nang matapos ang gabi..

Posted 3 years ago Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

LP logoIto na ang huling gabi
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, yinakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit

Teka teka teka. Parang di ata bagay ung kanta ng Sugarfree sa larawan. Bakit nga ba parang ang saya pa namin ni Arvin dyan, eh kitang huling gabi ko na sa Pilipinas at kinabukasan eh di na kami magkikita. Malabo ba? Di naman. :)

Natapos nga ang gabing iyon, pero di naman nawala ang mga ala-ala. Hinding-hindi namin makakalimutan ang mga araw na kami’y magkasama. Kung mamiss man namin ang isa’t-isa, maaari naman naming tingnan ang mga litrato na magpapaalala ng masasayang sandali na pinagsaluhan namin. Nakakapagusap pa rin naman kami sa YM at telepono. Walang dapat ikalungkot dahil alam kong magkikita kaming muli, at handa naman kaming maghintay. :)

Nang matapos ang gabing iyon, walang umiyak ni isa sa aming dalawa. Bakit pa diba? Natapos nga ang gabi, pero di naman ito ang katapusan para sa aming dalawa. :)

huling gabi

Ito ang aking lahok para sa ika-57 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Nang Matapos. Ito ay stolen shot na kinuha ng aking kaibigan last year, huling gabi ko sa Pilipinas. Parang hindi ako aalis ng gabing iyon, actually, ayoko talagang umalis. Bistahin ang lahok ng iba pang miyembro dito. ^_^

ps. 11th monthsary nga pala namin ngayon ni Arvin :) sakto sa LP. ^_^

coffee date

Posted 3 years ago inlove, writings

asan ka na?
eto naglalakad na.
aok, sabihin mo kapag andun ka na ha. ingat.
ok. :)

coffee date

Linggo ng umaga, katatapos lang ng trabaho ko. Nakasanayan ko nang maglakad papunta sa Starbucks para magkape. Walking distance din naman ito sa sakayan ko ng bus kaya sakto, makakapagHot Chocolate na ako, makakausap pa kita habang naghihintay.

Pagpasok ko pa lamang, nawala na kaagad ang aking antok dahil sa amoy ng kape. Hindi masyadong malamig ang aircon, at may mellow music na pinapatugtog sa loob. Hindi ako nagtaka kung bakit karamihan ng estudyante ay dito tumatambay para mag-aral, maaliwalas kasi ang lugar at tahimik pa. Walang pila, kaya naman nakangiting binati ako ng cashier. Nagorder ako ng Hot Chocolate at sabay kuha ng Egg Sandwich. Nang nakapagbayad na ako, tinanong ako nung babae kung nag-aaral pa daw ba ako. Napa-oo na lamang ako. Hindi na ako nagulat sa tanong nya, dahil hindi un ang unang beses na nangyari sa akin iyon.

Humanap ako ng mauupuan, ung sa may pinakadulo ang pinili ko. Inilapag ko ang aking bag sa bakanteng upuan, at umupo naman ako sa katapat nito. Mainit ang inumin ko, saktong-sakto dahil malamig ang panahon sa labas. Habang kinakain ang binili kong sandwich, inilabas ko ang aking celphone para itext ka.

Read the rest of this entry »

10-second AHT

Posted 3 years ago writings

Text mo ko ha?
???

Panigurado akong naguluhan siya dun. Dahil paano naman niya ako itetext e hindi naman niya alam ang number ko. Well… hindi pa. Grabe, ilang linggo na rin mula nung unang beses ko siyang nakausap. Hindi ko na kaya na ganito na lang, na sa bilang ng tatlo.. dalawa.. isa.

Sige babay na.
Oi! ‘Nung sinasabi… mo?

Inapakan ko na ang gas para kumaripas ng takbo ang kotse kahit na parang may sinasabi pa siyang hindi ko na naintindihan. Bahala na. Nakakahiya na ewan. Sana makita niya. Sayang naman kung hindi. Sana. Sana talaga.

— — kinabukasan — —

Nakahiga na naman akong nakatingala sa kisame habang inaalala ang kanyang mukha. Nabasa kaya niya? ‘Yan ang tanong na kagabi pa umiikot sa isip ko’t muntik na akong hindi pinatulog sa buong magdamag habang pilit pinipigilan ang sarili sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman ako siguradong darating.

*toot toot*

Para akong nakuryente sa gulat nang marinig kong tumunog ang phone kong pilit hinagilap dahil napailalim na sa mga unan matapos kong magsawang titigan kung may darating na message. Eto na nga. Nakuryente akong muli nang makita ko na number lang ang lumabas sa display. Syet, wala sa phonebook ko yung nagtext. Mukha akong tangeng napangiti habang itinapat ang hinlalaki sa ‘read’ button.

Pero ayoko pa palang buksan. Read the rest of this entry »

guess who?

Posted 3 years ago starstruck

Hi there!  See the attached file.  May nag-pa-picture kina Dea at Melo sa Petron Station in Tarlac.   —  Jume

yan ang email na natanggap ko galing sa pinsan ko sa Pinas. wala akong kaide-ideya kung sino nga kaya ang nagpapicture sa kapatid at pamangkin ko. naisip ko pa nga, baka kaibigan ko na nakita lang nila. pero imposible eh, malamang artista ito.

sinave ko ung dalawang picture, di ko pa nakita nung umpisa kasi di nagload ung thumbmail nung image. talk about suspense right? nang maisave ko na, ito ang image na nakita ko..

Jolens w/ Piolo. haha!
Jolina Magdangal with Melo

anak ng tukneneng, si JOLINA MAGDANGAL! hahaha! :P kung di nyo kasi alam, number one fan ako ni Jolina NOON. as in big fan. inaabangan ko lahat ng pelikula nya, at talagang kinilig ako sa Jolina-Marvin tandem. sabi ko nga, NOON un, pero nung lumipat na sya sa Channel 7, di ko na sya sinubaybayan. sinasabi kong number one fan nya ako, pero ni minsan di ko pa sya namit ng personal. as in NEVER!

..Tapos si Melo, talagang lumabas ng van at siya mismo ang lumapit kay Jolina at nag-ask magpa-picture.  Sabi ni Melo, para sa iyo daw kaya nagpapicture.

ang sweet naman ng kapatid ko. haha. talagang naisip nyang magpapicture para sa akin. :P eto lang ha. UBER INGGIT AKO! as in! :))

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.