meet the Castros

Add comments February 19, 2009 » 395 days ago
Litratong Pinoy

dahil sa busy si Arvin sa kanyang bagong trabaho, ako na muna, si Karmi, ang gagawa ng LP theme para sa linggong ito.

LP logo“Magustuhan kaya nila ako?” yan ang tanong na naglalaro sa isip ko habang nagbibiyahe kami ni Arvin papunta sa kanila. oo, meet the parents ang naging pakay namin ng araw na iyon – gusto daw kasi akong makilala ng mga magulang nya. gusto nilang makilala ung babaeng pumupuyat sa anak nila. *gulp* lagot na. pero gusto ko rin naman silang makilala ng personal, para naman hindi lang sa webcam ko sila nakikita.

halos lagpas din ng isang oras ang biyahe mula Cubao hanggang sa kanila. nagbus, jeep at tricycle pa. dumaan pa kami sa isang grocery store para bumili ng ice cream. tinanong ko si Arvin kung anung pwede kong dalhin, wala daw, basta pumunta lang daw ako. ayos. wala akong ka-ide-ideya kung anung mangyayari. makasagot kaya ako ng maayos sa mga tanong nila? magopen up kaya ako ng topic? :| ang saya nito. nakakakaba.

naglalakad na kami papasok sa compound nila ng sinabi ni Arvin…

ikaw pa lang ung babaeng dinala ko dito sa bahay.

wow. walang kapressure-pressure. wala talaga. wala akong maramdaman sa kaba.

nay, si Carme.
hello po.
bat ngayon lang kayo? kanina pa namin kayo hinihintay.

naging maayos naman ang pagbisita ko sa kanila. may mini-handaan na, may take home pa ako. :) hehe. kahit na kinakabahan ako nung umpisa, naging kumportable naman ako habang kinakausap ko sila. si Arvin ata ang mas kinakabahan kaya wala syang ibang ginawa kundi ang kunan ako ng litrato.

naging mabilis lang din ang pagstay ko sa kanila, medyo hapon na rin kaya kailangan nang umuwi. sa Marikina pa ako nakatira, sila Arvin? Bulacan lang naman. hehe. :)

grabe, di ko naman expected na maghahanda sila.
pati nga ako nagulat, tinalo mo pa birthday ko ha.

Ito ang aking lahok para sa ika-46 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tipanan (date). Ang litrato ay kinunan noong June 24, 2008 sa bahay nina Arvin. Alamin kung saan ang paboritong tipanan ng mga miyembro dito.

Mga Kahalintulad na Posts



45 Responses to “ meet the Castros ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.