anung pangalan mo?
Francis M., di man ako masyadong mahilig sa rap music ay saludo pa rin ako sa mga nagawa mong kontribusyon sa OPM music. your legacy will live on.. ingat ka kung nasan ka man ngayon, nga pala, paki-HI na rin ako sa bestfriend ko, kung magkikita man kayo :)
[post proper]
matagal-tagal na rin akong di nakakagawa ng tag. actually, ung huling tag na ginawa ko eh nasa idlip pa ako. haha. last year pa un. :| sorry sa mga walang sawang nagtatag sa akin/sa amin ni Arvin, kung di man kami nakakasagot agad. eto na ang panahon para makabawi! :D
tinag ako ni yeye. at dahil labs kita tol, eh gagawin ko ung tag. :) hehe. buti na lang at petiks mode na ngayon sa trabaho, kaya may oras. :D
List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
ayos. medyo madami-dami ung mga maging tawag sa akin. sisimulan ko mula noong ako’y Elementary hanggang sa ngayong nagtatrabaho na ako. :)
CARME. yan ang tamang ispeling ng aking pangalan. yan din madalas ang tawag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. hindi yan CARMEN at lalong hindi CARMI. hehe.
AME. limang letra na nga lang ung pangalan ko, kita mo nga namang may magiging nickname pa pala ako. yan ang tawag sa akin ng aking nanay at tatay. well, pati na rin ng mga pinsan ko. may mas iksing version pa nga yan eh, ME.
KARMI/KARMIMAY/MIMAY. sa mga pangalan namang yan ako nakilala dito sa blogosphere :) kaklase ko nung college, si Emie, ang nagbinyag sa akin nung pangalang Karmi. parang tinagalog na version ng pangalan ko. hehehe. nagustuhan ko, kaya ito na ung ginamit kong ispeling ng pangalan ko mula noon.




