sabi ni Arvin sa akin, wag daw akong malulungkot. sorry baby ha, kung malungkot man ang dating nitong post ko ngayon. *yakap* i love you!
panggabi ako dito sa trabaho ko. 12:15am-8:45am. halos tatlong taon na akong panggabi, medyo mahirap lalo na kapag may 3 kang kapatid na gigisingin ka tuwing hapon para lang gumala. lagi kang kulang sa tulog, laging puyat, laging inaantok kapag nasa trabaho na. mahirap dahil iba na ang takbo ng body clock, inaantok na ako sa sikat ng araw at ang oras ng agahan ko eh alas-nuebe ng gabi. at dahil tulog at kain lang ang magagawa ko talaga kapag may pasok ako sa trabaho, nananaba tuloy ako ngayon. tsk. masama.
pero may isang advantage ang pagtatrabaho ko ng gabi, un ay, sabay kasi sa oras sa Pinas. kung titignan sa oras ng Pinas ung oras ng trabaho ko, 2:15pm-10:45pm yan. kung Daylight Savings, 1:15pm-9:45pm. in short, andito nga ako sa Amerika, pero oras naman sa Pilipinas ang sinusunod ko. advantage ito para sa akin dahil mas nakakausap ko ang mga kaibigan ko, mas nakakapagchat, nakakapagblog. ayos din ung pagtatrabaho ko ng gabi dahil wala akong jetlag kapag umuuwi ako sa Pinas. sanay na kasi ung katawan ko sa oras, walang pinagbago. :)
dahil nga oras sa Pilipinas ang sinusunod ko, mas nakakausap ko tuloy si Arvin. saktong paguwi nya ng school, eh uwi ko din galing work. nakakausap ko sya, pareho kaming mapupuyat at sabay matutulog. tapos paggising, ganun ulit, makakapagusap kami, tapos ay aalis para pumasok sa trabaho. nakapasimpleng schedule. araw-araw ganyan. naging routine na nga, may time din na sya na ang gumigising sa akin, mantika kasi akong matulog.
last January, natanggap sya sa isang kumpanya sa may Commonwealth. nagsimula na syang magtraining, hindi nabago ung araw-araw naming paguusap. siguro’y nabawasan, pero nakakapagusap pa rin naman kami. kung di man kami magpang-abot sa YM dahil tulog na sya paguwi ko, nagpapalitan naman kami ng messages gamit ang twitter at brightkite. ayos pa rin. namimiss ko sya pero ung tama lang.
pero, matapos ang ilang linggo. masisira na pala ang schedule namin. *sigh* panggabi na sya sa trabaho at ngayong araw na ito ang simula. *sigh ulit* hehehe. katulad nga ng sabi ni Arvin, wag daw akong malungkot. di naman ako malungkot, nagagaraan lang ako. nasa Pilipinas sya pero oras naman dito sa America ang susundin nya. tulog ako, nasa trabaho sya. nasa trabaho ako, tulog naman sya. ang saya diba? hindi pa ata sapat na magkalayo kami, dapat daw ay magkaiba pa ng oras para mas masaya. hay. drama.
wala namang magagawa ung pagdadrama ko. kung lilipat naman ako ng work para magpa-morning shift eh matatagalan pa at lalong di ko naman sasabihin na tumigil sa pagtatrabaho si Arvin. alam ko na magagawan din namin ng paraan to. :) kami pa. ^_^ hehe.
hay. pero ang gara lang talaga, bat kasi kailangang iba-iba ung oras. bat kailangang may time zone? bat ba kasi bilog ang mundo eh? LOL.













ang gara nga
san banda sa commonwealth un ah? haha wala lang.
haaay. ako tuloy nalungkot para sau tol
okay..malungkot lang ksi ako ngayon. toink..
tsk tsk! *eee yakap din* …im starting to get cheesy here…okay lng daw sabi ng dyos…LOL. Hnde ka namin natawagan ni Vanny grrrrrr Na-miss tuloy kita ng sobra…haaay..okay lng yan…as long as you have each other parin… hmmmm…ang dami ng kinain ni Vanny kanina sa antonio’s wahaha!!! bleh! Kitakits! soon!!! gala ka davao okay…hahaha!
Hala, napagdiskitahan na ang mundo, hehehe:P love you baby ko:* Ewan ko nga ngayon kung gigisingin kita o hinde, e gudluck naman kasi sa tulog mo, 5 hours ago yung huling text mo e.
Gara no? Oras dito sinusunod mo, oras naman diyana ng sinusunod ko, hehehe:P Parang ewan lang. Hmmm, gisingin kita siguro mga 8.30? *yakap yakap!*
kasaklap naman. against all odds nga talga. natutuwa ako’t maski napakalayo nio sa isa’t isa, hindi pa rin natitinag ang pundasyon ng inyong pagmamahalan. jan ako bilib. ang lufeeet ng lab istori nio komski and karmi. sana parang alak ang kwento ng pag-iibigan nio. habang tumatagal, laolong sumasarap. hehehe. :D
wag ka ng malungkot karmi..malay mo, next month e pang gabi naman si arvin baby mo..
*hugs
bakit nga ba bilog.. hmm, kasi noong nabubuo palng ang earth with the dust and gases nag sasama sama lng sila until nabuo ang mundo, then evolution start coming with different atoms and cell combustion
anu daw? ahaha,, well ganun tlga,, hahaha
una, choco!!! chinismis pa ako. c hunnie kc eh. huhu. ganyan tlga pag may bantay., behave mode. hahaha. sabi ko naman db, jan lang ako sa davao nakakakain ng maayos. haha. at nagreklamo pa daw ako na konti ang pork chop, yun naman pala eh susuko din ako. hahaha. :D
pangalawa, sissy mimay.. pano naman kaya yung feeling ko db? magkasama kmi sa pinas pero madalas magkaibang oras ang work. pero sabagay.. at least nasa isang bansa kami..
wag ka na malungkot sis. sabihin mo kay arvin, sa pldt na lang cya mag work! dali, ipasok ko cya. :D kailangan ko ng makakasama sa project ko eh.. kaso kaya nya ba akong makasama sa project? hmm. mabait naman ako eh (pag walang gnagawa) hahaha.
*hugs sissy!* missYu! muahmuah. sabi kaya bilog ang mundo kc no matter how down u r, u are still standing kahit saang panig ka pa ng mundo. weeh. ang tino yata nung sinabi ko. :)
smile na sis. muahmuah. nag iimagine kami ni choco kung ganu tayo kasaya pag magkakasama tayong naggala sa davao! :)
anu ba yun? balistad! :D… yaan mo okay lang yan… tiis tiis lang… i know in time… magkakasama din ang love birds namin :D
yngat kayong dalawa lagi =)
akala ko before si komski yung nasa US. si karmi pala. wag na malungkot. uwi ka na lang daliiii. hehe. pero i know you guys are strong. kaya niyo yan! kaya kayang kaya nyo malagpasan to.
how ironic di ba?
..naku..kaya nyo yan..tutulungan namin kayo para kayanin nyo yan..
hehehe..
kakainspire..
bilog ang mundo because that is the most efficient configuration lol oh wait does it sounds correct? LOL :)
hai.. nakakalungkot naman yun.. di bale magkakasanayan din kayo.. at xmpre magagawan lagi ng paraan..
ay uu nga bat ganyan.. waha. ang weird nio naman.. parehas pala kayo panggabi. aus na sana kaso nasa magkabilang panig naman ng mundo. ay gudluck. ang hirap niyan pero go go go lang.. kaya nio yan hehe.