Dreamplace

Posted 3 years ago emo daw

Sa pagtulog ko’y siya namang paggising niya at sa pagsara ng mga mata ko sa gabi’y siya namang pagdilat ng sa kanya sa umaga, dahil sa kung tuwing pagtingala ko sa langit ay para bilangin ang mga bituing ‘sing dami ng mga oras bago ko pa man siya makita ay ang haring araw naman ang sa kanyang kalangitan na sa ulunan niya’y ang matinding sinag nito ang madarama.

Sa parehong oras ay liwanag ang bumabalot sa kanya samantalang kadiliman naman ang yumayakap sa akin, sa aking pag-iisa.

Ngunit dito sa kundiman ang oras ay balewala, sapagkat hindi ito nakagapos sa bawat pagpatak ng segundong hawak ng mga kamay ng orasang mapandikta. Dito sa kung saan kami’y malayang nakakapagsama, napagsasaluhan ang oras na ‘di alintana ang pagkakaiba sa pagiging gabi o umaga, ng sa silangan o kanlurang ng mundong sa magkabilang dulo nito’y kami’y nakatira.

Ang kundiman ay isang panaginip na sa lumao’y maisasakatuparan.

O ha, dapat ito yung post namin nung araw na binago ko yung theme. Kasi naman tignan niyo ang header, night and day, ‘tas may dalawang tao sa magkabilang panig ng page, sakto sa aming dalawa ni karmi, hehehe:P Pero ginamit na din ni karmi ‘to dati para sa idlip.net, ang pinagkaiba nga lang ngayon e may deeper meaning na:D

online <3

Posted 3 years ago blabbers

Happy Valentines! :)

panahon na naman ng heart-shaped na mga bagay, uso na naman ang red at pink, mabenta ang tindahan ng mga bulaklak, cards at tsokolate at malamang ay trapik na naman sa kahabaan ng Cubao at Sta. Mesa. kung may Christmas rush, meron din namang Valentine rush, di nga lang ramdam ng lahat ng tao. isang linggo bago mag-Araw ng mga Puso, meron nang mga Valentine concerts, fairs, movies, restaurant discounts, room rate discounts at kung anu-ano pang raket para i-celebrate ang valentines. namiss ko tuloy nung estudyante pa lang ako, uso sa college namin ung song request na tigli-limang piso kada kanta. magbabayad ka ng limang piso para kantahan ung crush mo. walang gumawa sa akin nun, pero nakakatuwa lang na lahat ng tao, pagdating ng valetines eh nagpapakakeso kahit isang araw lang. :)

pero di naman lahat makakasama ung boylet/girlfriend nila ngayong Valentines. *ehem* buti na lang at may celphones at internet kaya naman mas madali nang makausap ang iyong minamahal sa buhay kahit malayo pa sila. *ehem ulit* buti na lang may e-cards, email, friendster, facebook, multiply, YM, chikka, Gtalk, Skype, twitter, at plurk (ok kahit na i hate plurk. LOL). hay, pano na lang kung wala yan? PANO NAAAA!!!  (ok OA).

online <3

may date ako sa Valentines. di pa naman nya ako tinatanong, pero assuming na ako na meron. hello, pano nga ba magaaya ng date kung online lang din naman kayo maguusap diba? :P

Valentines is all about love and spreading it. mapa-old fashioned way man to o ung simpleng text lang. ang importante, maparamdam mo sa minamahal mo ung nararamdaman mo. :) bawal mga torpe! ^_^ hehehe.

mula sa amin ni Arvin dito sa kundiman, Happy Valentines! ^_^ be safe! :)

PS.
Sabado pumapatak ang Valentines day ngayon. kailangan nga lang nating magingat lahat, dahil Friday the 13th din. hehe. walang konek, gusto ko lang sabihin. *random*

PSS.
happy birthday nga pala kina besis at hachiko! ^_^ saka sa lahat ng mga birthday celebrants ng V-day mismo. :)

PSSS.
gusto kong pumunta sa UP Fair! waaaaa. :) hehehe. sensya nga pala kung di kami makapagbloghop ni Arvin, busyness lang. :) *hugs*

Lala lalala.

Posted 3 years ago Litratong Pinoy

Lala

Nung bata pa ako e bente singko sentimos ang benta ng kapitbahay namin sa isang piraso ng Lala. Piraso as in yung kalahati nung isang biyak. Kung ganun pa rin ang benta ng Lala ngayon ay tutubo ng piso kada isang balot. Wala lang:P

Ito ang aking lahok para sa ika-44 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tsokolate. Tignan at manlaway sa iba pang lahok na tsokolate ng ibang miembro dito.

miss

miss

Posted 3 years ago blabbers

miss ko na ung pagdadrama mo.
ung tipong, emo pero hindi naman as in suicidal type.
miss ko na ung pagsusulat mo ng kwento.
mapa-fictional man o based sa totoong buhay.
miss ko na ung pangungulit mo noh!
ung as in mangaasar ka, tas aliw na aliw ung kausap mo?
hay, kelan ko nga kaya maririnig ung tawa mo
ung tawa na totoo at hindi ung napipilitan ka lang.
miss na kita.
kelan ka ba babalik?

miss ko na ung pagbabasa mo ng kwento sa akin
na kahit anong makita mong libro sa bookstore eh bibilhin mo kaagad
tas matapos ang isang linggo ay babalik ka sa bookstore
para bumili ng panibagong libro.
di na kita nakikitang bumibili ng phonecard ah,
para tawagan at kumustahin ang mga kaibigan mo.
alam mo bang may balak na silang magasawa?
huli ka na sa balita talaga.
ano ba kasing ginagawa mo?
nagtatamad-tamaran portion ka na naman.

miss ko na ung active mong online life dati.
ung paguwi mo ng bahay eh bloghop ka kaagad.
makikibalita sa mga online friends mo.
magiiwan ng comment tapos makikipagkwentuhan sa YM.
nagbago ka na ata.
well, alam ko na busy ka lang talaga at madaming iniintindi
kaya naman paguwi mo ng bahay eh tulog ka kaagad.
lalo na ngayon, halos buong buwan ka atang magtatrabaho.
tsk. bawal magkasakit ha.
alagaan ang katawan.

miss na kita alam mo ba?
alam ko na babalik din ang dati mong sigla.
wala ka namang dapat isipin ngayon eh, masaya ka alam ko.
pero bakit parang wala kang inspirasyon?
o baka nasosobrahan na ang paglalaro mo ng Pet Society? tsk. malamang.

miss ko na ung dati.
ung kahit na ano pwedeng mong gawin
lalong miss ko na
ung habang nagtatrabaho ka eh magsusulat ka ng post tulad nito.

hay.
balik ka na ha.

pramis?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.