asan ka na?
eto naglalakad na.
aok, sabihin mo kapag andun ka na ha. ingat.
ok. :)

Linggo ng umaga, katatapos lang ng trabaho ko. Nakasanayan ko nang maglakad papunta sa Starbucks para magkape. Walking distance din naman ito sa sakayan ko ng bus kaya sakto, makakapagHot Chocolate na ako, makakausap pa kita habang naghihintay.
Pagpasok ko pa lamang, nawala na kaagad ang aking antok dahil sa amoy ng kape. Hindi masyadong malamig ang aircon, at may mellow music na pinapatugtog sa loob. Hindi ako nagtaka kung bakit karamihan ng estudyante ay dito tumatambay para mag-aral, maaliwalas kasi ang lugar at tahimik pa. Walang pila, kaya naman nakangiting binati ako ng cashier. Nagorder ako ng Hot Chocolate at sabay kuha ng Egg Sandwich. Nang nakapagbayad na ako, tinanong ako nung babae kung nag-aaral pa daw ba ako. Napa-oo na lamang ako. Hindi na ako nagulat sa tanong nya, dahil hindi un ang unang beses na nangyari sa akin iyon.
Humanap ako ng mauupuan, ung sa may pinakadulo ang pinili ko. Inilapag ko ang aking bag sa bakanteng upuan, at umupo naman ako sa katapat nito. Mainit ang inumin ko, saktong-sakto dahil malamig ang panahon sa labas. Habang kinakain ang binili kong sandwich, inilabas ko ang aking celphone para itext ka.
andito na ko. kain tayo.
anung meron?
egg sandwich ito eh.
uy, penge!
lika dito, share tayo. sakto, dalawa itong sandwich eh. :)
hehe. kung pwede lang ba eh. text mo ko kapag pwede na akong tumawag ha.
ok sige. :)
Lagi kang nagkakape. Sa tuwing magkausap nga tayo, lagi mong sinasabi na magtitimpla ka ng kape. Ewan ko ba kung nakakailang tasa ng kape ka kada araw, pampagising mo din kasi un, lalo na kapag puyat ka para lang kausapin ako. Ilang beses mo na ring sinabing ipagtimpla kita, pero hindi ako marunong eh. Di rin ako pala-kape. Sinubukan ko nang magtimpla ng kape para sa akin, pero di ko nagustuhan. Kaya nga ako pumupunta ng Starbucks eh, para masarap.
ayan, tawag ka na. :*
Ilang minuto lang ang lumipas, nagriring na ang telepono ko. Napatingin sa akin ung nasa tapat kong table. Naistorbo ko ata sa pag-aaral, kaya nginitian ko na lamang at sinabing “Sorry”, ok lang daw sabi nya.
hello?
hi.
hi baby. musta?
eto, ok naman.
anu gawa mo?
wala. inaantay ka lang makauwi. tapos ka nang kumain?
opo. naubos ko lahat. hehe.
ahh buti naman. ingat paguwi ha.
oo, intay mo ko ha.
oo naman.
Di ko na napansin ang oras, di ko na rin alam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao dahil sa ingay ko. Nagpalitan tayo ng kwento — ako, tungkol sa naging gabi ko sa trabaho at ikaw naman, kung anung nangyari sa araw mo. Asaran, kulitan. Lagi mo talaga akong napapatawa, kahit na sobrang korny ng jokes mo. Naririnig ko ang boses mo galing sa kabilang linya, pero parang kasama kita. Parang nasa tapat lamang kita at hindi ung bag ko ang nakikita ko. Nakikita ko ang iyong ngiti habang nagkukwento ka ng napanood mong pelikula. Kung gaano ka kaexcited na bumili ng bagong hard drive para sa PC mo. Rinig na rinig ko ang iyong halakhak ng iyong kinuwento ang nangyari dun sa call mo. Lahat parang totoo, lahat ng pangyayari ay para bang kasama na kita. Nangiti na lamang ako, dahil alam kung mangyayari rin iyon, makakasama rin kita, magagawa rin natin ito. Huling higop ko sa aking tsokolate, nagpaalam na ako sayo. Uuwi na rin kasi ako.
Lumabas ako ng Starbucks, ilang minuto bago dumating ang bus. Naging masaya na naman ang coffee date natin. Sana lang sa susunod eh kasama na talaga kita, mas magiging masaya un! Pramis, magaaral na akong magtimpla ng kape para sayo. :)













coffee date over the phone. ayos! namiss ko ang ganyan. ibang date naman. hahahaha. usapang LDR nga naman. malawak ang imahinasyon! :D
naku. ako nga di na nagkakape. diba nga sabi ko ayos lang na antukin na lang ako. kesa mamental block. ahoooooo
nice. student pa lang. di kasi halata tol. hahaha. bebe peys padin hakhakhak
reminds me of the film The Lake House
me kakilala din akong ganyan ang setting ng relationship… napadaan lang… nice site!
coffee date. ok yan. adik pa naman ako sa coffe.
ako din hindi mahilig sa kape, masyado na kasi akong nerbyosa =D
biruin mo pwede pala yun! magawa nga din yan minsan! hahaha!
this is such a sweet story…tama lang ang timpla :)
PS: mas gusto ko ang timpla ko kesa sa Starbucks! hahaha!
Aww grabe ang sweet naman hahaha :)
langgam ang mga post dito tuwing nagvivisit ako nakakaloka, haha!
kahit sa telepono, di nawawala ang kilig.. sarap ng kwentuhan.. ang saya naman ng coffee date nyo..
haha! oo nga noh? parehong kape ang theme ng posts natin!
sige ba! hehehe!
alak nga yata dapat kaya lang mas affordable ang kape…hehehe!
oonga aliw at napaka-swe-et! nakak-miss nga ang mga panahong ito!
here’s another entry!:)