continue-yes-or-no

continue? Yes or No.

Posted 3 years ago blabbers

hindi pa tapos ung WOP* hanggang ngayon. peste. delayed tuloy ung ibang jobs. ang hirap pa nito, ni hindi ko alam kung tumatakbo pa ba ung job ng normal. ni hindi pwedeng malaman kung may problema ba. pano mo malalaman kung ang batayan lang eh isang blinking cursor? ayoko pa naman ng naghihintay sa hindi sigurado. papaano kung hinintay ko ngang matapos ung job pero uuwi na ako eh hindi pa rin tapos? pano na lang kung may error pala na hindi nahuli nung ibang shifts. ako pa masisisi nito tuloy. pano na? ano nang gagawin ko?

Load tape. continue? Y/N“. yan naman ung message sa kabilang screen. ayos naman talaga, di ko pa mai-load ung Daily tape dahil tumatakbo pa ung WOP. hay. medyo matagal din ung processing nung job sa kabilang screen eh. matatapos kaya un bago magalas-otso? sana. peste naman kasi talaga yung WOP, bat ba ang tagal magprocess ngayon? kalmado pa ako nung sumagot ako dun sa bagong operator kanina eh, tinanong nya ako kung normal lang ba na minsan eh matagal magprocess ung job. oo, sabi ko, mga ilang beses na rin kasing nangyari un. pero gudlak naman, magaalas-tres na. magpapanic na ako kapag alas-kwatro na eh di pa rin tapos to.

25 na ko this year. hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko. gusto kong lumipat ng trabaho, ung iba naman, pwede ring tungkol pa rin sa computers pero di na mahalaga un sa ngayon. gusto ko na talagang magmorning shift, gusto kong trabaho ung may mga tao naman akong makakausap, hindi ung nakatitig lang ako sa mga monitor at kapag na-bore eh magpapatugtog ng kanta. nag-apply naman na ako, pero wala pang tawag. gusto kong mag-aral ulit, pero di ko alam kung ano. lumipat kaya ako ng medical field? ewan. malaking pagkakaiba un sa kung anong ginagawa ko ngayon. kayanin ko kaya ung mga medical terms? oo naman siguro. ata. gusto kong magtrabaho sa bookstore. gusto kong magtayo ng sarili kong bookstore. hay. pano naman diba? oh well, plano pa lang naman, maganda rin naman ang may plano.

peste. di pa rin tapos ung job. :( ano nga kaya ang mangyayari sa akin? maghihintay na lang ba ako ng kung anong pwedeng mangyari o gagawa ng paraan para magkaroon ng sagot ngayon? kaya ko pa bang maghintay o magpanic na ako?

decide karmi..

continue? (Y/N) __

*Weekly Operations.

ps.
natapos ung job, bago ko pa man maipost tong entry. super thank you papa God. :) sign kaya ito? na wala namang masama sa paghihintay? hmmm. ewan. siguro. :)

3 Responses to “ continue? Yes or No. ”

  • ron said,

    buti natapos mo na..sarap ng pakiramdam noh kapag may natapos. ahehe :)

    mas gusto ko ang night shifts. hindi kasi ako morning person. gising na gising ako sa gabi, ewan ko ba? para akong owl. hehe!

  • dotep said,

    say yes to life!

    layas na! enjoy the free world! hehe

  • clarice said,

    I don’t want to be anything than ME. All I have to do is think of me and have PEACE of mind.

    kaya natin yan. :D
    *hugs* i miss the YM talks. hehehe.
    take care!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.