Rak en Rol!
UP Bahay ng Alumni, ika-16 ng Mayo 2009 — Hindi ako komiks fan talaga pero ewan ko ba’t napasugod ako sa Komikon Summer Fiesta. Tatlong bagay lang naman ang naisip kong makamtan nuong araw na iyon. Una, bilin ang ika-pitong libro ni bob ong, ang Kapitan Sino. Pero habang nakapila ako sa loob ng komikon ay may nag-msg sa akin.
Pupunta ka bang book launch? Discounted ang price.
Saan ba?
Dito sa MOA.
Hala, e andito ako sa komikon. Hanggang anung oras ba?
12nn. May mga pupunta din diyan mamaya.
Hindi naman kasi komiks ang Kapitan Sino, pero bakit naman MOA pa?? Ang layo-layo. Pangalawa kong gusto e ang makabili ng unofficialuse t-shirts na may ABNKKBSNPLAKo?!! at Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Plilipino? Pero pagdating ko dun e ubos na ang sizes. 0 out of 2.
At least nagawa ko yung pangatlo, ang bilin ang ika-limang Kikomachine Komix, Alab ng Puso Sa Dibdib Mo’y Buhay! Kaya kumpleto ko na ang compilation series ng komix na kinatatampukan ng mga estudyante’t guro, tindero’t mga gwardiya, drayber, kadorm, kaklase, kagrupo sa project, kasakay sa dyip, katabi sa exam, atbp. Asteeeg.
At may bonus pa. Bukod sa mga cute na mga girls na kahit matagal umusad ang pilang pinilahan ko naging sulit na rin, dahil ang nakuha ko naman sa dulo ng pila na iyon ay pirma galing kay Manix Abrera! Na pinahirapan ko pa kasi lima yung pinapirmahan ko sa kanya, hehehe:P
Pero over-all, OP na OP ako dun sa komikon dahil hindi naman nga talaga ako komiks fan, hehehe:P ‘Tas wala pa naman ako kasama, hehe. Hindi rin ako hardcore manga o anime fan. Anung malay ko sa mga dun e hindi nga ako marunong magdrowing. Nagfi-feeling lang ako, haha. Sa iSketch pwede pa, pero cartoon characters? Goodluck. Pero ngayon ko lang naalala, may comic strip akong ginawa nuong elementarya pa ako, sa likod ng Math 6 notebook ko. Full-page comic strip. 7-frame silent cartoon. Teka, hanapin ko kung may picture ako.
After 10 minutes. Wala pala, hehehe. Pero meron ako dito, yung trip kong idrowing nuong hayskul. Parang itatato lang na henna na ewan. Nag-uubos ako ng tinta ng bolpen nun.
*Nga pala, dumaan na lang akong Powerbooks Trinoma para bilin ang Kapitan Sino:)









binalak ko dating gumawa ng comic strip, pero un lang, hanggang balak lang. hehe. unang-una, di ako marunong magdrawing na kailangan ata para gumawa ng strip. pangalawa, wala ata akong sense of humor. hehehe. :P
astig! kumpleto na ang Kikomachine! :D wala pa akong nababasa ni isa dyan. :P nakita ko na dati sa National yan, pero malay ko ba kung ano yan. :) hehehe. at uber asteg ng autograph! :D
cute girls pala ha.. >:P kaya pala di mo na ko tinext nun. :P hehehe..
hi carmie, nakabili ka na ng book ni bob ong?
salamat napadaan lang.
Hindi ako si carme, pero alam ko sagot diyan, hehehe. Oo out na! Kaya bumili ka na:)
cool artworks! hindi ako familiar dun kay Menix but i like his works… si arvin gumawa nung shark? wow..may potential!
labas na ba yung latest book ni pareng Bob?
ako nga gumawa nung shark, nung HS pa yun:P Out nna yung kay Bob Ong, bili ka na!
ay, gusto ko rin ng book sale. sali ako dyan
Totoo bang nag-book launch si BO? diba sabi hindi naman siya talaga mahilig doon, (kasi baka mabuko identity niya) lols! may copy ka na?
Hindi rin ako nakarelate sa mga komiks komiks na yan. Pero trying hard talaga ako sa pag drawing. Kaso wala talaga, e. Hindi kaya ng powers ko.
Kuya, mana sayo ang kapatid ko. Hindi lang tinta ng ballpen ang sinasayang, pati bond papers. :/
san ba banda yung powerbooks sa trinoma? add nyo ko sa facebook. hehe
add nyoko
san banda powerbooks sa trinoma? bibili ako bukas kasi sweldo ko.
ok naman ang pag-ubos ng tinta, cool ang kinalabasan!
may ikapitong book na pala.. kapitan sino.. hehe.. di ko pa nga nabasa ang MCarthur eh, may sumunod na pala.. hai.. ako din di mahilig sa manga, pero sakto lang,.. nakakarelate naman ako.. mahal lang kasi talaga.. dba?..
rak en roll!
hindi ako visual na tao, kaya ayoko masyado fan ng comics.
I wonder why wala pa ang Kapitan Sino sa MoA?
balita ko sa Trinoma at Mega Mall meron na. Kaso sa Norte yun eh – taga South ako. tsk…
Panong?! E sa MOA ginanap yung book launching ah. Powerbooks at Pandayan bookstores pa lang ang meron ata.
waaaaaaaaaaaaaah! mang-inggit ka pa kuya! waaah! wala pa akong kapitan sino! wala paaaa! waaah!
at yang kikomachine na yan! nikokolek ko yan eh! aylabkikomachinekomix! waaaaah!
kumpleto mo na halos lahat! waaaah!
bat kasi ang tagal tagal dito dumating!
Hindi “halos lahat”, lahat! Hehehe:P