A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista
Add comments January 19, 2009 » 423 days agomaalaala ko kaya, meme
Ang buhay, parang pagtatayo ng website. Hindi sa lahat ng browser, maayos tignan ang iyong mga pahina. Minsan kulang sa plug-ins, luma ang version o kaya magkaiba lang talaga kayo ng vendor. Dahil sa mga pagkakaibang ito, naiiba ang itsura ng iyong site sa tingin ng ibang mga surfers. May maganda, may pangit, may hindi maintindihan, merong magulo.
Ikaw?
Nakikita mo ba ako nang maayos?
June 13th, 2004. Aces.tabulas.com ang naging server ko nung nagsignup ako sa tabulas. Yun ang araw na ako ay naging isang opisyal na blogger. Tabulas lang kasi ang alam kong blogging engine dati, malay kong meron pa palang iba, hehehe:P Ate ko ang nagkwento sa akin tungkol sa blogging, pero hindi siya blogger, kundi yung isang student assistant (SA) nila sa admissions office ng UST. Nagprint pa nga siya ng dalawang entry nung SA nila at pinabasa sa akin, tungkol sa tander cats ata at mga boylets.
tabulas.com/~cornyscience ang URL ko nun. Cornyscience, kasi naman, hayskul palang kasi e batikan na ako sa pagiging corny.
Puro buhay kolehiyo ang mga pinagpopost ko nung una. Karamihan, tungkol sa Math subjects ko na napakahirap o tungkol sa mga crushes ko, haha. Oo, either tungkol sa bagsak kong math exam o, kung paano ko nalaman yung buong pangalan ng crush ko na nagsimula sa numerong 54333. At ilang mga Maala-ala mo kaya entries tungkol sa mga crush ko nung hayskul.
Nagblog ako dahil gusto kong isulat ang mga nangyayari sa buhay ko, dahil hindi naman kayang alalahanin ito lahat ng utak ng tao. Ayus din siguro kasi kung matanda ka na e mababasa mo ang mga nangyayari dati nung bata ka pa. Kaya nga kapag nagkaanak ako e gagawan ko siya ng blog para kapag matanda na siya e makikita niya.
Nasa tabulas ako nung nakilala ko si mae-noodle. Inadd ko siya sa friendster e, ewan ko lang kung paano ko nakita yung fs niya. Natuwa siya sa mga tula ko at pinramis nga niya sa akin na magbabackread siya sa blog ko dahil gusto niya lahat mabasa, hehehe. Hardcore gamer yun e, pareho kaming comsci. Maraming beses na siyang umalis at bumalik sa mundo ng blogging, at ngayon e wala na naman, hehehe:P
Mga blogs sa tabulas ang nakapagpasulat sa akin ng mga tula, tulad nila bluedolphin (na sobrang natuwa ako sa welcome/sticky post niya dati) at kiko montesena Nakakainggit e:P hehehe.
Sa Tabulas ko rin nakilala ang una kong online crush, si verniez, isang indonesian student na soldier of faith. Kahit di niya ako kilala e dumadaan-daan pa rin ako sa blog niya, hehehe. Nasa multiply na siya ngayon:P
Nakulangan ako sa Tabulas, dahil hindi naman ako nakakagawa ng sarili kong web pages, siguro dahil na rin sa pagiging comsci stud at pagkakaroon ng HTML subject nung hayskul kaya ganun. Kaya in-enable ko ang geocities ng yahoo account ko kaya nagkaroon ako ng geocities.com/onebigearth. Diyan ko ibinuhos ang lahat ng HTML at javascript skills ko (konti lang yun). May mga browser games, mga gumagalaw-galaw, nawawala-wala at kung anu-anu pang effects na sintomas ng pagiging newbie HTML coder.
Homepage ko sa geocities ang pagtatalo nila tong at ulang tungkol sa paggawa ng wala, hango sa librong Alamat ng Gubat ni Bob ong. At asar ako dati sa Firefox kasi magulo ang pag-iintindi niya sa CSS styling na ginagawa ko hahaha.
Tapos ay may nabili akong book tungkol sa heavy-duty web programming stuff at nakilala ko sina Apache, PHP at MySQL. Kaya ayun, nakulangan na ako sa geocities site ko dahil hindi ko maaapply ang aking new-learned skills dun. At buti na lang kamo ay nakita ko itong thread na ito sa grabeh.com habang naghahanap ng hosting, na nag-iinvite sa isang free blog hosting sa pinas ang blogista.com!
