bag-a-holic

Add comments March 5, 2009 » 380 days ago
Litratong Pinoy

LP logo “Bag na naman? Ilan ba ang braso mo ha? Kaya mo bang gamitin yan ng sabay-sabay?”

yan ata ang laging sabi sa akin ng nanay ko sa tuwing may makikita syang supot ng napamili ko galing sa mall. may radar na ata ang nanay ko at nararamdaman nyang may nabili na naman akong bag. oo, bag na naman.

Ma, kailangan ng madaming bag para madami ka ring pagpipilian na gamitin.
nagdahilan ka na naman. o sya, san mo na naman ilalagay yan?

sa dami ng bag ko, wala na akong mapaglagyan sa cabinet ko. hehe. pero oh well, mapipigil ba akong bumili ng bag dahil dito? HINDI! :D

para sa LP ngayong linggo, nilabas ko lahat ng bag ko para picturan.. nakita ako ng nanay ko, nagtaka siguro kung bakit. hehe.

bag-a-holic

from left to right:
top row:

(1) recycled bag na bigay sa akin ng Tita ko.
(2) Nike
(3) Harajuku Lover bag. nabili ko sa Ross for $19.99.
(4) Jansport backpack.
(5) PacSun bag.
(6) bag na bigay sa akin ng barkada ko nung umuwi ako ng Pinas.

bottom row:
(1) Let Go and Grow bag. sa Human ko nabili.
(2) Angry Little Girls Inc. bag.
(3) Barnes and Noble book bag.
(4) Ateneo bag kahit na di ako Atenista.
(5) another Barnes and Noble book bag.
(6) Nike bag.
(7) Love Manila bag na bigay ni besis.

Antok-antok ata si karmi nung ginawa niya itong post kaya naset niya to private, eto ko ngayon, isinasapubliko itong post niya tungkol kahumalingan niya sa mga bags, hehehe:P

Ito ang lahok ni karmi para sa ika-48 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Bag. Kung mahilig ka sa mga bags ay paniguradong magugustuhan mo ang mga lahok ng iba pang mga miyembro:)

Mga Kahalintulad na Posts



26 Responses to “ bag-a-holic ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.