pwede namang magupdate ng dalawang beses sa loob ng isang araw diba?
isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko nang umalis dito sa trabaho eh dahil sa oras. tatlong taon na akong panggabi, sirang-sira na ang body clock ko, tas minsan pa hindi ako makasama sa gala ng pamilya ko dahil tulog ako maghapon. kung sasama naman ako, kulang naman ako sa tulog. papasok ako sa trabaho ng antok-antok at pipiliting hindi makatulog kahit na napapapikit na ako. tsk. talo talaga ang panggabi.
pangalawang dahilan ko, ung mga katrabaho ko. :| katulad ngayon, mapipilitan akong magstay hanggang alas-dose ng tanghali dahil di daw makakapasok ung pang-umaga. may sakit daw, masama ang pakiramdam. ok, valid reason. di naman pwedeng piliting pumasok ang may sakit. ayokong mahawa. ayokong magkasakit. ayos lang din naman sa akin na magstay hanggang alas-dose. walang kaso dun. kaso naman, sana mas maagang sinabi sa akin. hindi ung makakakuha ako ng tawag ng alas-kwatro ng madaling-araw at saka lang sasabihin sa akin na di daw nya kayang pumasok. anak ng teteng naman. sa loob ng apat na oras, babaguhin ko ang schedule ko para sa buong araw dahil lang di sya makakapasok. papaano na lang kung hindi ako pwedeng magstay? pano na lang kung may ka-date ako? sinong magtatrabaho? badtrip.
napakaunfair lang. nakakaasar dahil alam nilang hindi ako tatanggi. nakakabadtrip dahil alam nilang wala akong buhay at matutulog lang ako sa bahay kaya nila ginagawa to. bull. nakakasawa na kasi itong ganito. iilan na nga lang kami dito sa trabaho, ganito pa. badtrip talaga.
oh well, wala namang magagawa. pasalamat na lang ako na may trabaho pa ako, tas may overtime pay pa. sana lang umayos na ung mga kasama ko dito sa trabaho. sana talaga.
gudlak na lang sa akin hanggang mamaya.













Hahaha baka kasi alam nila na ‘di ikaw magkaka-date diyan kasi andito si Komski sa Pinas. *LOLz*
aws…wawa ka naman miss karmi. bat ganun? pwede kang abisuhan nang ora-orada tas pwede ka pa ring mag-sub sa dapat na pasok nila? anong klase bang trabaho yan? ala bang nakaplot na sched?
unfair nga yun! tao ka din naman di ba? meron tayong hangganan. nalu di pwede sa akin yan! hmm…
tsk tsk tsk…
medyo unfair nga. You’re a strong person karmi, no wonder God puts you through tough times. AJA! sana gumaling na siya at gumaan work mo :)
—
gusto ko rin mabasa yung novel. iba pa rin talaga kapag binasa :) it has a great story. i love the ending..hehe! sa tingin mo bakit? hehe!
peace out, karmi :)
sis, parang napunta sau yung sumpa ng work noh? ang tagal ko na ring di nag rants about sa work ko. hehehe.
missYu sissy! sabihin mo lang kung kelan ako susugod dyan para batukan yang mga ka-work mo, ok?
at pag andyan na ako, kelangan daw mag overnyt bonding tayo nila shobe! :)
waah! pareho tayo, kahit pagod na pagod na eh hindi pa din talaga makatanggi. parang ikaw pa yung mahihiya..grrr..:|
sana nga maayos na ang schedule. hindi ko pa nasubukan magtrabaho sa gabi pero alam kong nakakapagod yan.
pwede mag post, kahit sampung beses pa sa isang araw,, hehe
naku, ako talagang umalis na sa rat race,, trying to get out of the cage na ko,, sana lng maging successfull ^^
kung di ka na masaya, hanap ka na ng bago na hilig mo tlga,, it just need a matter of action ^^
on a positive note,sa dami nang nawawalan ng work at least my trabaho ka pa rin.smile ka na jan. :p
huwaaaw!
ate karmi, it;s injustice
pero okay lang yan ate karmi at may work ka pa rin..
maraming taong walang trabaho… tiis lang ate karmi!