musta blog?
tahimik. :)
hehe.
teka. tama ba ang nakikita ko?? halos isang linggo kaming di nakapagupdate dito sa kundiman. halos di na masyadong nakakapagbloghop. wow. may buhay na rin kami sa wakas maliban sa pagbo-blog. LOL. hehe. parang naka semi-hiatus kaming dalawa ni Arvin. alam ko si Arvin may dahilan talaga, eh ako? uhmmm, wala eh. hehe. di lang talaga makapagsulat.
so kamusta naman nga ang kundiman nitong mga nakaraang araw na wala kami? hmm, sa awa naman ni Papa God, may bumibisita pa rin naman at nagco-comment sa mushy at cheesy ko/namin na posts. :) maliban sa mga bloggers na dumadaan, halos kalahati ata ng mga bisita namin eh galing sa google searches online. mula sa paghahanap tungkol sa salitang “yung” hanggang sa pangalan ng crushes ni Arvin, medyo madami-dami ring kakaibang keywords ang napupunta dito sa kundiman. so naisip kong i-analyze ang mga keywords na ito. :) (o diba, halatang wala talagang maipost ^_^ hehe)
- crush alert. hindi na ako nagugulat kapag may nakikita akong pangalan ng babae tulad nina kathlyn charmaine uy at joanne calazan sa keywords namin sa statcounter. madalas napupuntahan itong kundiman dahil sa pagse-search sa pangalan ng crush(es) ni Arvin. :) nagtataka nga lang sya kung bakit hindi pa nase-search ung pangalan ng isa pa nyang crush — ung top 6 nursing board passer dati na si joanna maala.. kilala mo ba ung mga naging crush ni Arvin? try mong i-search sa google. ^_^ hehe.
- what’s your name. may napunta na din dito sa kundiman dahil sa pagse-search ng pangalan namin ni Arvin. as in full name. nakakatakot dahil medyo may pagkastalker naman un. hehe. pero oh well, salamat na rin sa pagbisita.
- ano po ang kundiman? isa pa ito sa madalas maisearch. well, obviously, dahil sa domain name namin. may nagse-search kung ano ba ang meaning ng kundiman, limang klase ng kundiman songs, at silent sanctuary kundiman mp3. wala po kayong makukuhang information tungkol sa kundiman dito, pero pwede naman kayong magdownload ng mp3 sa mp3 page namin. :D
- KOWTS. bagong banat kowts, kowts tungkol sa selos, super kyut love kowts, mga kalokohan sa buhay kowts, kowts ng katatakutan, story kowts, kilig lab kowts.. and the list goes on.. kahit anong phrase na may “kowts” siguradong mapupunta dito sa kundiman. dahil ito syempre sa komski quotebox :)
- sir Bob Ong. muli, dahil sa Komski Quotebox, naging madalas ding lumabas sa keywords ang pangalan ni Bob Ong. kung hindi nyo alam, naging malaking parte ng love story namin ni Arvin si sir Bob. kaya nananawagan kami kay sir Bob Ong, baka pwede pong sa susunod nyong libro eh love story ang tema, pwede nyo pong isulat ung tungkol sa love story namin :D hehehe.
- spongeWho squareWhat. may nagcomment pa nga dati, tinatanong kung kelan ang birthday ni spongebob. July 14, 1986 po ang birthday nya, kabirthday at ka-edad ng kapatid ko.
may ibang searches naman na either nagtatanong o statement.
- e ano ngayon kung single pa rin ako. dalawang beses sinearch ito pero galing sa iisang tao. oo nga naman, e ano nga naman kung single ka pa rin. wala namang masama dun! basta enjoy lang :D makikilala mo rin ung taong para sau ^_^
- Kapag nahuli mong nakatingin sayo ang crush mo. naku, kapag ganyan, hmmm, ngitian mo sya. :) basta wag kang iiwas ng tingin. dapat cool lang. :) malay mo, may lihim na pagtingin din pala sya sayo :D
- paano magsimula ng sariling bakery. hmm, wala akong alam sa ganyan. pero gusto ko rin kasing magtayo ng mala-starbucks na cafe, tas may sarili akong bookshop. :) makapagsearch nga rin kung pano un. :) hehe
- paano gumawa ng java script layout para sa friendster. well, madalas kasi, kumukuha lang ako ng libreng friendster layout online. si Arvin siguro makakasagot nito. :)
- bot petsociety facebook. haha. nagsearch din ako ng ganyan dati. gusto kong malaman kung may cheat ba para magkaroon ng madaming coins sa pet society.
- definition of cancer o malignant neoplasms. pareho kaming computer course ang natapos at kinukuha ni Arvin kaya ewan kung panong napunta sa blog ang search na ito.. o nga pala, Cancer (medical term: malignant neoplasm) is a class of diseases in which a group of cells display uncontrolled growth(division beyond the normal limits), invasion (intrusion on and destruction of adjacent tissues), and sometimes metastasis(spread to other locations in the body via lymph or blood).
