Gusto mo ba sumama?
May siyam akong tickets dito para sa Enchanted Kingdom. Pero ewan, hindi ko alam kung tickets ito para makapasok sa entrance. Hindi naman ata, hehehe. Hindi ko alam kasi hindi pa naman ako nakakapasok dun.. Oo, hindi pa ako nakakapuntang Enchanted Kingdom:P
Grabe di ba? Kasi naman, after kong makagradweyt ng elementarya ay tsaka nagbago ng prinsipal ang pinapasukan kong iskul at nung sumunod na taon ay nagfieldtrip silang lahat sa EK… after namin makagradweyt.
At ang pinasukan ko namang hayskul, gaya ng elem ko, ay nagpalit din ng prinsipal at guess what, ‘di approve sa kanya ang pagfifieldtrip sa isang theme park, ‘di gaya ng pinalitan niyang punongguro. Sakto.
Hindi ba niya alam na nafeature sa Sineskwela ang EK dahil sa maraming kapupulutan ng aral dito tungkol sa pisika at teknolohiya? Mapapaisip ka talaga sa mga mekanismong nagpapaandar sa mga masasakyang rides dito. Bawat sentimetro kubiko ng mga makinaryang makikita mo ay punong-puno ng mga panghikwat (lever), kalo (pulley), pakol (wedge), turnilyo (screw), gulong at ehe (wheel and axle), hilig na patag (inclined plane) at mga mas kumplikado’t mas maligoy na kalipunan na makabalighuan na dahil sa kanilang pagkasopistikadong pagkakagawa.
At paano na ang pag-aanalisa sa mga kemikal na nililikha ng iba’t-ibang organs sa katawan upang makaramdam ang isang tao ng saya, takot at pagkabalisa, gulat at sorpresa?
May mga bagay sa mundo na makikita mo lang kung hahanapin mo ito.






nyaaaa… sayang naman yan! :~(
sana pinaraffle mo na lang :D… wala bang nakalagay na ride all you can? :D hahaha
hindi pa rin ako nakakapunta ng EK. :( saklap. dapat paguwi ko ulit eh pumunta na tayo dyan. ^_^
sayang. palitan mo na lang ung date para magamit. :P hahaha.
ay hindi ride all u can ung ticket hehehe
ako once palang nakapunta.
paguwi ni karmi, mag-EK tau! wooooo hahaha
saya nyan. sayang kung hindi gagamitin.
punta tayong EK pag uwi ni karmi…yehey…
di ka pa nakakapunta diyan, anu ba yan…
ako din…
gamitin mo yan, sayang… magsama ka kahit sino..
enjoy!
Uy sayang tiket, expired na! Tara ek tau, kelan ba uwi?
waa! lipas na! sayang.. hehe
uy…241 users online…
sayang hanggang jan 11 lang…
lalim ng tagalog…di ko marurok…ahehe ^_^
pwede ba ako sumama? sama me EK? expired na ba yan? :)
Join The tribute for senior bloggista. See http://painuminmoko.idlip.net for more info :)
happy aniv pala :) painom kayo hehehe..
sama ako,di parin ako nakakpuntang EK.
hehe..sa EK ang EB pag-uwi ni mimay.
kelan ba expiration date niyan? aabot pa ba nang 2011? isang beses pa lang akong nakakapunta nang EK eh. siguro mga 9 years ago. :|
ayoko ng mga rides.
nasusuka ako.
malamang magpa popcorn lang ako nyan
ako naman, kada field trip sa EK parati. nung college na lang eh. pero, masaya naman. every year iba-ibang experience sa rides. :D
at tama! May mga bagay sa mundo na makikita mo lang kung hahanapin mo ito. (hmmm… i like this line ah. strong statement.)
ako gusto kong sumama.. ahehehehe.. musta karmi!! musta komski! :)