A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista
senior bloggista. damn, napagisip-isip ko, ganun katagal na ba talaga akong nangungulit dito sa blogosphere? ganun katagal ko na bang ginugugol ang oras at salapi ko sa pagtambay sa bahay na wala nang ibang ginawa kundi ang humarap sa laptop at magblog? ganun katagal nagpapaka-emo at nagdadrama? ilang lalake na ba ang nagawan ko ng post? O.o umm, nevermind.
sabi dun sa pakulo ni jen aka walongbote, magkwento daw tungkol sa iyong blogging life at magbanggit ng mga senior bloggers na nakilala mo along the way. hmmm, mahaba-habang trip down to memory lane ito at chance na rin para makapagthank you sa mga blogger na naging malaki ang impact sa blogging carreer ko. oo, carreer talaga dahil kahit sa trabaho, minsa’y pagbo-blog pa rin ang inaatupag ko. :)
June 2000. 1st year college ako nang namulat ako pagcha-chat at paggawa ng webpages sa geocities. si raych, bestfriend ko nung college, ang nagimpluwensya sa akin, sya ang salarin kung bakit ako nagkaroon ng interest sa webdesign at blogging na rin. geocities.com/cutecarme. yan ang pinakaunang website ko. personal site, panay litrato ko, mga lyrics ng kanta, tula at quotes. ung index page ko pa noon eh mukhang ginawa ng gradeschooler pero proud ako dahil unang beses kong gumawa ng webpage. may frames pa nga ung page ko. basta, sinauna. hehe. nagbo-blog na rin ako nun, pero inu-update ko lang ung isang page.html kada araw. o diba, old skul. wala pa kasi akong alam noon eh. lumipat ako ng host dahil ayoko na nung URL ko. kharmie.imess.net. gurlnxtdoor.fateback.com. dalawang blogs ko hosted sa fateback.com at pitas.com ang gamit para sa journal part. di ko na masyadong namaintain yan dahil busy sa iskul at saka sa crushes ko. haha. di na rin ako masyadong nakapagblog simula nung makagraduate ako ng college at nagsimulang magtrabaho. wala na yang mga blog ko na yan, nanghinayang nga ako, kasi binura ko. tsk.




