(pacific) ocean size love

Posted almost 3 years ago ldr

ilang minuto na lang, maliligo na ako’t papasok na sa trabaho. tulog pa si Arvin, di ko rin sya nakausap ng matagal kanina dahil matutulog na sya, at ako nama’y may birthday party na pupuntahan.

dahil sa sobrang pagkamiss, nagawa ko ung image sa ibaba. hay, kulang ang pictures natin! hehehe. :) basta next times, mas madami pa! ^_^

i miss you baby. *yakap* i love you!

<3

Ocean Size Love. pang-LDR na kanta. di naman masyadong sapol noh? hehe. hay, AYOKONG MAGDRAMA. nakamiss lang talaga. hay, ilang beses ko na bang nasabi ung salitang miss? LOL.

Read the rest of this entry »

meet the Castros

Posted 3 years ago Litratong Pinoy

dahil sa busy si Arvin sa kanyang bagong trabaho, ako na muna, si Karmi, ang gagawa ng LP theme para sa linggong ito.

LP logo“Magustuhan kaya nila ako?” yan ang tanong na naglalaro sa isip ko habang nagbibiyahe kami ni Arvin papunta sa kanila. oo, meet the parents ang naging pakay namin ng araw na iyon – gusto daw kasi akong makilala ng mga magulang nya. gusto nilang makilala ung babaeng pumupuyat sa anak nila. *gulp* lagot na. pero gusto ko rin naman silang makilala ng personal, para naman hindi lang sa webcam ko sila nakikita.

halos lagpas din ng isang oras ang biyahe mula Cubao hanggang sa kanila. nagbus, jeep at tricycle pa. dumaan pa kami sa isang grocery store para bumili ng ice cream. tinanong ko si Arvin kung anung pwede kong dalhin, wala daw, basta pumunta lang daw ako. ayos. wala akong ka-ide-ideya kung anung mangyayari. makasagot kaya ako ng maayos sa mga tanong nila? magopen up kaya ako ng topic? :| ang saya nito. nakakakaba.

naglalakad na kami papasok sa compound nila ng sinabi ni Arvin…

ikaw pa lang ung babaeng dinala ko dito sa bahay.

wow. walang kapressure-pressure. wala talaga. wala akong maramdaman sa kaba.

nay, si Carme.
hello po.
bat ngayon lang kayo? kanina pa namin kayo hinihintay.

naging maayos naman ang pagbisita ko sa kanila. may mini-handaan na, may take home pa ako. :) hehe. kahit na kinakabahan ako nung umpisa, naging kumportable naman ako habang kinakausap ko sila. si Arvin ata ang mas kinakabahan kaya wala syang ibang ginawa kundi ang kunan ako ng litrato.

naging mabilis lang din ang pagstay ko sa kanila, medyo hapon na rin kaya kailangan nang umuwi. sa Marikina pa ako nakatira, sila Arvin? Bulacan lang naman. hehe. :)

grabe, di ko naman expected na maghahanda sila.
pati nga ako nagulat, tinalo mo pa birthday ko ha.

Ito ang aking lahok para sa ika-46 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tipanan (date). Ang litrato ay kinunan noong June 24, 2008 sa bahay nina Arvin. Alamin kung saan ang paboritong tipanan ng mga miyembro dito.

bat kasi bilog ang mundo?

Posted 3 years ago blabbers, emo daw

sabi ni Arvin sa akin, wag daw akong malulungkot. sorry baby ha, kung malungkot man ang dating nitong post ko ngayon. *yakap* i love you!

panggabi ako dito sa trabaho ko. 12:15am-8:45am. halos tatlong taon na akong panggabi, medyo mahirap lalo na kapag may 3 kang kapatid na gigisingin ka tuwing hapon para lang gumala. lagi kang kulang sa tulog, laging puyat, laging inaantok kapag nasa trabaho na. mahirap dahil iba na ang takbo ng body clock, inaantok na ako sa sikat ng araw at ang oras ng agahan ko eh alas-nuebe ng gabi. at dahil tulog at kain lang ang magagawa ko talaga kapag may pasok ako sa trabaho, nananaba tuloy ako ngayon. tsk. masama.

pero may isang advantage ang pagtatrabaho ko ng gabi, un ay, sabay kasi sa oras sa Pinas. kung titignan sa oras ng Pinas ung oras ng trabaho ko, 2:15pm-10:45pm yan. kung Daylight Savings, 1:15pm-9:45pm. in short, andito nga ako sa Amerika, pero oras naman sa Pilipinas ang sinusunod ko. advantage ito para sa akin dahil mas nakakausap ko ang mga kaibigan ko, mas nakakapagchat, nakakapagblog. ayos din ung pagtatrabaho ko ng gabi dahil wala akong jetlag kapag umuuwi ako sa Pinas. sanay na kasi ung katawan ko sa oras, walang pinagbago. :)

Read the rest of this entry »

hapi-balentayns

Hapi Balentayns!

Posted 3 years ago karaoke, ldr

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Ayan, wala na akong maisip na ilagay pang iba kasi yung mga pictures naman natin e napost ko na dati pa, e ‘di naman yun nadadagdagan ‘tas magagalit ka naman kung picture mo ang ilalagay ko, hehehe:P Kaya wala na lang.

I Love You!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.