kamusta ka blog?
musta blog?
tahimik. :)
hehe.
teka. tama ba ang nakikita ko?? halos isang linggo kaming di nakapagupdate dito sa kundiman. halos di na masyadong nakakapagbloghop. wow. may buhay na rin kami sa wakas maliban sa pagbo-blog. LOL. hehe. parang naka semi-hiatus kaming dalawa ni Arvin. alam ko si Arvin may dahilan talaga, eh ako? uhmmm, wala eh. hehe. di lang talaga makapagsulat.
so kamusta naman nga ang kundiman nitong mga nakaraang araw na wala kami? hmm, sa awa naman ni Papa God, may bumibisita pa rin naman at nagco-comment sa mushy at cheesy ko/namin na posts. :) maliban sa mga bloggers na dumadaan, halos kalahati ata ng mga bisita namin eh galing sa google searches online. mula sa paghahanap tungkol sa salitang “yung” hanggang sa pangalan ng crushes ni Arvin, medyo madami-dami ring kakaibang keywords ang napupunta dito sa kundiman. so naisip kong i-analyze ang mga keywords na ito. :) (o diba, halatang wala talagang maipost ^_^ hehe)
- crush alert. hindi na ako nagugulat kapag may nakikita akong pangalan ng babae tulad nina kathlyn charmaine uy at joanne calazan sa keywords namin sa statcounter. madalas napupuntahan itong kundiman dahil sa pagse-search sa pangalan ng crush(es) ni Arvin. :) nagtataka nga lang sya kung bakit hindi pa nase-search ung pangalan ng isa pa nyang crush — ung top 6 nursing board passer dati na si joanna maala.. kilala mo ba ung mga naging crush ni Arvin? try mong i-search sa google. ^_^ hehe.
- what’s your name. may napunta na din dito sa kundiman dahil sa pagse-search ng pangalan namin ni Arvin. as in full name. nakakatakot dahil medyo may pagkastalker naman un. hehe. pero oh well, salamat na rin sa pagbisita.
- ano po ang kundiman? isa pa ito sa madalas maisearch. well, obviously, dahil sa domain name namin. may nagse-search kung ano ba ang meaning ng kundiman, limang klase ng kundiman songs, at silent sanctuary kundiman mp3. wala po kayong makukuhang information tungkol sa kundiman dito, pero pwede naman kayong magdownload ng mp3 sa mp3 page namin. :D
- KOWTS. bagong banat kowts, kowts tungkol sa selos, super kyut love kowts, mga kalokohan sa buhay kowts, kowts ng katatakutan, story kowts, kilig lab kowts.. and the list goes on.. kahit anong phrase na may “kowts” siguradong mapupunta dito sa kundiman. dahil ito syempre sa komski quotebox :)
- sir Bob Ong. muli, dahil sa Komski Quotebox, naging madalas ding lumabas sa keywords ang pangalan ni Bob Ong. kung hindi nyo alam, naging malaking parte ng love story namin ni Arvin si sir Bob. kaya nananawagan kami kay sir Bob Ong, baka pwede pong sa susunod nyong libro eh love story ang tema, pwede nyo pong isulat ung tungkol sa love story namin :D hehehe.
- spongeWho squareWhat. may nagcomment pa nga dati, tinatanong kung kelan ang birthday ni spongebob. July 14, 1986 po ang birthday nya, kabirthday at ka-edad ng kapatid ko.
may ibang searches naman na either nagtatanong o statement.
- e ano ngayon kung single pa rin ako. dalawang beses sinearch ito pero galing sa iisang tao. oo nga naman, e ano nga naman kung single ka pa rin. wala namang masama dun! basta enjoy lang :D makikilala mo rin ung taong para sau ^_^
- Kapag nahuli mong nakatingin sayo ang crush mo. naku, kapag ganyan, hmmm, ngitian mo sya. :) basta wag kang iiwas ng tingin. dapat cool lang. :) malay mo, may lihim na pagtingin din pala sya sayo :D
- paano magsimula ng sariling bakery. hmm, wala akong alam sa ganyan. pero gusto ko rin kasing magtayo ng mala-starbucks na cafe, tas may sarili akong bookshop. :) makapagsearch nga rin kung pano un. :) hehe
- paano gumawa ng java script layout para sa friendster. well, madalas kasi, kumukuha lang ako ng libreng friendster layout online. si Arvin siguro makakasagot nito. :)
- bot petsociety facebook. haha. nagsearch din ako ng ganyan dati. gusto kong malaman kung may cheat ba para magkaroon ng madaming coins sa pet society.
- definition of cancer o malignant neoplasms. pareho kaming computer course ang natapos at kinukuha ni Arvin kaya ewan kung panong napunta sa blog ang search na ito.. o nga pala, Cancer (medical term: malignant neoplasm) is a class of diseases in which a group of cells display uncontrolled growth(division beyond the normal limits), invasion (intrusion on and destruction of adjacent tissues), and sometimes metastasis(spread to other locations in the body via lymph or blood).
- mga bagay na kasuotan at kulay para sa morena. wala akong alam sa fashion kaya irerecommend na lang kita sa kaibigan kong blogger fashionistang si Leyn ng sosyalera.net
- pag nakita si kamatayan. naku, ewan. wala pa akong balak kitain si kamatayan eh. hehe
well, di rin naman pala tahimik ang kundiman kapag wala kaming update. wala lang nagco-comment pero patuloy pa rin ang pagdagsa ng searchers dito sa blog. :) sana lang, nakakatulong itong blog namin sa kung ano man ang hinahanap nyo. katulad na lang nitong isang nagsearch ng “recycled bags featured in umagang kay ganda apr. 20, 2009″. umm, goodluck. hehe.






