Stargirl. Yan na ata ung pinakaunang English Fiction book na nabasa ko. Niregalo sa akin ng bestfriend ko nung birthday noong 2004. Ilang beses ko na ring nabasa ang librong yan at sobrang natuwa ako nung nilabas ni Jerry Spinelli ung Love, Stargirl. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na may pangatlong libro ang Stargirl series. Baka dun sa librong un, magkasama na sila ni Leo.
Nicholas Sparks. isa sa mga paborito kong author. Fiction lahat ng libro na isinulat nya na panay tragic love stories ang tema. Halos lahat ng libro nya, namamatay ang bidang babae o lalake. Pero kahit ganun, nagustuhan ko kung pano sya magsulat, nagustuhan ko ang mga kwento kaya naman nakumpleto ko lahat ng libro nya. Kung papipiliin ako ng pinakagusto kong libro nya? A Walk to Remember, hands down.
Kumpleto ko ang Kare-Kano series. Binili ko ung The Omnibus ng Azumanga Daioh!. Meron akong libro nina James Patterson, Sophie Kinsella, Cecilia Ahern, Sarah Dessen, at syempre ni Bob Ong. Kapag nagpupunta ako ng bookstore, dumidiretso ako dun sa Fiction section, mapa-adult pa yan o teens. Kung pupwede lang basahin lahat ng librong nasa mga shelf eh ginawa ko na. Kung pwede lang tumira sa loob ng bookstore, eh lalong mas ok sa akin un. Sa sobrang gusto kong magbasa, minsan na rin akong nagapply dun sa bookstore na pinupuntahan ko, kaso, di ako natanggap.
Fiction. Halos lahat ng nababasa kong libro eh fiction. Hindi ko na mabilang kung ilang libro na ang naiyakan ko at ninais na ako sana ung bidang babae. Gusto ko maging happy ending din ang kwento ng buhay ko, ang love story ko. Ung huling fiction book na nabasa ko eh ung The Time Traveler’s Wife. Ang hirap nga lang kapag fiction na love story, medyo nagiging predictable na ang ending. Lalo na kapag may sinusubaybayan kang author. Alam mo na kasi ang estilo ng pagsusulat nya, alam mo na kung ano ang takbo ng utak at galaw ng pluma nya. Kaya nga natuwa talaga ako dun sa The Time Traveler’s Wife eh, dahil nagenjoy talaga ako sa pagbabasa. Sa dami na rin kasi ng nabasa kong Fiction books, feeling ko nabasa ko nang lahat.
So ano, nakabili ka na nung libro?
Oo.
Ayan, basahin mo sa akin.
Hmm, parang di ko gusto eh. Fiction kasi.
Ay ganun?
Oo, parang ung MacArthur.
Ang hirap nang makahanap ng magandang fiction book eh. Parang nakakasawa na rin kasi, predictable na.
Di mo na kailangang maghanap pa ng iba. Ako, hindi na ako fiction lang. Totoo na ako.
Halos lahat ng kwento ko sa dito blog, fiction. Panay tungkol sa ideal na lalake. Naimpluwensyahan na rin kasi siguro ng mga paborito kong author ung tema ng mga isinusulat ko. Ako, hindi na ako fiction lang. Totoo na ako. Di ko na maalala kung yan nga ang eksaktong sinabi nya sa akin. Pero di nga kaya, isang dahilan kung bakit di ako makapagsulat ng tulad ng dati eh dahil nakilala ko na ang taong laman ng mga kwento ko? Siguro nga. :)













gud for you then! hehe!! i love fiction too at talagang collector din ako ng books nung di pa gaanong uso yung recession na yan, I don’t know, siguro kasi those books can bring me into something na wala ako. ^^
Hala, ginawa mo palang post:P Hehehe. Ako, ayoko ng fiction. Well, medyo. Nakwento ko naman kasi sa iyo na dahil dun sa unang novel na nabasa ko dati kaya naging pangit impression ko sa kanila, hehehe, yung The Kiss ni Danielle Steel.
Pero nagustuhan ko yung binasa kong The Pawn na thriller na grabe, as in na praning ako dahil dun, haha. Pero maganda. Sana may makita pa akong katulad nun:D
ako addict ngaun sa pagbabasa,hehe!
mostly medical and detective thrillers.
and agree with you,sometimes predictable na yung ending pag may sinusubaybayang author.
off topic:
hay naku..miss ko kayo!!
ng bongga! yung bago kong twitter,di maayos.di tuloy ako makapg message sa inyo..hehe.
ingats,lovebirds!