choco baby <3.
830pm. wala akong magawa. kadalasan ganitong oras, nagrereklamo na ung kapatid ko dahil sa ingay ng pagsasalita ko. di nila ako makausap ng maayos dito sa bahay dahil naka-headset ako’t di ko sila maririnig. madalas, kausap ko sya ng ganitong oras. nagkukulitan, asaran.
nakapagpalit na ako ng friendster layout at nakapagPet Society. wala na talaga akong magawa. tiningnan ko ung Yahoo Messenger list ko, offline. wala ung dilaw na smiley na may pangalan nya. wala akong makulit tuloy. hay. kung pwede langĀ talaga kitang makasama.. ooopps, bawal magdrama.
nakakapanibago lang talaga. kung dati’y pagkaonline ko’y makakausap na kita, ngayon hindi na ganun. medyo di na tayo nakakapagusap ng matagal. wala nang masyadong webcam/voice confe session tuwing gabi/umaga dito bago matulog. di ka na pwedeng magpuyat, di na rin ako napupuyat. sorry nga pala kahapon ha, sana talaga di ka magsawa sa pagintindi. :)
ang haba ng post. dapat ung picture lang ng Choco Baby tas one-liner na entry eh.
haaay.
nga pala,
miss na kita.
sobra.





