JLC

20 Comments » June 27, 2009 » 265 days ago
blabbers, starstruck

kelan nga ba nagsimula un?

1. Pamilya. Naikwento na sa akin ni Arvin na nabanggit daw ng asawa ng ditse nya na may kahawig syang artista. Pati nga nanay nya nag-agree na din. Umm, siguro nga kamukha nya. hehe:)

2. Blogger. Si Tere na ata ung unang blogger na nagsabi nun, nang magcomment sya sa isa kong entry. Tinanong ko pa nga sya kung nakakain na ba sya bago nya nilagay ung comment. Kanina, kausap ko si Yeye, tinanong ko sya, bilang isang kaibigan. Oo daw, may kahawig daw na artista si Arvin dahil sa profile picture nya sa facebook. Wag na daw akong umangal, maging proud na lang daw ako, sabi nya. hehe.

3. Kaibigan. Kausap ko nung minsan ung kapitbahay naming si Sara. Hindi ko na maalala kung panong napasok sa usapan si Arvin, at saka nya nabanggit na may kahawig daw pala syang artista.

4. Bobongbooks. May nagmessage kay Arvin sa YM na member ng Bobongbooks. At ito ang sabi..

YM-eiszter

Ok. Ilang tao na rin ang nagsasabi na may pagkakahawig sina Arvin at John Lloyd Cruz. Sabihin na lang natin na, hindi ako masyadong kumbinsido. :P hehe. Sensya naman, di ko talaga makita ang pagkakahawig nila eh. Hehe. Teka ang sama ko atang girlfriend. Sa tuwing kausap ko kasi si Arvin, hindi naman si John Lloyd ang naiisip ko. Mas mahal ko naman sya kesa kay JLC ano. :P hehehe. Nabulag na ata ako ng tuluyan. :P

Siguro kung may isa pang magsasabi na may pagkakahawig sila, titigil na ako sa pagtutol. :P Tatanggapin ko ng maluwag sa aking loob na ang boyprend ko eh kamukha lang naman ng isang sikat at gwapong artista. :)

Ngayon, naniniwala na ako sa kasabihang, “Be careful what you wish for”. hehehe.

Alas-otso ng umaga, nagsend sa akin ng direct message si Arvin bago sya pumasok.

Baby, adik ung nagcomment s facebook ko. Basahin mo mamya, haha:P ung ngcomment s status ko.

jlc?

5. Nabasa mo ba ung comment na pinakauna? Ung hindi naman masyadong related sa Gangster Battle?

I’ll rest my case. hehe.

ikwento-mo-ii

ikwento mo II

5 Comments » June 19, 2009 » 274 days ago
blog update, pakulo, podcast

Kamusta naman kami ni Arvin? Bakit nga ba wala kaming update dito sa kundiman? Namiss nyo ba kami? :) Sana naman.. hehe. Dahil sa sobrang tagal ng walang update dito sa blog, naisip naming gumawa ng podcast! ^_^ Sa wakas, matapos ang ilang buwan, eh nagkaroon na naman kami ng oras na makapagrecord. In fairness, isang take lang yan! :) hehhe.. ^_^

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Ikwento Mo Podcast – Karmi & Komski

Kung medyo mabagal ang internet connection, try mong pakinggan itong Low version ng podcast. :)

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

isang-taon

isang taon

4 Comments » June 14, 2009 » 279 days ago
maalaala ko kaya

061408

061408 kinunan ang litrato sa itaas. Nasa Tokyo Tokyo sa Trinoma kami ni Arvin. June 14 namin naisipang magkita para makilala ang isa’t-isa ng personal — ng higit pa sa pagkakakilanlan namin online. Naging masaya ang date — nagvideoke, kulitan, kwentuhan at nakipagjammingan pa sa Project One. Medyo di nga lang nakapagcamwhoring masyado. Busy kasi si Arvin sa pagyakap at paghawak ng kamay ko. :) hehe. June 14, 2008. “officially” kami na. :)

061409. Kita mo nga naman.. Isang taon na pala ang nakalipas. :)

hay, ang saya. ^^

kita mo nga naman..

