senior bloggista. damn, napagisip-isip ko, ganun katagal na ba talaga akong nangungulit dito sa blogosphere? ganun katagal ko na bang ginugugol ang oras at salapi ko sa pagtambay sa bahay na wala nang ibang ginawa kundi ang humarap sa laptop at magblog? ganun katagal nagpapaka-emo at nagdadrama? ilang lalake na ba ang nagawan ko ng post? O.o umm, nevermind.
sabi dun sa pakulo ni jen aka walongbote, magkwento daw tungkol sa iyong blogging life at magbanggit ng mga senior bloggers na nakilala mo along the way. hmmm, mahaba-habang trip down to memory lane ito at chance na rin para makapagthank you sa mga blogger na naging malaki ang impact sa blogging carreer ko. oo, carreer talaga dahil kahit sa trabaho, minsa’y pagbo-blog pa rin ang inaatupag ko. :)
June 2000. 1st year college ako nang namulat ako pagcha-chat at paggawa ng webpages sa geocities. si raych, bestfriend ko nung college, ang nagimpluwensya sa akin, sya ang salarin kung bakit ako nagkaroon ng interest sa webdesign at blogging na rin. geocities.com/cutecarme. yan ang pinakaunang website ko. personal site, panay litrato ko, mga lyrics ng kanta, tula at quotes. ung index page ko pa noon eh mukhang ginawa ng gradeschooler pero proud ako dahil unang beses kong gumawa ng webpage. may frames pa nga ung page ko. basta, sinauna. hehe. nagbo-blog na rin ako nun, pero inu-update ko lang ung isang page.html kada araw. o diba, old skul. wala pa kasi akong alam noon eh. lumipat ako ng host dahil ayoko na nung URL ko. kharmie.imess.net. gurlnxtdoor.fateback.com. dalawang blogs ko hosted sa fateback.com at pitas.com ang gamit para sa journal part. di ko na masyadong namaintain yan dahil busy sa iskul at saka sa crushes ko. haha. di na rin ako masyadong nakapagblog simula nung makagraduate ako ng college at nagsimulang magtrabaho. wala na yang mga blog ko na yan, nanghinayang nga ako, kasi binura ko. tsk.
October 2005. bagong salta kami dito sa Amerika, kaya naman gumawa ako ng blog, pampawala ng pagkahomesick. masasabi kong 2005 talaga ako naging active ulit sa pagbo-blog. carmefrancia.blogspot.com, yan ang una kong blog. pero lumipat rin ako kaagad sa frustratedwriter.bloggoing.com para i-try ang wordpress. nang magdown ung host ko, bumalik ako sa blogger, myonlinehub naman ang gamit ko, na feeling ko eh dito ako nakilala talaga. feeling lang ha. :) hehe. nagsimula na rin akong magbloghop at dito ko na nakilala ang mga blogger na naging ka-close at nakakulitan ko. ^_^
unang blogger, si kuya majorkontrapelo aka SEOPhilippines addict aka PROblogger aka zaldydalisay. nasa blogspot pa sya dati at nagpapatawa sya. :) naaliw ako kasi sya ata ung unang humor blog na napuntahan ko. tas aun nga, sumali sya dun sa SEO Philippines na contest at nanalo naman sya ng 4th place. :) ngayon, busy-busyhan na sya sa pagbibigay ng tips sa mga bagong bloggers na nagnanais gamitin ang blog for money making. ^_^ ang saya rin kasi nakilala ko na sya ng personal.. ^_^ si major ung naging way ko para makilala ung iba ko pang blogfriends. ay, binigyan din pala ako ni kuya ng sarili kong domain.. karmi.info. kaso, sayang, di nagtagal. libre pa naman! hehehe.
ate melai. sus yan, pwede ko ba namang makalimutan si ateng? :) hehe. sya lang naman ang nagmulat sa akin tungkol sa technical side ng blogging. hosting, domain names, ftp, cpanel. sus yan. di lang pala simple ang pagkakaroon ng sariling website! inampon nya ako at dun na lumaki ung network ko. hehehe.. karmi.manilenya.com. hanggang ngayon nga eh may mga nase-search pa ako na yan ung blog na nakalink sa pangalan ko. :) wala sa Pilipinas si ateng kaya naman mga kwento ng pakikipagsapalaran nya ang nasa blog nya.. online ate/nanay ko si ate melai. basta, sya lang ung nakukulit ko sa Gtalk dati at hanggang ngayon, sa facebook! ^_^
may mga naging online kuya rin ako maliban kay major.. sina kneeko na ngayo’y nasa Australia na at happily married, kuya jlois na nasa Singapore, si kuya KD na nasa Abu Dhabi at si masterbetong na naging official photographer sa kasal ng kapatid ko nung June. :) nakakatuwa lang, kasi sila ung madalas magiwan ng bakas sa cbox ko noon. si master, nakuha ko nang official photographer at ninong ko naman si kneeko sa kasal ko. :D hehehe.
may mga online ate rin ako.. sina mmy-lei, ate neng, mmy ann na asawa ni kuya KD. madalas silang magpost ng pictures tungkol sa kanilang mga anak. nakakaaliw lang kasi, parang ganun din ang gusto ko. kahit na may pamilya na ako, magbo-blog pa rin.. ^_^ hehe.
sina lojika, roanne at ralphT naman ung mga “ka-age” ko sa grupo ng bloggers dati.. :) silang dalawa ung madalas kong kausap sa YM at kapalitan ng comments. madrama si lojik pero in real life, makulit naman.. hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung san nya hinuhugot ung kadramahan nya sa katawan. :P hehehe. miss ko na yang mare ko, matagal na kasi syang tumigil sa pagbo-blog. si ralphT ung isa pang madrama blogger na nakilala ko. :) as in. hehehe. di nanya inu-update ung tabulas nya eh, sa multiply na sya ngayon kumukuta.. si roanne naman, pareho kami dati — LDR. nasa Pinas kasi si papa Mike (asawa nya). pero ngayon, magkasama na sila. :) naging inspirasyon ko sila, dahil alam ko na posibleng magwork ang LDR.. haay, sana ako rin noh? hehehe.
un na, sila ung mga nakilala kong blogger na naging malaki ung part sa blogging career ko. pero teka..