100 slots lang ang available at ako ang pangatlong nagsignup. Lahat-lahat e apat lang ata kami dun, hehehe. Hindi pa uso ang mga free hosting servers dati pero mas marami atang blogging engines.
komski kowts, yun ang unang naging project ko after ko makuha ang komski.blogista.com account, na ikinuwento ko na ang buong istorya sa post kong BO. Dun siguro ako mas nakilala, dahil sa kowts kong iyon dahil nang ispam ako sa halos lahat ng tagboards at cboxes sa buong kablogospheran. Ispammer.
Second project ko ay ang sarili kong blogging engine, dahil nuon ay gumagawa ako ng webpage sa bawat bago kong entry. Sobrang hassle, kaya gumawa ako ng sariling editor, templating system, themes, admin section atbp. Ayus di ba? Hehehe, pero ginawa ko yun dahil anung malay ko na yun pala ang ginagawa ng Wordpress? Hehehe.
Pero ngayon ko lang naalala na meron nga palang nakigamit nung blogging engine ko na yun! Este, yung commenting system lang pala na ginawa ko. Hehehe, si khristian ng ola6uv.blogista.com na tumigil na sa pagbablog nung pumasok siya ng kolehiyo. Mas maganda nga lang yung website niya kasi mas may alam siya sa pagmamanipula ng graphics, hehehe.
May iba pa akong programming projects tulad ng iconized na tagboard, sadako script, graphical text at marami pang iba, kaya nga naghanap ako ng iba pang host dahil nauubos ko na ang 15MB sa blogista.com. Oo, 15MB! Dati nga kasya pa ang buong site ko sa isang floppy disk, haha. At nakita ko naman ang black-apogee.net na pag-aari ni shari, na kanina ko lang nasearch, ay ngayon ay nagbablog na sa misteryosa.com. Pero sandali ko rin nagamit yung account ko sa kanya, hehe.
Ginamit ng HS seatmate ko yung graphical text script ko para sa ibinigay niyang regalo sa kaklase niya. Ginamit ko naman ito para gawin ang isang wallpaper na ibinigay ko kay clara ng clara-doll.blogspot.com, ang isa ko pang online crush.
Nang dahil sa pang-iispam para sa kowts lang talaga ako nakapagbloghop ng husto at dahil din dun kaya ko nakilala ang iba ko pang mga blog friends.
Isa na dun si karmi na noon ay nasa myonlinehub.blogspot.com, na natuwa sa spongebob kowts. Sa kaniya nanggaling ang intro na mababasa sa quotes page ko na ngayon ay nasa komski.awardspace.com/quotes na. Madami-dami rin ang nakagamit ng kowts na yun, lalo na yung sa kay bob ong. Hanggang ngayon e may nag-eemail pa rin sa akin o nag-aadd sa ym at nagtatanong kung may alam akong kowts ni Bob ong.
Isa pang gumamit ng spongebob kowts ay si Juvil ng balatngorange.blogspot.com. Wirdu, haha. Kaya nga nagpabalik-balik ako sa blog niya. Emo at rakista na ngayon e may hawak na ng gatilyo para barilin ang kung sino-sino ng xray o kung anu-anong electromagnetic waves. Cool. Nakakatuwa din siya magcomment kasi hindi ko alam kung anu aasahan kong sasabihin niya, hehehe. Kahit simpleng “astig” o “apir!!!” lang, nakakatuwa pa rin kapag siya ang nagsabi, hehehe.
Isa si Juvil sa mga gumamit ng komski kowts na nagbasa rin sa aking blog. Oo, may blog din ako. Na nung mga panahong iyon ay puro tungkol na sa mga crush ko ang pinopost ko. Crush ko sa palengke, sa bus, sa dyip, sa iba’t ibang klase ko sa iskul, sa canteen, sa library, sa dorm, sa mall, sa bus, sa MRT, sa kahit saan. Pero hindi naman sila lahat e totoo, yung iba lang, hehe.
Nakilala ko rin nun si super xienah, ang tagapagligtas ng naaapi. Natuwa ako sa kanyang boy bawang post na ewan ko ba kung niresearch niya talaga o ano, hehehe, puro detalye kasi at nakakatawa pa. Isa rin siya sa mga iilang blogger na nakausap ko sa ym. At nang lumaon ay naging crush ko na rin siya, ang dami na no? Hehe. Natuwa ako sa comment niya sa Unang tatlong minuto, na siyang pinakapaborito kong fiction story na sinulat ko.