- mga bagay na kasuotan at kulay para sa morena. wala akong alam sa fashion kaya irerecommend na lang kita sa kaibigan kong blogger fashionistang si Leyn ng sosyalera.net
- pag nakita si kamatayan. naku, ewan. wala pa akong balak kitain si kamatayan eh. hehe
well, di rin naman pala tahimik ang kundiman kapag wala kaming update. wala lang nagco-comment pero patuloy pa rin ang pagdagsa ng searchers dito sa blog. :) sana lang, nakakatulong itong blog namin sa kung ano man ang hinahanap nyo. katulad na lang nitong isang nagsearch ng “recycled bags featured in umagang kay ganda apr. 20, 2009″. umm, goodluck. hehe.













buti ka pa alam mo bday ni spongebob. tanda na pala niya? hahahaha. mas matanda pa skin ehehehe
panu ba malalaman ung stats ng blog. gusto ko din malaman. pero parang asa noh?la namand in xado bumibisita sa idlip eheheh
tol, gawa ka ng account sa statcounter.com :) tas, ilagay mo ung code sa blog mo, aun, makikita mo na kung sino ung mga bumibisita sa blog :D
sinearch ko din kasi sa google ung bday ni Spongebob. hehehe. :) oo nga, mas matanda pa sya sayo..
ganun? tama bang maging busy kayo pareho? oo nga panu ba yan ginagawa? yung stats churva na yan?
opo eh. busy pareho. tsk. :(
signup ka sa statcounter.com o kaya sa sitemeter.com :) tas, ilagay mo lang ung code sa blog mo, and ayan! makikita mo na kung sino-sino ung napupunta sa blog mo :)
pinakawirdo kong nakita na nag-search sa google at napunta sa blog ko eh ung “keywords” na “alamat ng suklay” pambihira. akalain mu may nagse-search ng ganun?? haha. ayus tong mga crush ni master komski sumisikat sila ha? wahehe..
uber sikat na sila Mae. :) hehehe. nga pala, may nagsearch ng pangalan mo, “maenoodle” tas napunta dito sa kundiman.. uyyy.. <3. hehehe :)
teka teka…ang feature po bang ito na pwede mong makit a ung google searches ng mga napadpad sa kuta mo eh para lang sa wordpress? may ganto rin ba sa blogspot? hahaha. obyus na hindi marunong sa kung anu-anong blog ekeks. lolz! sorry po.
Hinde. Signup ka lang sa Statcounter.com ‘tas ung code na makukuha mo e lagay mo sa blog mo. Ganun lang:D Antayin mo na lang mangalap ng stats.
akalain mong may bday si sponge bob! hahaha… favorite yun ng bunso namin eh … at in fairness… medyo may pagka informational ang post na ito dahil sa sinagot mo kahit papaano yung mga kakaibang keywords na napapadpad dito sa kundiman.. hehehe =)
naku. yari ako. buti na lang di ko nilalagay name ko sa blog ni ate vani. kundi. naku. hehe.
at bigla daw akong kinabahan at sinubukang isearch ang fullname ko. mabuti na lang hnde ako nag eexist sa networld. :D
ate mimay! ate mimay! ate mimay! la lang. hehe.
hahaha..buti nga at mild lang ang mga sini search dito e..may nababasaako sa ibang blog na ewan kung saan nila nakukuha ang term na kanilang hinahanap…parang out of this world…
gusto ko ding mgakaroon ng ganito…curious ako kung ano ano ang sinesearch nila sa blog ko ..hehe..
at may bday si spongebob?? astig,,alam mo pati ito?? hehe..e si patrick? alam mo karmimay kung kelan?hehe..joke lang
at ngayon na-feature pa ulit ang mga top searches sa blog nyo, haha
so pag nag-google ulit ng ganyan, masasali na itong post na ito sa search results! yey!
:)
napasearch tuloy ako about sa cheats sa petsociety… try ko pag may nakita ako :D
@rvn: google-able crushes ah :P
ahehe ako nga ilang buwan ng hindi masyado nakakapag update ng blog, super busy, pero ngayon ewan ko ba anong nakain ko desidido na ulit ako bumalik sa pagboblog =D
does this mean regular programming ka na ulit? ahehehe!
sikat na sikat talaga ang kundiman! :D ang galing ng site mo…pano niyo nalalaman yung mga ganung tanung at mga searches…i doubt merong ganyang feature sa blogger..ahehehe!
keep safe karmi :)
ey musta… closed na pala ung site ko… magpapalita ako ng new site, photography lang then baka gawa din ako ng blog para sa arts and travel… umuwi din ako ng pinas from april 1 -8 kasi my father passed away last march 29… take care & God bless
condolence kuya.. *hugs* nagmessage nga po sa akin si kuya Ricky, binalita nya sa akin.. musta naman po kayo?
sige po, sabihan nyo na lang ako kapag may bago na kayong site. :) ingatz din kayo dyan ^_^
…pAno kUnG uNg XoTa Mu NGaUn ,, PaRang di PxA mKaPg MOvE Pn xA ex NIA??? HaMaK GaNda Pa NMan XAu ng Ex nia??
paano mo naman nasabi na di pa nakakamove on ung syota mo sa ex nya? nabanggit ba nya? may nasasabi ba sya sayo tungkol sa ex nya?
wala naman sa kung sino ang mas maganda eh. ang mahalaga eh kung sino ung mahal talaga nung boyfriend mo ngayon – ikaw ba o ung ex nya.. kausapin mo kaya sya :) mas ok kung alam din nya ung nararamdaman mo… ^^ gudlak :D
..haay..nakaka inspire ka..