasulat na ganyan? wala na. ngingiti ka na lang at maluluha. gustuhin mo mang yakapin ung taong nagpadala ng sulat ay hindi mo magagawa kaya naman kukunin mo na lang ung celphone mo para itext sya. haaay. nakakamiss. pero di ko magawang magdrama masyado dahil alam kong walang dahilan para malungkot. ^_^
makakasama ko rin kasi sya. alam ko. :)





AWWW. Ang sweet naman. Shet. Naluluha ako. May namiss tuloy ako. Haha. *punas luha*. Hindi ako pwedeng umiyak, birthday ko ngayon kaya. haha. Kailangang magsaya. :)
More powers sa inyong relationship. :*:*
kelangan ko bang mainggit d2 sis? haha.
sasapakin ko na si hunnie eh, di ako binibigyan ng love letter. hmm.. mag wish nga ako sa blog ko nyan para mabasa nya. hahaha. salamat sa idea sissy! hahaha.
pasensya, inggetera lang tlga sister mo. haha
missYou!!!
at tlagang tatlo ang exclamation point ko. harhar.
ang sweet naman! hehe di bale malapit n valentines :P happy new year pala!
sayang pansalubong ng taon nga ito. hehehe… happy happy new year! salamat sa pagdaan sa blog.
kung ako kikiligin ako talaga, hehehe:P nakabawi ka naman sa post mo ngayon e:D love you baby ko!:*
oh why don’t you smile my only star :D