Kung tinignan mo yung entry na iyon ay makikita mo rin yung isa pang nagcomment na walang blog URL, si wanderer, ang dating personal stalker ko. Ewan ko lang kung saan siya nanggaling, o kung paano niya ako nakilala. Nagulat na lang ako ng ikunwento niya na nung bumisita siya sa may Eng’g lib ay tinatanaw niya at baka makita niya daw ako sa may department namin.
Sa email ata kami nakapag-usap. Hmmm tama, kaibigan niya sa isang civics organization sa UP si marijuana ng buhaybahay.blogspot.com. Ewan ko lang kung anung nagustuhan niya sa akin, hehehe. Meron pang isang nagsabing nagkacrush siya sa akin, pero dahil naman sa pakulo kong bob ong kowts, si jheid ng jheid.tabulas.com:)
Grabe, puro babae ‘di ba? Pero may isang lalaki na nagsabi sa akin na crush niya daw ako. si tresebry:P joke.
Dahil sa blog ko rin kaya nagkagusto sa akin ang una kong girlfriend. Nagkagusto siya sa akin dahil sa blog, at dahil din sa blog na yun kaya kami unang nagkahiwalay =(( pero nagkabalikan naman kami after a year, hehe. Nagpost pa nga siya sa blog minsan isang beses, wala lang, sabi ko kasi e.
Dahil din dun sa breakup na yun kaya lumipat ako ng blog, nag-iba ng mga bagay na binablog at nagtino na. Mababasa ang aking mga entries sa komski.i.ph. Dahil din dun kaya hindi na ako masyadong nagsulat pa ng code, hindi nagmodify ng theme, walang PHP at Javascript. Hindi kasi pwede yun sa I.PH. Kaya nang magtagal-tagal ay nagsawa na rin ako, hehehe.
Nakilala ko sa I.ph account ko si Yods na nakita ang blog ko dahil naghanap daw siya ng mga tula. Certified emotero si yods, as in. Mas emo pa ang normal na post niya kaysa sa pinakamalungkot kong entry. Kinalaunan ay siya rin ang unang miyembro ng karmski loveteam fans club hehehe:P
Nang hindi dumating ang version 3 ng I.ph na gaya nang sinasabi nila ay nagpahost na lang ako kay karmi!:D
Nung year na yun kami naging close talaga ni karmi, nung bago pa niya ako i-host, dahil nung una e hindi ko siya masyadong pinapansin. Pero dahil sa kakulitan niya at nagkaroon na rin kami ng internet sa bahay e naging madalas na rin kami magkausap. Kung siya e may dance videos, ako naman ay nagpost ng mga kanta sa aking blog. Yung pinakauna e yung Tuyo Na’ng Damdamin ng Silent Sanctuary, hehehe:P na nasundan pa ng ibang kanta.
At akalain mong gumawa kami ng duet ni karmi, hehehe. Yung Bakit Ngayon Ka Lang ng Freestyle at ni Pops Fernandez. Pakinggan mo lahat ng mga kanta namin sa MP3 page, o ha, may kilala ka pa bang bloggers na may ganun? Haha:P
Sobrang naging close kami at eto na nga, kung binabasa mo ito e alam kong alam mo na ang naging kwento namin:P
Namulat ako sa wordpress nung mahost ako sa idlip. Ilang araw ko ring pinag-isipan ang aking magiging subdomain name, ang kinalabasan tim.idlip.net, na kung may magtatanong kung bakit ganyan o kung sino ba si tim… wala akong kilalang tim. “Tim.id Lip” ang blog title ko nuon, “Let me write what these timid lips dare not say.” ang subtitle. Ang drama di ba?:P hehe.
School-related stuff pa din ang binablog ko, tulad nung nasa komski.i.ph, kaya ayun, wala masyadong interesting, pwera na lang nung nagblog ako tungkol sa crush kong titser, hehehe:P Kinailangan kong gawing private yung post dahil binabasa ng mga tao sa iskul e. Inaassume ko na nabasa ito nung titser ko na yun, hehe.
Pero ilang buwan lang ako dun dahil nuong birthday ko ay binigyan ako ni karmi ng domain! bilang regalo. Ayun, komski.net na kapareho lang ng tim.idlip.net at komski.i.ph, yun nga lang, iba ang URL.
Andun na rin ako nung nagleleak na yung relasyon namin ni karmi, haha:P Hindi na kasi mapigilan ang nararamdaman at kailangan nang iblog para mashare sa iba ang sayang dulot ng isa’t isa. Nagsimula yun nung sa kwadradong mundo post ko para sa Litratong Pinoy.
