Francis M., di man ako masyadong mahilig sa rap music ay saludo pa rin ako sa mga nagawa mong kontribusyon sa OPM music. your legacy will live on.. ingat ka kung nasan ka man ngayon, nga pala, paki-HI na rin ako sa bestfriend ko, kung magkikita man kayo :)
[post proper]
matagal-tagal na rin akong di nakakagawa ng tag. actually, ung huling tag na ginawa ko eh nasa idlip pa ako. haha. last year pa un. :| sorry sa mga walang sawang nagtatag sa akin/sa amin ni Arvin, kung di man kami nakakasagot agad. eto na ang panahon para makabawi! :D
tinag ako ni yeye. at dahil labs kita tol, eh gagawin ko ung tag. :) hehe. buti na lang at petiks mode na ngayon sa trabaho, kaya may oras. :D
List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
ayos. medyo madami-dami ung mga maging tawag sa akin. sisimulan ko mula noong ako’y Elementary hanggang sa ngayong nagtatrabaho na ako. :)
CARME. yan ang tamang ispeling ng aking pangalan. yan din madalas ang tawag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. hindi yan CARMEN at lalong hindi CARMI. hehe.
AME. limang letra na nga lang ung pangalan ko, kita mo nga namang may magiging nickname pa pala ako. yan ang tawag sa akin ng aking nanay at tatay. well, pati na rin ng mga pinsan ko. may mas iksing version pa nga yan eh, ME.
KARMI/KARMIMAY/MIMAY. sa mga pangalan namang yan ako nakilala dito sa blogosphere :) kaklase ko nung college, si Emie, ang nagbinyag sa akin nung pangalang Karmi. parang tinagalog na version ng pangalan ko. hehehe. nagustuhan ko, kaya ito na ung ginamit kong ispeling ng pangalan ko mula noon.
PIPER. obviously, galing sa show na Charmed. noon kasi ako si Piper sa grupo namin nina Raych. buong klase ata eh alam ung pagkahumaling namin sa show, kaya tinawag na nila akong Piper.
BESIS. ito naman ang tawag sa akin ng bestfriend kong si Raych. :) ang alam ko eh, bestfriend/sister yan, kaya naging besis. :)
PIC. aka. Partners in Crime. tawagan namin ng seatmate ko for almost 4 years na si Jennifer. :) bakit partners in crime? eh dahil nga seatmate kami ng ganung katagal, lahat na ata ng tsismis at assignments eh napagshare-an namin. :) hehe.
MEG/MENGGAY. tawag sa akin ni Teresa, HS barkada ko. :) dahil ata ako ung pinakabata sa grupo kaya ganyan ang tawag nya sa akin. :)
COSME. naku, dapat ata eh sa isang post ko i-explain ang history ng pangalan na ito. :P Grade 5. MSEP ung subject. first day ng klase, kaya naman nagroll call ung teacher namin. tas biglang sabi nya, “Cosme”. nagtaka ngayon ung buong klase kung sino un, eh wala namang kaming bagong kaklase, kami-kami pa rin kasi ung magkakaklase simula nung Grade 3. tas nung napansin nyang walang kumikibo, tinawag nya ung last name ko. so nagtaas ako ng kamay, tas tiningnan ako ng teacher ko tas tiningnan ulit ung papel. sabay sabi ng “So ikaw ung Cosme?” hahaha. :P namali pala ng ispeling ung pangalan ko. :| grrr.. kaya ayan, buong Grade 5 hanggang Grade 6 eh yan ang pang-asar ng mga kaklase ko sa akin.. :P
BRU. oo, short for Bruha. yan ang tawagan namin ng dalawa kong naging kaibigan sa una kong trabaho. :) hanggang ngayon, kahit sa YM o text, yan pa rin ang tawagan namin. :)
MENTEE. tawag sa akin ng Team Leader ko sa Maersk. nagkaroon kasi ng Mentor/Mentee program dun sa team namin. eh ung team lead namin ang naging mentor ko, so un, mentee ung tawag nya sa akin. :)
BUNSO. tawag sa akin ni Mama Sara na gf ng barkada ko nung college. di pa kami nagmimit personally, pero dahil tinawag ko syang Mama Sara, tinawag na nya akong bunso. :)
MAME. tawag sa akin ni LA, HS friend ko. kapag naglalambing sa akin ung kaibigan ko, yan ang tawag nya sa akin. hehe.
SISSY. well, katulad ni Yeye, yan din ang tawag sa akin ni Vanny. :)
MARE. tawagan namin ni Lojika. :) kaming dalawa kasi ung close dati, nung active pa sya sa pagbo-blog.
PARE. kasali pa ba to? hehehe. :) syempre. Pare ang naging tawagan namin ni Edison. bago pa maging kami, yan na ang tawag nya sa akin, barkada kasi eh. :) tas nung naging kami na, nagstick na ung pangalan.
CARME KO/BABY KO. alam na. hehehe. :) syempre pa, tawag sa akin ni Arvin. ^_^ salamat kay Ate Rio kasi sya ung nagbigay ng tawag na “baby”. :D hehe.
THE LITTLE ONE. yan naman ang bansag sa akin dito sa trabaho ko ngayon. dahil ako ung pinakabata at pinaka maliit sa buong department namin. :D hehehe.
grabe, medyo dinugo ako sa pag-alala ng mga pangalan na yan. hehehe. wayback pa kasi eh. malamang sa malamang eh may nakalimutan pa ako. :) oh well, iu-update ko na lang siguro ito. ^_^ hehe.
ngayon, itatag ko ito sa limang unang magco-comment. :D baka walang magcomment ah. hehe.













ang cute naman ng mga nick names mo, karmi!
pero fave ko yung mimay! hehe! so cute :P
—
nako buti pala hindi totoo kasi baka puntahan mo pa ko dito para batukan. haha! :P
i love nicholas sparks and i love tragedies! hehe! wala pa akong nababasang book niya but i love the movie adaptations esp. the notebook.
panu yan ako nag-atg sayo ehehehe
andami. andami dami hahaha
COSME! the best!!!
the little one. :) hahaha….kasi nga naman. pinoy tayo. anu ba naman panama natin sa mga kano dba? hahahaha
wow! the littele one, hehehe. ang cute naman nun.. pero ang haba. KARMIPOT ang gusto ko itawag sayo hehehe..
yung carmeh ko,di na nakakapagtaka. hehehe.. xmpre pag maglovers ganun talaga.. :)
[offtopic]
halai.. maganda tol gumawa ng VBLOG.. nainspired ako.. kung may maganda lang akong videocam, gagawa ako ng shortfilm.. oh yah I’m a frustrated Director of indifilm.. :(
dami mo naman palang naging pangalan ano? ako naman kasi di ko magawa ang tag na ito kasi hay iilan lang ba ang pangalan ko di ba? 10 letters lang naman ang pangalan ko, kasama ang middle initial! hehe!
meron ako mga ibang kanta ni F.M ngayun try mo pakinggan :D ang dami mo name ni LITTLE ONE :D
mame…
hehehe. ang cute! :D
kakatapos ko lang din gawin ang Tag na ito by YEYE.
grabe ang daming nagbinyag sa’yo.
naalala ko din ung seatmate ko for 4 years… high school ba yan? magkasunod kayo ng surname noh. hehe. samen kasi lage alphabetical. bestfriend ko din un hanggang ngaun! kakamis naman. ang weird nung cosme ha??
teka.. pang-ilan na ba ko. 7th?? pede ba ko maki-tag din haha. bahala ka jan sali ako hmmp! gwa ko ng post pag may time hihi ^_^