A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista
Ang buhay, parang pagtatayo ng website. Hindi sa lahat ng browser, maayos tignan ang iyong mga pahina. Minsan kulang sa plug-ins, luma ang version o kaya magkaiba lang talaga kayo ng vendor. Dahil sa mga pagkakaibang ito, naiiba ang itsura ng iyong site sa tingin ng ibang mga surfers. May maganda, may pangit, may hindi maintindihan, merong magulo.
Ikaw?
Nakikita mo ba ako nang maayos?
June 13th, 2004. Aces.tabulas.com ang naging server ko nung nagsignup ako sa tabulas. Yun ang araw na ako ay naging isang opisyal na blogger. Tabulas lang kasi ang alam kong blogging engine dati, malay kong meron pa palang iba, hehehe:P Ate ko ang nagkwento sa akin tungkol sa blogging, pero hindi siya blogger, kundi yung isang student assistant (SA) nila sa admissions office ng UST. Nagprint pa nga siya ng dalawang entry nung SA nila at pinabasa sa akin, tungkol sa tander cats ata at mga boylets.
tabulas.com/~cornyscience ang URL ko nun. Cornyscience, kasi naman, hayskul palang kasi e batikan na ako sa pagiging corny.
Puro buhay kolehiyo ang mga pinagpopost ko nung una. Karamihan, tungkol sa Math subjects ko na napakahirap o tungkol sa mga crushes ko, haha. Oo, either tungkol sa bagsak kong math exam o, kung paano ko nalaman yung buong pangalan ng crush ko na nagsimula sa numerong 54333. At ilang mga Maala-ala mo kaya entries tungkol sa mga crush ko nung hayskul.
Nagblog ako dahil gusto kong isulat ang mga nangyayari sa buhay ko, dahil hindi naman kayang alalahanin ito lahat ng utak ng tao. Ayus din siguro kasi kung matanda ka na e mababasa mo ang mga nangyayari dati nung bata ka pa. Kaya nga kapag nagkaanak ako e gagawan ko siya ng blog para kapag matanda na siya e makikita niya. Read the rest of this entry »




