pagod na ko. :( di talaga healthy ang pagtatrabaho ng 14 days straight at isang dayoff lang kada dalawang linggo. nakakaloko. nakakagago. :(
feeling ko, may pagkakamali pa akong nagawa. gusto kong sisihin ung ibang tao eh, kaya lang, may kasalanan din ako. kung bakit kasi nagmarunong ako. pero madalas kasi akong makinig sa pakiramdam ko. kung pakiramdam ko tama, gagawin ko. pero dapat sa pagkakataong un, di ko pa rin un sinunod. ayan tuloy, namomoroblema ako. :( hay.
ayoko na. pagod na ko. grabe, ang laki na ng eyebags ko.
kapag talaga nakahanap sila ng ka-partner ko dito sa trabaho, mago-off ako ng isang linggo! wala naman akong pupuntahan, gusto ko lang matulog ng normal. gusto kong maging normal naman ang buhay ko.
o mas mabuti pa kayang maghanap na lang ako ng ibang trabaho?
ewan ko na.
bahala na.
gudlak.












