hindi-pala-dapat-ako-pinanganak

Hindi pala dapat ako pinanganak

Posted 3 years ago buhay bahay

ng April 8. Bakit kamo? Kaunting panimula muna. Ipinanganak ako ika-walo ng Abril taong mil nuwebe siyentos otsenta’t siyete, ilang minuto bago mag alas-nuwebe ng umaga. Ngayong taon ay papatak ito sa Holy Wednesday, ang araw kung kailan nakipagkasundo si Hudas Iscariote sa mga punong seserdote para ipagkanulo si Hesus sa halagang tatlumpung piraso ng pilak.

Naranasan ko nang magdiwang ng kaarawan sa Linggo ng Palaspas, Lunes Santo, Martes Santo, Miyerkules Santo, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Sabado de Gloria o ‘di kaya’y Pasko ng Pagkabuhay. Minsang makakuha ako bilang regalo ng isang bisikleta nang biyernes ay kinailangan ko pang hintayin ang linggo bago ko ito gamitin dahil paano kung magsemplang ako? Edi hindi gumaling ang sugat ko dahil patay ang Diyos.

Naalala ko lang, may kaklase ako nung kolehiyo na tuwang-tuwa at naiyak pa nga ata nung kinantahan namin siya ng Happy Birthday! sa klase, dahil yun daw ang unang beses na naranasan niya yun. Wala na kasing pasok ang elementarya at sekondarya bago pa man abutan ang kaarawan namin. Bakasyon na lagi. Pero hindi rin naman namin kailangan pa bumili ng iba’t ibang klase ng kendi at irerepack sa supot ng softdrinks para ipamahagi sa buong klase, tipid din.

Miyerkules Santo ang kaarawan ko sa susunod na linggo, naisip ko kanina. E ano kayang araw nung araw na pinanganak ako talaga? Yan nang tinanong ko sa nanay ko. Alam mo kung ano ang sagot niya,

Wala. Magbabakasyon sa Baguio yung doktor ko nun kaya isang linggo bago mag-Mahal na Araw e biniyak na niya ang tiyan ko para ilabas ka at ilagay ka na lang daw sa incubator ng dalawang linggo para wala na raw maging problema sa schedule. Solb!

Hindi yan ang eksaktong sinabi niya pero parang ganun na rin. Tinignan ko nga at nakita ko somewhere sa net na Wednesday bago mag-Palm Sunday ako napagkasunduang iluwal sa mundo. Grabe, ngayon ko lang nalaman ang detalyeng ito ng aking kapanganakan.

So ang OB/GYN ng nanay ko na ba ang sisisihin kung bakit naging mahina ang mga baga ko at kinailangan labanan ang asthma sa loob ng labindalawang taon? Paano na ang mga P.E. at extracurricular activities na hindi ko sinalihan dahil sa kahinaan ko? Paano na yung Jamboree nung Kab Scout ako?

Edi dapat pala e Taurus pala ako, at iba dapat ang naging kapalaran ng aking buhay, hehehe:P

‘Di ka makarelate? Isipin mo, alas-diyes ang pasok mo kaya ang balak mo alas-otso ka babangon. Pero ang mga magagaling mong mga kasama sa bahay na alas-otso ang pasok ay gigisingin ka na kagad bago sila umalis, wala pang alas-siyete nun! Para lang daw sigurado.

Hello world!

Posted 3 years ago Uncategorized

Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!

haberdei! :D

Posted 3 years ago blabbers

Submitted on 2008/03/06 at 12:22am

hi karmi, friend ko si lalaine..lagi akong nagbabasa ng mga articles mo dati nung wala pa akong blog at naaliw ako sa mga kwento mo..ginawan ako ni lalaine ng blog kaya pwede n akong mag comment sau..minsan naman dalaw k sa bahay ko…e2 ung site ko..www.riotooth.blogspot.com o kaya diary of a dentist..favor din po pala pwede po ba p share ng tag na yan..para may malagay din po ako sa blog ko..thanks..hope u can visit me..tc =)

yan ang unang comment ni Ate Rio sa isang meme post ko nung nasa idlip pa ako. :) kita mo nga namang isang taon na pala ang nakalipas, at sa isang taon na un, naging super blogger na rin si Ate Rio! :) hehehe.

