dencios

Posted 3 years ago emo daw, writings

hindi, libre ko na.

sabi ko sayo nung muli tayong nagkita. sumang-ayon ka na lamang sa sinabi ko, na nakakapagtaka dahil di ka naman dating ganun. madalas ikaw ang nanlilibre sa akin, madalas ikaw ang bahala. pero this time, simpleng ‘ok’ lang ang naisagot mo. binuksan mo ang pintuan ng Dencios para sa akin. gentleman ka pa rin syempre. nilapitan tayo nung waiter, sabi mo, table for 2. sumunod tayo sa kanya at dinala sa upuan na nasa bandang gitna. doon ka umupo sa tapat ko, na dati rati’y magkatabi tayo. iba na nga pala ngayon. iba na.

Read the rest of this entry »

Nosebleed at MyBlogLog

Posted 3 years ago Uncategorized

At ano naman ang kinalaman ng dalawang yun kung maitanong mo? Una ay MyBloglog dahil may ginawa akong isang mashup ng MyBlogLog at Google Maps kung saan makikita mo sa mapa kung saan nakatira yung mga recent readers ng blog mo:D Parang ganito:

MyBlogLogSphere

At bakit nosebleed? E kasi kelangan kong i-explain ang ginawa ko sa ingles para maintindihan ng mundo:P hehehe. Narito ang about page ng mashup na pinangalanan kong MyBlogLogSphere!

O ha, walang ‘k’ kahit saan sa name yan tsaka di ko nilagyan ng ‘komski’ sa unahan, haha:P Try mo yung ginawa ko, basta may blog ka lang na gumagamit ng MyBlogLog, ayus na. idugtong mo lang ung URL ng blog mo sa dulo ng http://kundiman.net/mybloglogsphere/ para makakakuha ng URL tulad ng:

http://kundiman.net/mybloglogsphere/kundiman.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/idlip.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/kalawakan.info
http://kundiman.net/mybloglogsphere/painuminmoko.idlip.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/komski.awardspace.com

Try mo na, please! hehe:) ETo nga pala yung tinwit ng MyBlogLog nung nalamann nila tungkol sa mashup na ito, hehehe. http://twitter.com/mybloglog/statuses/1119272212

Twitter / mybloglog

bangag

bangag

Posted 3 years ago blabbers

loner.

dalawang araw na akong walang ka-partner dito sa trabaho. ok lang naman sa akin, mas nakakapagsoundtrip ako. pero, busy tuloy. di ako makatulog. LOL.

masakit ang ulo ko.

halos buong araw na akong tulog kahapon pero heto ako ngayon, inaantok dito sa trabaho. feeling ko kapag natutulog ako, sa halip na makapagpahinga eh lalo akong nanghihina. hindi ko tuloy alam kung bakit masakit ang ulo ko eh, kung dahil sa kulang ako sa tulog o nalalasing na ako. ito ang hirap kapag panggabi sa trabaho, kulang na kulang ang tulog kahit na piliting mabawi ito.

bingi na ata ako.

kanina may tumawag na programmer. babae, indian. binigay nya ung pangalan nya, hindi ko maintindihan. di ko sya binigyan ng access sa system namin dahil wala ung pangalan nya sa listahan. sabi nya, nakatanggap daw sya ng email na dapat may access na sya, sabi ko na lang sorry wala talaga eh. ok lang daw, tatawagan na lang daw nya ung taong nagsabi nun. ok na. pinuntahan ko si bossing, kinuwento ang nangyari. naghalungkat sya ng emails nya. ayun, may bagong user nga at nasa listahan na. bingi na ata ako, ang sinabi kasi nung babae Bhole, Simpa ang pangalan nya. pero ang nakalista eh Dhole, Smith. nice.

ang sakit ng mata ko.

sa kada tatlumpong minuto na nakatitig ako sa monitor screen, kailangan kong sumandal muna sa upuan at ipikit ang mga mata ko. ikaw ba namang tumitig sa 30 monitor screens, ewan ko na lang kung hindi ka mabulag. teka, may salamin nga pala ako, pero ayokong gamitin dahil ayoko lang. pampawala ko ng antok ang paglalaro ng sudoku. kaso, lalong sumasakit ung mata ko. sumasakit din utak ko sa pag-iisip. masamang ideya.

