not-your-ordinary-love-story

not your ordinary love story

Posted 3 years ago inlove, ldr

nagkakilala sina komski at karmi sa mundo ng blogosphere, ilang taon nang nakalipas mula nang magspam si komski sa tagboard ni karmi para gumamit ng kanyang quotebox. doon na nagsimulang magpalitan ng comments ang dalawa at ang paminsan-minsang paguusap sa YM. ilang taon din silang naging online friends bago sila tuluyang naging close online friends. oo, may difference ang dalawa. :) aminado na noon si karmi na may “crush” na sya kay komski noon, pero ito’y nananatiling crush lamang dahil pareho silang magkani-kanilang love life.

late December ng taong 2007 nang sila’y nagsimulang magusap sa YM ng araw-araw. kwentuhan, kulitan. araw-araw walang palya dahil sa walang pasok si komski at panggabi naman si karmi sa trabaho. sakto ung oras nila ng pagcha-chat. noon na nagsimula ang espesyal na pagkakaibigan nilang dalawa.

January 9, 2008. isang plugoo conversation. nasa trabaho si karmi at kauuwi lang ni komski galing eskwela. simpleng kumustahan at kwentuhan na ewan kung pano na punta sa pag-amin ng nararadaman. siguradong si karmi na naman ang nagumpisa. parang natapos ata ung paguusap na more than friends na ang drama nila. at dahil sa sobrang natuwa si karmi sa chat nilang un, sinave nya ito at binasa ulit.

January 9, 2009. isang taon na ang nakakaraan. isang taon na ang nakalipas matapos ang chat convo na iyon. isang taon na rin silang more than friends. :) kita mo nga naman, umabot na sila ng isang taon.. ^_^

happy anniversary baby ko :)

at para i-celebrate namin ang anniversary namin ni komski, natripan naming i-record ung YM convo namin 1 year ago. :)

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Jan. 9, 2008 chat.

kung medyo mabagal ang internet connection nyo pero gusto nyong pakinggan ung dramatization ng chat namin ni arvin, pakinggan mo ito.. ^_^

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Jan. 9, 2008 chat [low quality]

ito ang love story namin.. ikaw anong kwento mo? :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.