naging madalas ang pagco-comment namin sa sari-sarili naming bahay at nang di na naging sapat iyon, naging chat buddies kami sa YM habang nasa work sya at walang ginagawa. :) hehe. umuwi ako ng Pilipinas, at masaya ako na nagkaroon ako ng chance na makita si Ate Rio ng personal, syempre kasama na rin si Ate Lalaine.. :) nakakatawa nga, dahil nakatalikod ako nung nakita nila ako pero nakilala pa rin nila ako. :) hehehe.. dahil daw dun sa blog entry ko nung papauwi ako ng Pinas. :P

akala ko talaga nung una, seryoso si Ate! hahaha. :P mali ako.. makulit at kwela rin pala sya!! :D naalala ko nga, kailangan pa nyang umalis nung EB, dahil may pustiso syang dala na para sa pasyente nya. hehehe. :P talagang dedicated dentista diba? :) at un nga, umalis sila ni Ate Lalaine pero bumalik din naman. :)

with ate rio :)
with Ate Rio sa Blogger’s EB noong June 18, 2008.

nung huling nakausap ko sya sa YM, sabi nya, malapit na birthday nya.. ayaw nyang sabihin kung kelan pero salamat kay Tere, hahaha, nalaman ko. :P

HAPPY BIRTHDAY ATE RIO!! :) lagi mong sinasabi sa akin na fan kita, pero hindi. wala akong fan. :P masaya ako na nakakilala ako ng isang kaibigang tulad mo dito sa blogosphere.. :) salamat sa chikahan natin sa YM, sa mga payo na binigay mo sa akin.. :) kapag may “love problem” ako, sayo ako lagi humuhingi ng advice, salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kadaldalan ko.. :D hehehe… thank you din sa pagbinyag ng “Arvin baby”. hahaha, opo, si Ate Rio ang salarin kung bakit “baby” ang tawagan namin ni Arvin ngayon. :)

wish ko sayo ate, happiness at good health! :) goodluck sa mga future plans mo.. :D basta paguwi ko dyan sa Pinas, kita tayo ulit nila Ate, tas libre kita.. :D basta libre din linis ng ngipin ha! ^^ magpapabrace na rin ako! :D hehehe..

love yah ate! mwah!

chuck wagon

Posted 3 years ago Litratong Pinoy

LP logoChuck Taylor All-Stars, or Converse All-Stars, also referred to as “Chuck’s” are canvas and rubber shoes produced by Converse. They were first produced in 1917 as the “All-Star,” Converse’s attempt to capture the basketball shoe market. They were not particularly popular until basketball player Chuck Taylor adopted them as his preferred shoe. He was impressed with the design so he became the shoe’s leading salesman. After proposing a few changes to the shoe, the shoe got its current name and Chuck Taylor’s signature on its ankle patch.

http://en.wikipedia.org/wiki/Chuck_Taylors

kung may isang bagay na nagkakasundo kami ng kapatid kong babae, maliban sa pagiging addict sa Pet Society, ito ay ang parehong pagkahumaling namin sa Chucks. ^^ simple, kumportable, pwedeng ibagay kahit na anong suot mong damit — opo, nasubukan ko nang magsuot ng Chucks na naka-bestida ako. hahaha. :) minsan din, sinusuot ko din sya sa trabaho kahit na bawal. pasaway.

ah basta, Chucks is <3.

chucks

tsk. kulang pa ung Chucks namin. may gusto akong bilhin eh, ung kulay dilaw! :D hehehe. ^^

Ito ang  aking lahok para sa ika-51 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Sapatos. Ang litrato ay kinunan kanina lamang. Pagpasensya na kung madumi ung mga sapatos. Di lang talaga namin nilalabhan yan. hehe. Bistahin ang koleksyon ng mga sapatos ng iba pang miyembro dito.:)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.