hindi, libre ko na.
sabi ko sayo nung muli tayong nagkita. sumang-ayon ka na lamang sa sinabi ko, na nakakapagtaka dahil di ka naman dating ganun. madalas ikaw ang nanlilibre sa akin, madalas ikaw ang bahala. pero this time, simpleng ‘ok’ lang ang naisagot mo. binuksan mo ang pintuan ng Dencios para sa akin. gentleman ka pa rin syempre. nilapitan tayo nung waiter, sabi mo, table for 2. sumunod tayo sa kanya at dinala sa upuan na nasa bandang gitna. doon ka umupo sa tapat ko, na dati rati’y magkatabi tayo. iba na nga pala ngayon. iba na.
may special sila ngayon, ung bucket. anim na San Mig Light, 120php lang tas may dalawang side pa.
pwede na un.
sigurado ka bang iinom ka?
oo, tig tatlo tayo.
ayaw mo na iinom ako. ayaw mo talaga, pero wala kang magawa ngayon, ako ang nang-aya dito, kaya ako ang masusunod. libre ko nga diba? tinawag mo na lang ulit ung waiter para sabihin ung order natin. tinignan ko ang oras sa celphone ko, alas-otso y medya na pala. late na rin, pero heto ako, kasama kita na kung bakit ay hindi ko rin alam. pagkaalis ng waiter ay isang nakabibinging katahimikan ang pumagitna sa ating dalawa. wala ni isa sa atin ang nagsalita. siguro’y pareho nating di alam ang sasabihin, o sadyang pareho tayong nakikiramdam. malaki na nga ang nagbago sa ating dalawa. di na katulad ng dati na di nauubusan ng sasabihin, di nauubusan ng kwento.
wow, nasa dencios nga pala tayo. of all places diba? madalas tayong tumambay dito dati eh, after ng shift ko sa trabaho. tig-isang San Mig Light tayo, na madalas eh di rin nasusunod, dahil nakakadalawa ka. ako ang madalas umubos ng sisig with egg nila. tirador nga ako ng pulutan diba? hinahayaan mo akong ubusin ung pulutan para di ako uminom masyado. tapos ay ihahatid mo ako sa bahay, kahit na sobrang late na. noon un, at tulad nga ng sabi ko, iba na ngayon.
dumaan ang isa, dalawang oras. di na rin masama. nagusap pa rin naman tayo, pagtagal ay naging kumportable na rin. walang nagbago, 4 ang nainom mo, dalawa sa akin, pero hinayaan mo pa rin akong ubusin ung sisig at hipon. nagkumustahan tayo kung anu na bang nangyayari sa mga buhay natin. sabi mo’y wala pa rin akong pinagbago. sabi ko, mukha kang stress. natawa ka at di na umimik. tumingin ka sa orasan mo’t sinabing gabi na, kailangan ko nang umuwi. tinawag mo na ung waiter para makapagbayad na tayo, at tulad nga ng napagusapan, libre ko.
late na, hatid na kita sa inyo.
naku di na kailangan. salamat na lang.
sigurado ka?
oo. salamat sa oras ha.
hindi. salamat sayo.
babay.
babay. ingat.
un na ung huli nating pagkikita, di na mauulit ung drinking session natin na un. di na pwede. may mga bagay na kailangan nang tapusin para mas maging maayos.
sa dencios tayo nagsimula. kita mo nga namang sa dencios din pala matatapos ang lahat.













dahil sa pakikinig ko sa Sugarfree Live na CD, kaya ako naisipang isulat ung kwento sa itaas. ^_^
nakakamiss magsulat ng mga ganyang klase ng kwento. nakakagaan din ng pakiramdam. :) salamat Sugarfree! ^_^
Aww. Maganda talagang magsulat ng ganitong kwento kapag may kasama kang coffee at nakakaemote na kanta. :) I feel you karmi.
magandang magemote sa kanta ng Sugarfree talaga! hehehe. ^_^ salamat Chi.
Iba naaalala ko kapag dencio’s e:P well, kasi unang beses ko pumasok sa ganun, haha:P ‘tas unang inom ko rin ng san mig light, hehehe. tapos, tapos…
yun. Hehehe.
tapos ano? LOL. hehe. di ka naman umiinom eh. at hayaan na lang natin na ganun nga. :P
wow..you’re blogging again! woooohoooo! so how’s life? still there in States? :)
—
ano to? is this your personal story or ng iba? or fiction lang… hays…feelings change. same with emotions. nothing’s bound to be constant :)
thanks for the drop :)
hi ron! ^_^ di naman ako nawala, hehehe, di lang ako masyadong naggagala.. :) opo, andito pa ako sa States. hehehe. :)
–
fiction ung story sa itaas. hmm, personal story? pwede. pero di pa nangyayari. at hindi na mangyayari. ^_^
ehehe, fiction siya! ang galeng ng story.. ^^
salamat cindy. :)
totoo o hinde? eggsayting. haha. :D
umm, hinde. hehehe. :) eggsayting ba? di na mangyayari yan eh. :)
inaanak.. pakitimplahan nga ako ng kape, isang teaspoon ng asukal lang huh :P
kneenong! :)
hala, di ako marunong magtimpla ng kape. baka di mo magustuhan. :P hehehe.
musta?
tamang senti si mimay :P
yan ang epekto kapag walang magawa sa trabaho at nagso-soundtrip. hehe. :)
nice one!
akala ko true to life na. :D
hmm.. makapakining nga rin ng goos music para mapiga ang creative juices ko.
salamat! ^_^ hehehe. oo, makinig ka ng mga kanta. mas nakakapagsulat ako ng kwento kapag ganun.. :)
hi karmi.. kaka-emote yung story.. akala ko rin true-to-life.. i like it! :0)
salamat ate. :) nakakaemote ba? haynaku, ganun talaga. emo naman talaga ako diba? hehehe ^_^