Speaking of which, ang Litratong Pinoy ay isang photo meme na sinalihan ko dahil mahilig akong magpictures! Hehehe, at nuon e kabibili lang ng aming digicam kaya sabik talagang kumuha ng litrato. Nakita ko ang tungkol dito sa blog ni ate melai. Naging masaya ang pagsali ko dito dahil nakakatuwa ang mga comments ng mga miyembro sa mga litratong pinopost ko. At interesante ding makita ang mga litrato nila, international pa kasi:)
June 2008. Dumating sa Pinas so karmi at nagkita kami kaya that makes her the first blogger that I ever saw in person. Naging masaya ang buwan dahil halos araw-araw ko siya nakasama:D Nakasama din tuloy ako sa Blogger’s EB na kinatampukan nina yeye, major, masterbetong, rob, lojik, hachi, vanny, ate rio, ate lalaine, ate sheng, ate cielo, at kami, karmski:P lol.
Wala naman kasi talagang makakakilala sa akin kung hindi ky karmi e. Hindi naman kasi ako nagbabloghop o anu man. O ha, kahit sa web, loner pa rin, hehehe.
After nun ay nabuo na itong kundiman[dot]net na pinlano na rin namin noon pa. Nagamit din namin ang karmi.at.komski.net at karmi.and.komski.net, yun nga lang, nagkaproblema sa ‘di malamang dahilan. Conjugal blog na minsan e hindi pa rin malaman ng iba kung sino ba talaga ang nagpost, kung si karmi o ako. Unang indikasyon ay yung post icon sa taas, sa tabi ng title, na kapag lalaki ay ako ang nagpost, kung babae naman ay si karmi ibig sabihin ang nagpost. Meron ding nakasulat sa ibaba nung post kung sino ang nagsulat, hehehe. Kapag babai’t lalaki yung nasa icon ay dahil in general yung post na kadalasan ay dahil sa isang announcement o dahil iyon e isang podcast.
Podcast! nainggit kami kina leyn ay kingdaddyrich kaya gumawa kami ng podcast din namin, hehehe. Gamit namin e Audacity at YM. Sa ngayon e nakakaapat na kami:)
August 2008. Litratong Pinoy EB! Hehehe, ilang linggo ko rin isinama sa mga LP posts ko na sasama ako sa EB at nanghihikayat na sumama na rin ang iba. Unang beses kong pumunta ng Intramuros kaa isinama ko na rin ang ditse ko. Nakita ko na tuloy sina ate Thess, kuya Lino, at sina Pinky at kuya Keith. Nuong araw na iyon ay lumuwa ang mga mata ko kakatitig sa mga camera nilang lamang ng higit sa sampung buttons sa camera ko, mas maraming pinipihit, mas malalaki, at mas mabibigat.
Ngayong taon e nahikayat ko na ring sumali yung kaklase ko na sumali ng Litratong Pinoy. Official member na nga siya e. Sumali na rin pala si yeye!:D Nga pala, simula nung sumali ako sa litratong pinoy ay 60% na ng entries ko ay para sa LP, hehehe:P
Naging pakulo rin namin ni karmi para sa birthday niya ang E[kwento]MO: Emo Writing Contest. Sabi kasi ni karmi na gusto niyang magbigay ng regalo sa bday niya kaya umisip kami ng contest. Ako ata ang nakaisap, hehehe. Nang dahil 0duon ay nagkaroon ng mga bisita ang kundiman at naging busy kami sa pagtatala ng mga boto. Doon namin nakilala si Clarice ang nanalo at ngayon ay hosted na sa ishybitsy.com. Hindi raw sila ang may-ari ng Sarao na jeepney brand.
Naging raket ko rin recently ang Twitter at Plurk account ni Bob ong na nag-uupdate araw-araw ng mga kowts niya. Mas marami yung mga followers sa Plurk na abot na ng 4300+. Binuo ko rin ang MyBlogLogSphere na wala nang nangyari, hehehe. Anung susunod kong raket? Nag-iisip nga ako para sa Friendster e, hehehe.












