ng April 8. Bakit kamo? Kaunting panimula muna. Ipinanganak ako ika-walo ng Abril taong mil nuwebe siyentos otsenta’t siyete, ilang minuto bago mag alas-nuwebe ng umaga. Ngayong taon ay papatak ito sa Holy Wednesday, ang araw kung kailan nakipagkasundo si Hudas Iscariote sa mga punong seserdote para ipagkanulo si Hesus sa halagang tatlumpung piraso ng pilak.
Naranasan ko nang magdiwang ng kaarawan sa Linggo ng Palaspas, Lunes Santo, Martes Santo, Miyerkules Santo, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Sabado de Gloria o ‘di kaya’y Pasko ng Pagkabuhay. Minsang makakuha ako bilang regalo ng isang bisikleta nang biyernes ay kinailangan ko pang hintayin ang linggo bago ko ito gamitin dahil paano kung magsemplang ako? Edi hindi gumaling ang sugat ko dahil patay ang Diyos.
Naalala ko lang, may kaklase ako nung kolehiyo na tuwang-tuwa at naiyak pa nga ata nung kinantahan namin siya ng Happy Birthday! sa klase, dahil yun daw ang unang beses na naranasan niya yun. Wala na kasing pasok ang elementarya at sekondarya bago pa man abutan ang kaarawan namin. Bakasyon na lagi. Pero hindi rin naman namin kailangan pa bumili ng iba’t ibang klase ng kendi at irerepack sa supot ng softdrinks para ipamahagi sa buong klase, tipid din.
Miyerkules Santo ang kaarawan ko sa susunod na linggo, naisip ko kanina. E ano kayang araw nung araw na pinanganak ako talaga? Yan nang tinanong ko sa nanay ko. Alam mo kung ano ang sagot niya,
Wala. Magbabakasyon sa Baguio yung doktor ko nun kaya isang linggo bago mag-Mahal na Araw e biniyak na niya ang tiyan ko para ilabas ka at ilagay ka na lang daw sa incubator ng dalawang linggo para wala na raw maging problema sa schedule. Solb!
Hindi yan ang eksaktong sinabi niya pero parang ganun na rin. Tinignan ko nga at nakita ko somewhere sa net na Wednesday bago mag-Palm Sunday ako napagkasunduang iluwal sa mundo. Grabe, ngayon ko lang nalaman ang detalyeng ito ng aking kapanganakan.
So ang OB/GYN ng nanay ko na ba ang sisisihin kung bakit naging mahina ang mga baga ko at kinailangan labanan ang asthma sa loob ng labindalawang taon? Paano na ang mga P.E. at extracurricular activities na hindi ko sinalihan dahil sa kahinaan ko? Paano na yung Jamboree nung Kab Scout ako?
Edi dapat pala e Taurus pala ako, at iba dapat ang naging kapalaran ng aking buhay, hehehe:P
‘Di ka makarelate? Isipin mo, alas-diyes ang pasok mo kaya ang balak mo alas-otso ka babangon. Pero ang mga magagaling mong mga kasama sa bahay na alas-otso ang pasok ay gigisingin ka na kagad bago sila umalis, wala pang alas-siyete nun! Para lang daw sigurado.













torture naman yong wait ka pa ng linggo ng pagkabuhay para malaro yung regalo mo heheheheh.
hahaha! bat naman kasi nagbakasyon pa ‘yung doktor ng nanay mo? eh di sana normal ang baga mo ngayo’t hindi lageng natataon sa holy week ang birthday mo. lolz!
asar yung doctor na yun ah. isipin mo nalang na utang na loob nung doctor na yun ang bakasyon niya sayo! hehe.
naku, kung Taurus ka mahal, pano na ung compatibility natin? :P
kaya buti na lang, April 8 ka pinanganak! :D
Natawa naman ako dito! Ako nga December 23, laging walang handa kasi sa pasko na lang daw handa ko. Si erpats naman April 13, minsan Friday the 13th tapos Biyernes Santo pa. OK Diba?
si karmi. compatibility agad ang inisip. hahaha :D
naku arvin. hindi ba uso referral noon? grbe. angastos kaya nung ginawa sa nanay mo. at sayo syempre. thru CS ka din pala. hehehe. ako din eh. pero sa eksaktong expected date of confinement ako inilabas. hahahaha
adbans haberdey :D
“Hindi pala dapat ako pinanganak” existensialist ? :)
ako birthday ko june 2 1987. lagi ako walang handa. kasi pina-enroll ako sa skul at bumili ng school supplies. bwahaha. masayang birthday yung december 25 o january 1 diba. dami pagkain. haha
grabe naman yun, sabagay kailangan din nila mag holiday kasi nga mahal na araw noong panahon na yun!! di bale na no!! basta adv happy bday na lang! wag kailumtan ang handa ah!!
benta yung doctor :))
akalain mo… nag-advanced delivery para makapagbakasyon :D
Hmn..kahit ano pa man ang dahilan.. pinilit kang ilabas o hindi…kahit anong araw ka man ipinanganak..ikutin mo man ang mahal na araw para sa pagseselebra ng kaarawan mo..birthday mo pa rin.. kaya maligayanng kaarawan sa yo..wala ng iyakan lol!
ay wawa naman si kuya komski!
parang pilit ang pagalabas mo dito sa mundo ah.
hakhak!
pero kahit na kuya!
hakhak!
happy bday!
handa naman diyan… ano regalo sayo ni ate karmi? hekhek!
May ganun? parang si doc na nagdecide na kelangan mo na ilabas eh noh? hehehe… oki lang yun… baka talagang kelangan mo na lumabas… hehehe… kung naiba pala bday mo eh magiging pareho tau taurus… hehehe…
advance hapi beerday! =)
aw. ayus si doc ahh.. maparaan makapagbakasyon lang?? ako din bakasyon ang birthday ko.. kaya ngaun tuwang tuwa ako pag may bumabati saken sa mismong araw ng birthday ko shempre dati wala pang celfone wla mashadong nakakabati saken. saka nasa bakasyon nga.. wala ko kasamang friends nun pag birthday ko. tapus isang beses ko lang na-experience ung kinantahan sa klase ng “happy birthday to you song” song. may summer class ako nun nakakatuwa talaga hehe. nakakahiya pero nakakatuwa. kakaiba pala. pero ayus na nga din un.. di ka obligado magpakain ng buong klase. tipid :D
happy birthday! weeee!!
haahaa! pareho kayo ng kapatid ko, tuwing lingo na lang sya nagcecelebrate ng kaarawan nya.