rant-post-ahead

rant post ahead.

Add comments January 5, 2009 » 181 days ago
blabbers

salonpas. about 7 hours ago from Brightkite

masakit ang likod ko kahapon pa. scoliotic + lamig ng panahon + ngawit sa pagtulog = fatal. kanina, nasa trabaho pa lang ako, sumakit na naman kaya naisipan kong matulog na lang kaagad paguwi ko ng bahay. ayos, baka sakaling di na masyadong sumakit ung katawan ko kapag nakapagpahinga na. nilagyan pa nga ng nanay ko ng salonpas ung likod ko para lang maibsan ung sakit. ayos lang sa akin na may tapal, kahit na feeling ko eh ang tanda ko na talaga, basta lang mawala na ung sakit…

cant get up. :( salonpas = fail. alternative(s): advil. about 2 hours ago from Brightkite

nagising ako 5 hours later na di makabangon, walang nagawa ang salonpas. badtrip. sobrang badtrip. parang gusto ko na lang tanggalin ung likod ko sa sobrang sakit. :( haaaayyy… di ko na nakayanan kaya uminom na ako ng Advil. nakita ako ng kapatid kong lalake, ano daw bang nangyari sa akin. parang adik daw itsura ko. madalas aawayin ko na sya nun, pero wala, di ko sya pinansin, sinabi na lang na masakit ang likod ko. wala ako sa mood makipagaway eh. bumalik ako sa kama pagkainom ng gamot, umayos ng higa. medyo masakit pa pero kumportable na. siguro naman eh maitutuloy ko na ung tulog ko..

nagring ang telepono. at pumasok ang tatay ko sa kwarto.

ame, tumawag si Tess. may iniwan daw bang check tita mo pambayad?
ah opo dad, andyan sa table ko.
alin dito ung pula? hanapin mo na ha, dadaanan daw ngayon eh.

bumangon ako. pero walang tseke. :((

back hurts really bad, and i lost a $40 check my Aunt gave me for her Mary Kay payment. im having a bad day at 5pm. shoot me please. 34 minutes ago from Brightkite

potakteng buhay naman to!

di ko na alam gagawin ko. :( hanggang ngayon masakit pa rin ung likod ko. ayokong pumasok mamaya. at ilang minuto na lang eh darating na ung maniningil. malamang ako na lang ang magbabayad. ako na lang ang magiissue ng tseke dahil NAWALA ko ung sa tita ko. ayos ka talaga mimay. antalino!! ilang araw pa lang, sana di naman magsunud-sunod kamalasan ko. pramis, magpapakabait na ko this year!

*breathe in, breathe out*

sabi nga nila everything happens for a reason. pero ngayon lang ata ung di ko malaman kung bakit kailangang mangyari ito…. *sniff*

Mga Kahalintulad na Posts



12 Responses to “ rant post ahead. ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.