pwede namang magupdate ng dalawang beses sa loob ng isang araw diba?
isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko nang umalis dito sa trabaho eh dahil sa oras. tatlong taon na akong panggabi, sirang-sira na ang body clock ko, tas minsan pa hindi ako makasama sa gala ng pamilya ko dahil tulog ako maghapon. kung sasama naman ako, kulang naman ako sa tulog. papasok ako sa trabaho ng antok-antok at pipiliting hindi makatulog kahit na napapapikit na ako. tsk. talo talaga ang panggabi.
pangalawang dahilan ko, ung mga katrabaho ko. :| katulad ngayon, mapipilitan akong magstay hanggang alas-dose ng tanghali dahil di daw makakapasok ung pang-umaga. may sakit daw, masama ang pakiramdam. ok, valid reason. di naman pwedeng piliting pumasok ang may sakit. ayokong mahawa. ayokong magkasakit. ayos lang din naman sa akin na magstay hanggang alas-dose. walang kaso dun. kaso naman, sana mas maagang sinabi sa akin. hindi ung makakakuha ako ng tawag ng alas-kwatro ng madaling-araw at saka lang sasabihin sa akin na di daw nya kayang pumasok. anak ng teteng naman. sa loob ng apat na oras, babaguhin ko ang schedule ko para sa buong araw dahil lang di sya makakapasok. papaano na lang kung hindi ako pwedeng magstay? pano na lang kung may ka-date ako? sinong magtatrabaho? badtrip.
napakaunfair lang. nakakaasar dahil alam nilang hindi ako tatanggi. nakakabadtrip dahil alam nilang wala akong buhay at matutulog lang ako sa bahay kaya nila ginagawa to. bull. nakakasawa na kasi itong ganito. iilan na nga lang kami dito sa trabaho, ganito pa. badtrip talaga.
oh well, wala namang magagawa. pasalamat na lang ako na may trabaho pa ako, tas may overtime pay pa. sana lang umayos na ung mga kasama ko dito sa trabaho. sana talaga.
gudlak na lang sa akin hanggang mamaya.
hindi pa tapos ung WOP* hanggang ngayon. peste. delayed tuloy ung ibang jobs. ang hirap pa nito, ni hindi ko alam kung tumatakbo pa ba ung job ng normal. ni hindi pwedeng malaman kung may problema ba. pano mo malalaman kung ang batayan lang eh isang blinking cursor? ayoko pa naman ng naghihintay sa hindi sigurado. papaano kung hinintay ko ngang matapos ung job pero uuwi na ako eh hindi pa rin tapos? pano na lang kung may error pala na hindi nahuli nung ibang shifts. ako pa masisisi nito tuloy. pano na? ano nang gagawin ko?
“Load tape. continue? Y/N“. yan naman ung message sa kabilang screen. ayos naman talaga, di ko pa mai-load ung Daily tape dahil tumatakbo pa ung WOP. hay. medyo matagal din ung processing nung job sa kabilang screen eh. matatapos kaya un bago magalas-otso? sana. peste naman kasi talaga yung WOP, bat ba ang tagal magprocess ngayon? kalmado pa ako nung sumagot ako dun sa bagong operator kanina eh, tinanong nya ako kung normal lang ba na minsan eh matagal magprocess ung job. oo, sabi ko, mga ilang beses na rin kasing nangyari un. pero gudlak naman, magaalas-tres na. magpapanic na ako kapag alas-kwatro na eh di pa rin tapos to.
25 na ko this year. hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko. gusto kong lumipat ng trabaho, ung iba naman, pwede ring tungkol pa rin sa computers pero di na mahalaga un sa ngayon. gusto ko na talagang magmorning shift, gusto kong trabaho ung may mga tao naman akong makakausap, hindi ung nakatitig lang ako sa mga monitor at kapag na-bore eh magpapatugtog ng kanta. nag-apply naman na ako, pero wala pang tawag. gusto kong mag-aral ulit, pero di ko alam kung ano. lumipat kaya ako ng medical field? ewan. malaking pagkakaiba un sa kung anong ginagawa ko ngayon. kayanin ko kaya ung mga medical terms? oo naman siguro. ata. gusto kong magtrabaho sa bookstore. gusto kong magtayo ng sarili kong bookstore. hay. pano naman diba? oh well, plano pa lang naman, maganda rin naman ang may plano.
peste. di pa rin tapos ung job. :( ano nga kaya ang mangyayari sa akin? maghihintay na lang ba ako ng kung anong pwedeng mangyari o gagawa ng paraan para magkaroon ng sagot ngayon? kaya ko pa bang maghintay o magpanic na ako?
decide karmi..
continue? (Y/N) __
*Weekly Operations.
ps.
natapos ung job, bago ko pa man maipost tong entry. super thank you papa God. :) sign kaya ito? na wala namang masama sa paghihintay? hmmm. ewan. siguro. :)