LP na naman. buti na lang talaga may LP para laging may update dito sa kundiman. :) hehehe.
dahil may pasok sa trabaho si Komski ngayon, ako muli ang gagawa ng LP theme para ngayong linggo. wala akong kaide-ideya kung ano ang paksa kaya naman pagkagising ko’y pinuntahan ko kaagad ang website. March 12 – Blusa/Polo. yan ang theme ngayong linggo. ummm, medyo mahihirapan ata ako nito. hehe.
blusa. blouse. naku, wala akong blusa. tiningnan ko ung cabinet ko at ang tumambad sa akin ay ang napakadaming t-shirt. un lang kasi ang sinusuot ko, t-shirt. pupunta sa mall, t-shirt. magsisimba, t-shirt. party, t-shirt. hehehe. kung pwede nga lang magt-shirt na lang din sa trabaho eh un na ang sinuot ko. di ako mahilig sa mga blusang pambabae. ung feminine ung itsura. ung may frills, ruffles, at plunging neckline. parang di ata bagay sa akin. hehe. kaya naman di na ako nagtangkang bumili pa nito.
binisita ko ang aking kaibigan sa California, noong 2006. hinalungkat nya ung bagahe ko at laking gulat nya ng makita nyang panay t-shirt, jeans, sando at pajamas ang bitbit ko. kaya naman ang unang ginawa namin nung araw na un? pumunta sa mall para bumili ako ng mga damit. pero in the end, mga simpleng tshirt pa rin ung nabili ko. hehehe. :P nung huling araw ng bakasyon ko sa kanila, binigay nya sa akin itong blouse na ito.
ummm. hehehe. ayos, isang pambabaeng blusa. nagpasalamat naman ako sa kanya, at alam kong natawa sya sa reaksyon ko. hehehe. bago ako umalis, sinabi nya sa akin na sana daw ay kahit isang beses lang ay maisuot ko itong blouse na ito. ngumiti lang ako sa kanya. :)
Ito ang aking lahok para sa ika-49 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Blusa/Polo. Ang litrato ay kinunan kanina lamang pagkatapos maghalungkat sa aking cabinet. Di ko pa rin naisusuot ang blusang yan. hehehe. Bistahin ang mga paboritong blusa/polo ng mga miyembro dito.:)














wow summer na summer ito:) waaah!!! gusto ko nang magsuot ng mga ganito, lalo na ang dilaw na kasuotan:)
wow ang cute. ilabeyt.
Ang ganda,pati kulay, ayos at bagay iyan sa summer :)
Happy LP!
“blusa. blouse. naku, wala akong blusa. tiningnan ko ung cabinet ko at ang tumambad sa akin ay ang napakadaming t-shirt. un lang kasi ang sinusuot ko, t-shirt. pupunta sa mall, t-shirt. magsisimba, t-shirt. party, t-shirt.”
oi lumabas ng walang short nyeahahahah!
jowk lng :D
hahaha. :P grabe naman. nagpapantalon naman ako. :P
naku hindi bagay sa akin ang yellow kaya binibigay ko na lamang yun sa aking Ina. Morena kasi ako eh so conflict kami ehehe! ^^ nice blouse! sana mag post ka ng pic na suot yan!! ^^
Tita Karmi naku sige na, isuot mo!! cute sya ha…ternohan mo ng leggings he he, cutie!
ay. hahaha. :P un nga po ang binalak ko. kaso, nah. hahaha. baka mawalan ng bisita itong blog namin..
Doon ako napunta sa Girbaud mo na entry eh sapatos, eto pala ang katerno—ang gandang blusa! Kaso di terno sa sapatos hehe, suot mo ha lalo n summer ;) Baka lumipad si komski papunta sayo nyan hihi. Happy LP!
hmmm, kung ganun po ang mangyayari, baka isuot ko ito minsan! :D hehe.
nice dress… sige na suutin mo na… hehe… happy huwebes… :)
summer na summer!
tol sa EB naten yan isuot mo ah. paramis magbblouse din ako hahahah:))
super summer ang dating!!! bagay na bagay sa ating weather
gusto ko ring mamili ng bagong wardrobe for summer…extra init kasi ngayon.
Happy LP!!!
http://missy.dgonzalos.com/lp-blousepolo/
karmi! magandang araw! hehehe! i left a comment on your LP. hehe! ang cool ng ginawa mong origami! :)
akala ko tungkol kay angel na nabaliw sa MMK yung topic. hehehe!
cute and it’s with my favorite color, YELLOW!
mukha namang bagay sayo, bakit di mo subukang isuot…este mag di na pala masyadong malamig dyan
ako din purO tshirt, I’m not fan of blusa.. hahaha.. ang hirap ng LP nyo ngayon ah, pahirap ng pahirap..
Kailangan sis mag blusa ka na, kasi lam muna.. professional ka :)
isa lang masasabi ko. dapat pag sinuot mo yan ay kailangan mong i-post dito yon. hehehe…
Mabuti at naitago mo pa rin kahit di mo pa nagagamit. Baka pwede mo nang subukan isukat ngayong summer. Mala-Fear Factor ba ang challenge if ever? Hehehe. ;)
nice,, I’d like to see a girlfriend wear that with heels,, ^^
Ganda ng prints… pang summer talaga. I’m sure – dadami ang bibisita sa blog mo pag suot mo iyan. Sige na,
ang ganda ng blouse! sayang. :) heheheh.
ako naman mahilig sa girly and feminine tops. :)
ito namana ng aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-blusa-polo/
happy LP!
Nice blouse! Pareho tayo, ako din mahilig lang ako sa tees at bihirang-bihira magsuot ng blusa.