Oo na, walang laman ang freezer namin:P pero hindi naman yan kinunan ngayong holidays e, hehe. At baka mapansin mong lumang campaign slogan na ito ng Coke na ngayon nga e Coke Smile na.
Sinabi ng titser ko nung hayskul na kaya raw mas successful ang Coke kaysa Pepsi ay dahil sa kulay nitong pula, na ayon sa titser ko e mas may appeal na kulay pagdating sa anumang dinadigest at sa kaso ng Coke ay inuming pantawid-uhaw.
At kaya rin daw halos kulay pula na sina Jollibee at si McDo at iba pang fastfood joints. Pero di ba mas malamig tignan ang asul kaysa sa pula? Ewan ko lang ha. Basta ako… malamig na tubig na lang:D
Ito ang aking lahok para sa ika-40 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Pula. Ang litrsto ko sa taas ay kinuhanan ko mga last last year pa ata habang nakabukas ang aming fridyider. Bisitahin ang iba pang mga pulang lahok ng mga miyembro dito.














ah ganun pla ang effect ng pula sa pagkain kaya pala masarap kainin ang namumulang lechon hahahha!!!
Happy LP
Paborito ko ang Coke dati, di ko pinagpapalit sa Pepsi. Pero nagbagong buhay na ako so tubig at juice na lang o iced tea. Magandang Hwebes!
Nakakatuwa ang entry mo. This reminds me of a friend na pag umo-order ng coke ay sinasabi sa waiter “Isa ngang you can’t beat the feeling!” Haha!
Magandang Huwebes!
coke din ang paborito kong brand ng soft drinks. pero hindi na rin ako umiinom ng mga cola at soda ngayon. kung mapipilitan man ay sprite pero bihira na rin…pag wala lang choice. :D
nabasa ko noon na kulay berde ang pinakamalamig sa mata. kapag gusto nga daw ipahinga ang mata, dapat ay tumingin sa kulay berdeng bagay. :)
kaya pala mas may appeal ang coke kesa pepsi!:)
Hmm..napaisip tuloy ako, totoo yon, mas maappeal nga ang pula, siguro pula din yung prutas na kinain ni Eba noon! hehe Happy LP!
Agree ako sa teacher mo…iba talaga ang arayb ng red color sa advertising
happy lp!
hahaha! ganon ba? sa totoo lang mas OK sa panlasa ko ang coke bakit nga ba?
Totoo yan, nasabi din yan sa amin dati sa pag-aaral ng Sikolohiya, red at orange daw ang nakakagana pagdating sa mga pagkain.
Coke ang isa sa aking paboritong inumin,kahit dapat hindi na ako umiinom :D
Isang nakakauhaw na lahok!Pahinge..
Salamat sa pagbisita!
magandang huwebes!
nice arvin… happy huwebes… :)
Mas nakakaengganyo nga naman ang kulay pula!
At ang ganda ng kuha mo! Aliw!
Happy LP.
Halloooo….talaga….ganun pala impact ng red…hmmmm….sige lagi na ako magrered….para may impact na din ako heheheheh
iba nga talaga ang attraction ng pula…nakakapukaw ng damdamin.:D
Hmmm napaisip ako sa sinabi mo ah. Kapag nagbusiness pala ako gagawin kong pula lahat ang pabalat ng produkto hehe.
oo nga ano, lahat halos ng fastfood ay may pula na theme. pwere na lang greenwich at yellow cab pero yun naman pagkain nila ay may pula kaya patas lang :)
Pula
hmmm, may kanta ba ung Project One na naging Coke Theme?
diet ako kaya di muna magso-soda :) hehehe. tubig na nga lang :D
hehe..ang sabi ng mommy ko (who is a certified psycho…logist…red daw pinaka-nakaka stimulate na kulay..or should we say “arouse?”…so it draws much attention..hihi
Kung may laman ang freezer, hindi magiging ganyan kaganda ang kuha.
Ang aking mapulang lahok para sa LP ay naka-post dito. Sana makadaan ka.
teorya ba yun? hehehe.. para sakin pepsi pa din ako.. hehehe.. di ganung katapang.. blue eh.. hehehe..
Wow, ganyan na pala hitsura ng mga Coke in cans ngayon – di kasi kami palabili ng soda kaya di ko masyado alam…hehehe
Kaya pala masarap din kainin mga pulang hotdog – pula kasi! ;)
oo nga tubig na lang :D hehehehe
parang gusto ko din sumali sa LP ah..hmm
ngayon ko lang nakita ang can ng coke na ganito ang design a. ganda kuha. heto ang aking lahok: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html
naku kahit anong cola pa yan gusto ko. pero na addik ako sa Rc cola ngayun kasi mura yun eh kesa sa coke :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
ang pula ay isang senyales ng intimidasyon ayon sa pagaaral na ginawa ng scuderia ferrari formula one team. ;)
hapi new yr karmi!! :)
Aaminin ko na noon na bibili talaga ako nyan pag mainit ang panahon. Pero ngayon na ako ay matanda na natoto na akong mag control – so i will just kiss the coke in can away. :-)
Agree ako na red stands out. At kung mapansin mo, maraming business signage or markers na kulay pula ginagamit nila. :-)
dati present ang coke in every meal namin, kaso nakakalaki ng tyan, ayoko na
hi karmi, this entry is soooo coooool =) obvious ba? haha! Happy Newyear dear =)
ang ganda ng kuha mo! :)
magandang araw kaLP!
Oo nga. Mas maapeal ang pula. Kaya ata pati school namin pula ang kulay. Mga intsik talaga.
Gusto ko tong post mo. :P
Kaya pala pula ang mga kainan. Baka nakaka-gutom iyon at masarap rin sa mata.
Wow naman.. ang ganda ng pic… parang professional na.. :))
Dito sa aming kahariuan eh mas malakas ang Pepsi. Bihira ka lang makakita ng Coke sa mga tindahan… hindi naman “pula” ang desinyo ng Pepsi dito. Hmm, bakit kaya?
Pareho tayo, mas gusto ko ang tubig o mga fruit juices kaysa sa softdrinks.