haberdei! :D
Submitted on 2008/03/06 at 12:22am
hi karmi, friend ko si lalaine..lagi akong nagbabasa ng mga articles mo dati nung wala pa akong blog at naaliw ako sa mga kwento mo..ginawan ako ni lalaine ng blog kaya pwede n akong mag comment sau..minsan naman dalaw k sa bahay ko…e2 ung site ko..www.riotooth.blogspot.com o kaya diary of a dentist..favor din po pala pwede po ba p share ng tag na yan..para may malagay din po ako sa blog ko..thanks..hope u can visit me..tc =)
yan ang unang comment ni Ate Rio sa isang meme post ko nung nasa idlip pa ako. :) kita mo nga namang isang taon na pala ang nakalipas, at sa isang taon na un, naging super blogger na rin si Ate Rio! :) hehehe.
naging madalas ang pagco-comment namin sa sari-sarili naming bahay at nang di na naging sapat iyon, naging chat buddies kami sa YM habang nasa work sya at walang ginagawa. :) hehe. umuwi ako ng Pilipinas, at masaya ako na nagkaroon ako ng chance na makita si Ate Rio ng personal, syempre kasama na rin si Ate Lalaine.. :) nakakatawa nga, dahil nakatalikod ako nung nakita nila ako pero nakilala pa rin nila ako. :) hehehe.. dahil daw dun sa blog entry ko nung papauwi ako ng Pinas. :P
akala ko talaga nung una, seryoso si Ate! hahaha. :P mali ako.. makulit at kwela rin pala sya!! :D naalala ko nga, kailangan pa nyang umalis nung EB, dahil may pustiso syang dala na para sa pasyente nya. hehehe. :P talagang dedicated dentista diba? :) at un nga, umalis sila ni Ate Lalaine pero bumalik din naman. :)

with Ate Rio sa Blogger’s EB noong June 18, 2008.
nung huling nakausap ko sya sa YM, sabi nya, malapit na birthday nya.. ayaw nyang sabihin kung kelan pero salamat kay Tere, hahaha, nalaman ko. :P
HAPPY BIRTHDAY ATE RIO!! :) lagi mong sinasabi sa akin na fan kita, pero hindi. wala akong fan. :P masaya ako na nakakilala ako ng isang kaibigang tulad mo dito sa blogosphere.. :) salamat sa chikahan natin sa YM, sa mga payo na binigay mo sa akin.. :) kapag may “love problem” ako, sayo ako lagi humuhingi ng advice, salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kadaldalan ko.. :D hehehe… thank you din sa pagbinyag ng “Arvin baby”. hahaha, opo, si Ate Rio ang salarin kung bakit “baby” ang tawagan namin ni Arvin ngayon. :)
wish ko sayo ate, happiness at good health! :) goodluck sa mga future plans mo.. :D basta paguwi ko dyan sa Pinas, kita tayo ulit nila Ate, tas libre kita.. :D basta libre din linis ng ngipin ha! ^^ magpapabrace na rin ako! :D hehehe..
love yah ate! mwah!




