unclaimed

unclaimed

Add comments April 4, 2009 » 345 days ago
blabbers

nung isang araw, may sulat para sa akin. mukhang pamilyar ang sobre, pati na rin ang penmanship. di ko na kailangan pang tingnan ng maigi ung unclaimed.nakasulat, dahil alam na. anak ng teteng, bumalik na naman ung sulat ko para kay Arvin. oo. na naman. O.o

kwento lang ako ha.

Oct, 2008. nagpadala ako ng dalawang magkahiwalay na sulat kay Arvin. hindi kasi ako makapili ng card na ipapadala, kaya naisipan kong ipadala na lang pareho. pagkauwi ko ng bahay, sinulatan ko na agad ung card, para maihulog ko na kinabukasan. normally, 2-3 weeks bago matanggap ni Arvin ang sulat ko. pero, halos magiisang buwan na, wala pa rin syang natatanggap kahit isa dun sa pinadala ko. naisip ko na baka late lang, so hintay pa. dumaan ang dalawang buwan, wala na. di na talaga dumating ung sulat. hinanap ko ung resibo ng post office, “John US Virgin Islands PSA” ung nakalagay. anak ng. hindi talaga matatanggap ni Arvin ung sulat, dahil hindi sa Pilipinas naipadala. :( sayang ung dalawang card. haynaku.

Feb. 2009. 3 months after. narinig ata ni Papa God ung mga dasal ko, dahil bumalik sa akin ung mga sulat ko! :) ayos! buti na lang din, nakabili na ako ng card, kaya naman, pinagkasya ko ito sa iisang sobre at pinadala ko kinabukasan.

two weeks after, nakarecib ako ng DM galing sa bestfriend ko, na natanggap na daw nya ung regalo at sulat ko. sabay kong ipinadala un, saka ung mga sulat ko kay Arvin. natapos na naman ang February, hindi pa rin natatanggap ni Arvin ung sulat ko. :|

April 3, 2009. natanggap ko ung mga sulat sa itaas. return to sender: unclaimed.

anak ng teteng talaga. hindi naman mali ung address na nilagay ko, tama rin naman ung pangalan na nakasulat. so bakit hindi makarating kay Arvin? :| ung unang sulat ko para sa kanya, hindi rin nya natanggap. kaya naman sa UST ko na pinapadala ung mga sulat ko, sa Ate nya. pero ngayon, hindi ko na alam kung pano ako magpapadala ng sulat. baka isip na lang kami ng iba pang way. :)

birthday na ni Arvin sa Miyerkules. gusto kong magpadala ng birthday card. buti na lang uuwi ung kapatid ko ng Pilipinas sa April 16. pwede silang personal na magkita, di na naman siguro mawawala un ano? sa wakas matatanggap na rin nya ung mga sulat ko. :)

Mga Kahalintulad na Posts



9 Responses to “ unclaimed ”

  • ron says:

    ui, magbebertdey na pala si sir arvin…! wee! advanced happy birthday..at sana naman matanggap niya na yung sulat. ang sweet naman, kahit lagi kayong magkachat, or naguusap may sulatan pa din…

    iba pa rin talaga kapag sulat kamay noh?

  • Lalaine says:

    happy birthday arvin!!!! baka naman kaya hindi nya matanggap ang cards eh gusto personal mo na lang ibigay? :D

  • choco says:

    personal nlng…better late than never! hehe!!!
    Happy Birthday Arvin!
    See u soon Karmi!!!

  • Noime says:

    nyak. natakot tuloy ako magpadala nang sulat. hehehe.
    nga pala ‘te, may bayad ba kapag nagpadala nang sulat sa pinas. :D haha.

  • yeye says:

    @noi. meron un. mahal ung stamp ng overseas. i guess. ehehehehe

    tol. saklap naman niyan.
    pag pina-dhl kaya? baka pwede. hehehehehe

    arvin. habeberdey in adbans..

    MAY TAG PALA AKO SA INYO. bahala na kung sino gagawa

    tol, natawa pala ako sa offline msg mo. yup. april 6 na. laboness noh. asar nga eh hahahaha

  • Keiyt says:

    Ang saklap naman nun. Akala ko dito sa lang sa pinas mahirap magpadala ng sulat sa ibang bansa.

    Yan, naalala ko kailangan ko nang subukang magpadala sa kaibigan ko. Para sa bertday niya rin.

    Happy birthday kay komski. xD

  • eloiski says:

    hakhak! saklap. hindi ko pa natatry na maghulog ng sulat… kaya hindi ko pa naeexperience yan. hay.
    malamang na matutuwa na niyan si kuya komski! hekhek!

  • jeniffer says:

    bakit nga kaya di makarating kay arvin yung sulat? eh tama naman,. baka walang zipcode.. dapat may PHILIPPINES na word.. ayun, eh wait eh bukas bday ni arvin? nice.. greet ko na lang xa bukas..

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.