binasa ko. from top to bottom
ungtabulas. limited lang nuh. nahirapan din ako nun magedit ng page. hahaha
tapos..may naging friend din ako na taga indonesia din ata. haaha..kaya super english. haha
geocities…kelangan talaga bawat post, ibang page. hahaha. kaya di ako gumamit niyan
tska ginamit ko lang yn nung nagpagawa ng website ung friend ko. (akalain mo nakagawa ako?) eh naman. simpleng mga marquee lang at mga fonts..links..etc haha
kaw naman pala ung spammer eh! hahaha
si tresebry. uu kras ka pala nun hahahaha. kabadingan. lols
uu sa komski.i.ph naabutan na kita dun. hehehehe.
uu dahil kay karmi nakilala ka namin. hehehe. sana sa eb ni vanny, punta ka ah. representative ka ni karmi hehehe
yan haba na din ng comment ko. haha haba ng post mo eh :P
sana nga mas maganda digicam ko para sa LP. haha
salamat sa pagspecial mention. lols
oh sha. tulog na ko. duty n maya :D
lolo blogger na din si komski!yey!!
Lolo blogger!?! Pag ikaw may makitang bagong theme sige ka.. hehehe, joke. Kapag may tumawag na sa iyong ate yeye, ayun, tatanggapin ko na yung pagiging lolo blogger ko, hehehe.
Ang haba nga rin nung comment mo. Yes naman, gumagawa ka na pala ng website dati e, hehehe. At oo no, gaganda rin ang digicam mo. Pabili ka kaya sa kuya mo! Ako rin nangulit lang e hehehe.
tagal mo na rin pala sa blog. astig nga isipin kung paano nagsimula ang kanya kanyang blog. ako naman nagsimula sa tripod pero dalawang taon lang ako dun tapos hininto ko na. tapos after two years na ulit nakabalik sa blogspot na ngayon.
Oo nga e, yung iba hindi ko alam, mas matagal pa palang nagbablog kesa sa akin. Blog meme yan kaya gawa ka na rin ng kwento mo:D Eto yung nagsimula o, si jen
buti dumaan ako, kung hindi di kO mababasa ito. paubos na sana ang load ko, pero dahil sa nanabik ako basahin ang entry.. talagang binsa ko from top to bottom.
Me toO, alam naman ata ng lahat na ako ay nagmula sa tripod, geocities, pitas,blogspot, tabulas, wordpress o dba? at ito ang 1st time ko nagpahost d2 sa 2 napakabait na hosting ko, si karmi and komski.. kaya nga hanggat wala pa akong puhunan para sa sariling domain, ay makikibahay ako.. hehehe..sana di sila magsawa sakin.. hehehe..
una kita nakilala sa iyong bob ong komski box, nagtaka kasi ako.. bakit yung mga kapitbahay kong blogger may nakalagay na bob ong sa sidebar nila, eh dahil sa favorite ko si bob ong.. kumuha din ako ng akin.. usong uso yun dati, na halos lahat ata ng tao gumgamit nun.. hehe.. at xmpre, kumuha din ako ng tagboard nun, kasi natuwa ako naRUTO.. eh sobrang favorite ko yung cartoons na yun.. :)
Nagtake a break ako, at pagbalik ko.. eh ayun ikaw ay naglipat bahay na sa komski.i.ph at doon ko kayo nabuking ni karmi na kayO.. ahihi.. tapos puro kantyaw naku.. hehehe..di ko kasi akalain na behind the blogging friendship, ay may namuong isang pagiibigan..ahihi.. :)
hanga ako kay komski, kasi super galing nya sa web development.. madami kasing nagaaral ng mga yan SQL, javascript.. pero xa, parang chinicken nya lang.. o dba?..
sana nextime may EB makasama me, I’ve never been sa mga EB.. hehehe..
ayun, so sana keep on blogging.. and xmpre happiness in everything!! :)
Hala, gumamit ka rin pala nung tagboard na yun, hehehe:P Grabe naman, ‘di ko naman chinicken, e kasi maedyo ganun na yung pinag-aaralan namin sa iskul nuon kaya nagets ko kagad hehehe.
Buti bumalik ka sa pagbablog:) Maraming gumamit nung kowts kasi nga nang-ispam ako, hahaha. May EB sina vanny, sama ka, ewan ko lang yung mga detalye.
kailangan kong magreply! hahaha :P
di ko rin akalaing may namumuo nang pagiibigan. :D hehehe..
naku ka jen, di kami magsasawa sa inyo noh :) hanggat may idlip, may bahay ka. ^_^
Hahaha, parang inilihim na sikretong malupit na ewan lang, hehehe:P
hiatus na walang pasabi.. at andito na ko ulet! hehe. ilang beses ko din sinubukan umalis.. burahin ung blog ko. o lumipat ng blog.. kaso di ko maiwan ung sa blogdrive ko. almost 5years na rin pala un. aus tong post na to ahh.. certified lolo blogger! hehe.