wake up call

Add comments April 18, 2009 » 335 days ago
inlove, ldr

di naman ako magsasawang gisingin ka. nitong mga nakaraang araw, ikaw ang gumigising sa akin. tatawagan mo ako gamit ang bueno at magtyatyagang intayin kong sagutin ang aking telepono. nung minsan nga’y 14 missed calls ang nagregister sa telepono ko. sa ika-labinlimang beses, nasagot ko na ang tawag. mantika kasi akong matulog, yan ang lagi mong sabi. well, medyo may katotohanan naman iyon, sensya naman, di kasi talaga ako madaling magising sa kakaunting ingay.

boses ko ang syang gigising sayo. este, ung ring pala ng telepono mo. kung pwede ko lang lagyan ng special ringtone itong telepono ko, para kapag tatawag ka eh boses mo ang maririnig ko. ok sana un, ung parang kina Sara at John Lloyd lang. maaalimpungatan ako sa tunog ng aking telepono, sisilipin kung sino ang tumatawag, at kapag nakita kong kakaibang numero ang lumabas, alam ko nang ikaw iyon. nakapikit pa akong sasagutin ang tawag na para bang nananaginip. minsan, iniisip ko na sana panaginip nga lang talaga na kausap kita sa telepono at sa paggising ko, sa pagmulat ng aking mga mata ay mukha mo ang syang masisilayan at sa wakas, ang tinig mo’y personal na maririnig.

teka, kahit 5 mins. lang. malapit ka nang umalis, papasok ka pa kasi, pero nagkaoras ka pang tawagan ako. sa loob ng limang minuto’y pinagkasya natin ang normal na isang oras nating paguusap. mahaba na ang limang minuto, marinig ko lamang ang boses mo. masabi ko lamang sayo na mahal kita at magingat ka sa biyahe ay sapat na.

nakatulog ka na ata. di ka na kasi nakasagot dun sa text ko. kung bakit ba kasi nalowbatt pa ako kanina, naputol tuloy ang paguusap natin. nagtatawanan tayo kanina, nagkukulitan ng biglang nagoff ung telepono ko. gara. pero kailangan mo naman kasing matulog. puyat ka kasi sa trabaho. sinubukan kong tawagan ka kanina, di mo nasagot ang tawag ko. sige, susubukan ko na lang ulit maya-maya. ako naman ang gigising sayo. wag ka lang sanang mantikang matulog tulad ko. :)

Mga Kahalintulad na Posts



12 Responses to “ wake up call ”

  • ron says:

    ang sweet naman! napakasaya ng araw kapag ang gigising at pupukaw ng antok mo ay ang boses ang pinakamamahal mo…

    wow..ang cheesy ko, karmi! hahaha!

  • cindyrella says:

    sa kabutihang palad, di naman ako mantika matulog kaya pag tumawag si soulmate ayun at sagot agad. Pero naranasan mo na ba yung tatawag ka tapos walang sumasagot, dahil nerbiyosa ako dyan, madalas akong nagwo- worry agad… pero bat ganun, di tayu nagsasawang mag dial ano?

    • komski says:

      Sanay naman kasi akong tulog mantika yang si mimay, hehehe:P Grabe 14 missed calls, kung ako 3 lang na ring niya gising na ako, parang kanina:P

  • komski says:

    Ang drama nung second paragraph ha :P Hehehe. ‘Di rin naman ako magsasawang gisingin ka sa umaga (CST). Parang nung dsati rin, ginigising mo ko sa tawag mo. Sarap nga ng gising ‘pag ganun:)

    ‘Pag kasama na kita, hihilahin ko pa paa mo para magising ka, hahaha.

  • batopik says:

    hakhak!
    henlabababow!
    ^^

  • Melle says:

    wish I could also wake Matt up by calling him up or something.. lol but the US navy is so &%$#^ so I really dunno now

  • lio loco says:

    sows! dito pala nagpunta ang mga alagang langgam ko. hehehehe. hangsweet naman talaga o.

    teka, may cheese na. asan kaya yung wine? hahaha!

  • claire says:

    nilalanggam naman ako sa kaswitan nyo.. ahehehe.. sarap gumising talaga pag yung labs mo ang nang-gigising sa yo.. :D

  • yeye says:

    bebe koh.
    bebe koh.
    bebe koh! (high pitch)

    hahahaha
    meron ako niyan
    ang gandang alarm clock :D

  • dong ho says:

    hehehe… ako naman effective na ang alarm sa cellphone. nagigising na ako kahit pa nakainom ng beer. hehehe… uminom kasi kami nung nasa sagada nakatulog ng 10:00pm pero nagising naman ng alas dos.

  • gudang says:

    talaga namang nakaka-inspire kayo.. nakakatuwa.. going strong.. miski sa ‘gisingan’ hehehe.. :D

  • Lalaine says:

    nice…. sweeetttt… si karmimay parang bf ko lang… ang hirap gisingin! hahahaha

    kami ni arvin ang pareho… mabilis lang kami gisingin sa cel… hehehehe

    kasoooo mukhang nahahawaan na ako at kahit alarm eh hirap na ako bumangon :D.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.