ang blusang dilaw.

Posted almost 3 years ago Litratong Pinoy

LP logoLP na naman. buti na lang talaga may LP para laging may update dito sa kundiman. :) hehehe.

dahil may pasok sa trabaho si Komski ngayon, ako muli ang gagawa ng LP theme para ngayong linggo. wala akong kaide-ideya kung ano ang paksa kaya naman pagkagising ko’y pinuntahan ko kaagad ang website. March 12 – Blusa/Polo. yan ang theme ngayong linggo. ummm, medyo mahihirapan ata ako nito. hehe.

blusa. blouse. naku, wala akong blusa. tiningnan ko ung cabinet ko at ang tumambad sa akin ay ang napakadaming t-shirt. un lang kasi ang sinusuot ko, t-shirt. pupunta sa mall, t-shirt. magsisimba, t-shirt. party, t-shirt. hehehe. kung pwede nga lang magt-shirt na lang din sa trabaho eh un na ang sinuot ko. di ako mahilig sa mga blusang pambabae. ung feminine ung itsura. ung may frills, ruffles, at plunging neckline. parang di ata bagay sa akin. hehe. kaya naman di na ako nagtangkang bumili pa nito.

binisita ko ang aking kaibigan sa California, noong 2006. hinalungkat nya ung bagahe ko at laking gulat nya ng makita nyang panay t-shirt, jeans, sando at pajamas ang bitbit ko. kaya naman ang unang ginawa namin nung araw na un? pumunta sa mall para bumili ako ng mga damit. pero in the end, mga simpleng tshirt pa rin ung nabili ko. hehehe. :P nung huling araw ng bakasyon ko sa kanila, binigay  nya sa akin itong blouse na ito.

LP: Blusa

ummm. hehehe. ayos, isang pambabaeng blusa. nagpasalamat naman ako sa kanya, at alam kong natawa sya sa reaksyon ko. hehehe. bago ako umalis, sinabi nya sa akin na sana daw ay kahit isang beses lang ay maisuot ko itong blouse na ito. ngumiti lang ako sa kanya. :)

Ito ang  aking lahok para sa ika-49 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Blusa/Polo. Ang litrato ay kinunan kanina lamang pagkatapos maghalungkat sa aking cabinet. Di ko pa rin naisusuot ang blusang yan. hehehe. Bistahin ang mga paboritong blusa/polo ng mga  miyembro dito.:)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.