^_^
pwede ko ba namang makalimutan ung taong kasama ko sa blog na ito? ang dahilan kung bakit naging masaya ang pagboblog ko? :) special, last eh. hehehe. si arvin aka komski aka maker of the famous komski quotebox. hahaha. may ganun. :P sabi ni arvin, di raw sya blogger, isa lang syang CS student na may website. :P hehehe. pero wag ka, basahin mo ung mga tula at kwento nya tungkol sa mga crushes nya eh maiinlove ka. hahaha. well, ganun kasi ang nangyari sa akin. iniwan ko ang idlip.net para magsama na kami ni arvin ng blog dito sa kundiman. since naging malaki ang part ang blogging sa aming dalawa, why not diba? :)
sa tagal ko nang pagbo-blog, kahit ako’y di ko naisip na magkakaroon ako ng mga “anak” — sina yeye, noime, jen at ishybitsy. na mago-organize ako ng blogger’s EB. na ang magiging boyfriend ko eh kapwa ko blogger. :P saya lang. :)
nung nagsimula ako, ako ung pinakabata sa grupo ng bloggers na nakilala ko..
eh ngayon?
marami nang tumatawag ng “ate karmi” sa akin. naghohost na rin ako. medyo nagkaroon pa ng issue. hahaha. haaay. senior blogger na nga ako. :)












wow! ang tagal mo na pala ate karmi! :> naabutan kita nung nasa manilenya ka pa. yessss, senior blogger! :> more blogging years pa ate! *hugs*
senior blogger ang nanay ko?
hehehehe. salamat inay!
hmmmm.. matagal na rin akong blogger kaso, naging personal (private) journal ko lang yun. almost last year lang ako nag-explore, nagblog-hop at nakakilala ng mga magagandang nilalang. :D
more blog-years to come!
hahaha. matagal ko nang nadadaanan blog mo nuon. andun ka pa nga sa manilenya. hehe. nakikibasa na ren ako nang mga ka-emohan mo nuon. hoho. paramis. binabasa ko na mga entries mo nun pero wala eh, shy ako tas di ko pa alam yung mga “hi, care to ex-link?” haha. kaya ayun. :) hehe, nakakatuwa naman yung mga nangyayare noh? :P
*thanks ulet sa books tsaka sa card na kumakanta. haha*
tagal mo na palang nagbablog. ako yung una kong blog sa tripod.com pa. buti na lang nandun pa rin. hehehe…
congratulations sa tagal mo sa mundo ng internet! marami raming kaibigan na rin.
una thank you sa pagsali.. grabe na appreciate ko..
napaisip tuloy ako? oo nga noh.. ang dami ko din pa lang nalimutang isama sa listahan ng dapat ithank you.. pero since sinabi mo na sila ang iyong mga inspiration sa pag bloblog.. isama muna ako dun sa nagthathank you sa kanila..
2000 napakatagal naman nun sis.. nyahaha.. 9 yrs.. ka na sa blogging.. hihihi.. wala akong ibig sabihin.. ako 7 yrs.. so talagang ang tanda na natin.. naloloka ako dito.. hehehe..
ang dami mo naman palang anak.. isa na ako dun hihi.. may napansin lang ako.. ako lang pala ang naka .idlip.net.. hehehe.. pero walang kasO sakin yun, kasi una.. nageenjoy ako sa libreng hosting which is dapat kong ipagpasalamat sa inyo ni arvin.. kaya THANK YOU ng sobra.. :)
Ahmm.. sana.. yung iba mas maencourage na magblog pa.. at xmpre tumagal sa blogging.. kahit na mag hiatus man xa.. ayos lang.. :)
Lastly, I hope they don’t use blogging for popularity.. coz di naman ito searching for artista in the internet.. just stay humble and be happy for just being a simple blogger.. like us.. We don’t need awards in the blogosphere.. we just want to influence more bloggers.. :)
nga pala ilalagay sa sidebar yung badge.. hehehe.,. just for this whole year.. lang naman,, :)
senior ka na talaga… 10 years ba naman!! haha! congrats.. keep blogging karmimay! :) it’s nice to know you kahit di pa tayo nagkikita ng personal.
ingat ka lagi and God bless sa’yo!
hay nako day! mas nauna na ako sayo nag bigay ng tribute yun nga lang mas detailed ung sayo hahaha.
eto tingin mo LINK
anyway how are you na? :)
oh wow you have been blogging for so long! congratulations! i wish i can be blogging for a long time too LOL
waaah si ninong kneeko. sya ang nagbinyag skin ng yeye. miss ko na siya.
uu si ardee pakalatkalat sa multiply(weh feeling close haha)
si major at master at lojik! mga ka-eb hehehe
haaay karmi. salamat sa special mention. tol ah. anak mo ko?nyork. hahaha. labyu
san nga ba kita naabutan nun? ay sa idlip na ata.hehehe.
abangan mo ang aking tribute..bonggang bongga. hahaha
isa ka ng haligi ng blogging ate karme hehheheh
naks naman napakamakulay pala ng history ng bloglife mo :) kaingget lol
maraming salamat at nakasama ako sa kasaysayan ng blog mo :)