ang bigat ng utak ko.

ilang araw na akong nagkakaroon ng wirdung mga panaginip. kaya siguro parang pagod ako kasi kahit sa pagtulog ko, wala akong pahinga. ikaw ba namang managinip ng nakasakay ka sa eroplano pero bukas ang mga bintana at mukhang ordinary bus ung itsura, isang action packed na panaginip un, un nga lang, bitin. di ko alam kung nakapaglanding ba kami ng maayos o namatay ako. ilang araw na nakaalipas pero malinaw pa rin ung panaginip. kelan ba ako makakatulog ng walang panaginip?

adik kasi.

naadik ako sa Pet Society sa facebook. ilang awards na ung nakuha ko, may 4 rooms na rin ung bahay ng pet ko na pinangalanan kong Pollie na kung hindi ako nagkakamali eh pangalan sya ni Jolina Magdangal sa I Luv NY. halos araw-araw, kapag online ako, un lang ang ginagawa ko. di ako nagbo-blog. di ako namamansin sa YM. un lang. nakakabadtrip nga lang, lagi nang down ngayon ung application. ang dami na kasing gumagamit. kung may facebook account ka, try mo ung Pet Society ha, tas add mo na rin ako as friend.

may sumasabay pa.

di na ata nakakarecib ng brightkite updates si Arvin sa phone nya. ayos naman talaga sa timing. saya lang. nga pala, congrats sa bagong work baby :)

wala sa hulog magsulat.

gusto kong gumaan naman ung pakiramdam ko kaya naisipan kong magsulat. mas ok na pakiramdam ko ngayon dahil feeling ko sa bawat mailagay ko dito sa notepad eh unti-unting nauubos ang laman ng utak ko. haaay, saya. makakapahinga na ulit. matutulog ako maghapon paguwi ko. off ko naman eh. saya, pahinga galore na.

pero teka.

may meeting pala mamayang alas-dos ng hapon. nosebleed na naman. hay. nevermind. sana lang may libreng pagkain.

A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

Posted 3 years ago pakulo

Certified Senior Bloggista!senior bloggista. damn, napagisip-isip ko, ganun katagal na ba talaga akong nangungulit dito sa blogosphere? ganun katagal ko na bang ginugugol ang oras at salapi ko sa pagtambay sa bahay na wala nang ibang ginawa kundi ang humarap sa laptop at magblog? ganun katagal nagpapaka-emo at nagdadrama? ilang lalake na ba ang nagawan ko ng post? O.o umm, nevermind.

sabi dun sa pakulo ni jen aka walongbote, magkwento daw tungkol sa iyong blogging life at magbanggit ng mga senior bloggers na nakilala mo along the way. hmmm, mahaba-habang trip down to memory lane ito at chance na rin para makapagthank you sa mga blogger na naging malaki ang impact sa blogging carreer ko. oo, carreer talaga dahil kahit sa trabaho, minsa’y pagbo-blog pa rin ang inaatupag ko. :)

June 2000. 1st year college ako nang namulat ako pagcha-chat at paggawa ng webpages sa geocities. si raych, bestfriend ko nung college, ang nagimpluwensya sa akin, sya ang salarin kung bakit ako nagkaroon ng interest sa webdesign at blogging na rin. geocities.com/cutecarme. yan ang pinakaunang website ko. personal site, panay litrato ko, mga lyrics ng kanta, tula at quotes. ung index page ko pa noon eh mukhang ginawa ng gradeschooler pero proud ako dahil unang beses kong gumawa ng webpage. may frames pa nga ung page ko. basta, sinauna. hehe. nagbo-blog na rin ako nun, pero inu-update ko lang ung isang page.html kada araw. o diba, old skul. wala pa kasi akong alam noon eh. lumipat ako ng host dahil ayoko na nung URL ko. kharmie.imess.net. gurlnxtdoor.fateback.com. dalawang blogs ko hosted sa fateback.com at pitas.com ang gamit para sa journal part. di ko na masyadong namaintain yan dahil busy sa iskul at saka sa crushes ko. haha. di na rin ako masyadong nakapagblog simula nung makagraduate ako ng college at nagsimulang magtrabaho. wala na yang mga blog ko na yan, nanghinayang nga ako, kasi binura ko. tsk.

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.