the hype that was Twilight

Posted 3 years ago current events, movie buff

hindi pa ako nakakabili ng Twilight DVD o kahit nung Blu-Ray. nasa Best Buy kami ng mga kapatid ko nung isang araw, nagkalat ang posters at DVDs pero di pa rin ako bumili. pagpasok ko sa trabaho ng gabing un, kinuwento sa akin ng bossing ko na napanood na raw nya ng ilang beses ung movie, at mas mabuti raw na Blu-Ray version ung kunin ko dahil mas maganda ung meadow scene. nainggit ako. dapat bumili na pala ako nung nasa Best Buy kami.

kagabi, tinanong ko ung kapatid ko, kung bibili na kami nung DVD. ako daw bahala. ok. gusto ko bang bumili? ewan.

napanood ko ung Twilight, first day of showing. adik. nabasa ko ba ung libro? oo, hindi ko nagustuhan, at dahil hindi ko nagustuhan, binenta ko ung libro. pagkatapos kong panoorin ung movie, may kaibigan akong (Hi Jennina! ^^) binigyan ako ng e-books – Twilight hanggang Midnight Sun. basahin ko raw muna tapos saka ko pagisipan kung bibilhin ko ung mga libro. binasa ko habang nasa work ako, natapos ko lahat ng libro ng wala pang isang buwan. nagustuhan ko. mabagal lang kasi ung takbo ng kwento nung umpisa. pinakagusto ko ung Breaking Dawn at Midnight Sun. sana tapusin ni Stephanie Meyer isulat ung Midnight Sun. after 3 months, nagpunta ako sa Barnes and Noble, binili ko ung buong Twilight series. $110. parang nagtapon lang ako ng pera.

t-shirts, perfume, button pins, bag, posters, accessories, shimmering lotion? lahat na ata ng maiisip mong gamit eh meron ang Twilight. parang Hannah Montana lang sa advertising. pero wala pa ring tatalo sa Hannah Montana. nung nasa Walmart kami, nakakita ako ng game. board game ng Twilight. adik. bumili ako ng dalawang t-shirt ng Twilight sa Hot Topic. isa para sa akin, isa para sa kapatid ko. birthday kasi ng pinsan ko, eh mahilig sya sa Twilight. binalak naming suotin ung t-shirt, hindi natuloy. pero sana pala, binili ko ung choker na katulad nung ginamit ni Alice sa movie. si Alice nga pala ung paborito kong character sa buong series!

nai-release na ung DVD. nagsho-shoot na rin sila para sa New Moon na ipapalabas sa November. may release date na rin ang Eclipse, July 2010 ata. natsismis pa nga na napipisil daw si Drew Barrymore para magdirect ng Eclipse. ang mahal ng talent fee nina Rob P. at Kristen S., ilang million daw pero ang liit lang ng budget nung film. tas ilang buwan lang ung shooting?? gudlak. hehehe. masaya ako na si Taylor L. pa rin ang gaganap na Jacob, pero ung gaganap na Sam daw eh iba na. medyo naging usap-usapan din ung pagcast kay Dakota Fanning as Jane. sino kayang gaganap na twin nya? hmmm.. ang iniisip ko, pano nila gagawing movie ung Breaking Dawn? ang gross lang kasi nung pagbubuntis at panganganak ni Bella. saka sinong gaganap na Renesmee? well, may sabi-sabi na CGI daw. ok. nagagawa nga naman ng technology. :)

Twilight. Bella. team Edward. team Jacob. team Switzerland. maganda naman ung kwento, pero madami ring haters. masyado na kasing sumikat, kaya madami na rin ang umaayaw. hehe. parang gusto ko tuloy pumunta ng Forks, Washington.

di ko pa rin alam kung bibilhin ko ung DVD o hindi. sana may magregalo na lang sa akin.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.