2 Comments » June 7, 2009 » 285 days ago
blabbers

natuloy ung plano nyo. :) naalala ko tuloy ung sinabi nya sayo na kapag di tayo natuloy magpakasal eh, kayong dalawa na lang. 2 years ago un diba? ambilis ng panahon. wow. di na nga siguro ako nagulat. :)

masaya ako para sa inyong dalawa. ewan ko nga kung mababasa mo ito, dahil malamang di ka na nago-online. may sarili ka nang pamilya eh. kita naman sayo na handa ka na talagang magasawa, hindi mo na nga ako nahintay diba? :) hehehe. at buntis pala sya ^_^ pamilyado ka na talaga. gusto kitang kamustahin, pero bakit pa. di na naman kailangan. saka wala na rin akong kontak sayo. ^_^ basta masaya ako para sa inyo. walang halong biro o kaplastikan. :)

salamat talaga sa lahat ha. kasi ikaw talaga ung naging sobrang special sa akin noon. lahat ng kulitan, asaran, at paghihirap na napagdaanan natin, lahat un di ko makakalimutan. salamat din at nakita kita nung umuwi ako dyan sa Pilipinas last year, nagkaroon na tayo ng closure. oo, sinaktan mo ko, pero dahil dun naging masaya naman ako ngayon.

hmm, pakasal kayo ulit kapag nakaipon na kayo, para matuloy ung dream wedding mo. :)

goodluck at congratulations sa inyong dalawa. ^_^

naaalala mo pa ba?

6 Comments » June 5, 2009 » 288 days ago
inlove, maalaala ko kaya

… na nung bago tayo magkita eh binibilang mo ang bawat yakap na ibibigay ko sayo? Hindi ko na maalala kung ilang yakap nga ba, nawala na nga sa bilang pero ang alam ko, madami. Ang dami ko nang utang sayo yan ang lagi mong sabi. :)

… nung minsang sinabi kayo sayo na ok siguro kung kulay Pink na polo ang suotin mo kapag nagkita tayo? alam mo kung bakit? dahil dun sa kanta ng Mojofly na “Simula”. hehe:) Sabi mo pa nga sa text bago pa tayo magkita, di ka pa muna maghahanap ng pink na polo dahil matagal pa naman bago tayo magkita. :) Hindi natuloy ung plano, pero parang plinano na rin dahil nung araw na nagkita tayo eh hindi inaasahan na pareho tayong naka-stripes. o diba destiny. :P

… na binalak nating magkita sa UP Sunken Garden ng alas-syete ng umaga? haha. Pero di rin naman ito natuloy dahil hindi pumwede sa schedule ko. Inisip mo pa nga kung saan tayo magaagahan at kung san tayo pupunta ng ganong kaaga eh kitang sarado pa ang mga mall. Buti na lang at nausod ng alas-nuebe at sinabi kong sa Trinoma na lang tayo magkita. Una pa nga’y sabi mo, aabangan mo ako sa North Station dahil di ko naman alam kung paano pumunta ng Trinoma. Pero ang nangyari’y pumunta ka pa ng Cubao Station para dun ako sunduin.

.. na nalate ako ng 20mins. sa unang pagkikita natin? Di ko naman sinasadyang magpalate at di ko rin naman alam na sobrang aga mo. Malay ko bang trapik ung mula Marikina hanggang Katipunan. NagLRT na nga ako papuntang Cubao pero late pa rin. hehe. Alam mo rin bang gusto akong ihatid ng bestfriend ko sa MRT Station? hahaha. Pero sabi ko, wag na, malaki na ako. hehe.

… na kunwari pang hindi kita napansin nung pagakyat ko ng escalator dun sa MRT Station? Pero halata namang ikaw un, dahil ikaw lang ung tanging tao na nakaupo dun sa bench na para bang may hinihintay. Katext ko pa nga ung kaibigan ko nun at di na ako nakapagreply sa kaba. haha. Parang ewan lang. Nakatungo lang ako na para bang nagtetext pero di naman. Nang linapitan kita’y wala kang masabi at nagulat ako sa isang dozenang rosas na nakapatong sa upuan.

… nung tinabihan kita sa wakas sa bench na wala tayong imik pareho? Iniabot mo agad ang bulaklak pero ayaw mo akong tingnan. Saka ko lang naisip na, hindi ka nga nagbibiro nung sinabi mong mahiyain ka sa personal, pero mas nagulat ako sa sarili ko dahil natameme rin naman ako. hehe:) Naputol lang siguro ung katahimikan nung dumating na ung MRT na sasakyan natin. Tas hinawakan mo ang kamay ko.. ayun, wala na akong naalala pa.. :P hehe :)

Naaalala mo pa ba nung inagawan natin ng upuan ung dalawang lalake dahil tumayo sila para lang manood ng Fashion Show? Eh ung manong na natutulog kaya di tayo makalipat dun sa kumportableng couch. Ung pagkain natin sa Tokyo Tokyo at KFC. Ung pagvi-videoke natin na ikaw lang naman ang pinakanta ko. Sinita pa nga ako nung babae diba, dahil nakataas ung paa ko sa upuan. Naalala mo ba ung bata na pinanood ka? hehe:) Tas nakita pa nga natin ung isang poster na may bandang magpe-perform kaso, sayang dahil hindi naman natin mapapanood. Pero swerte pa rin tayo dahil napanood natin ng live ang Project One. Naalala mo ba nung nakanakaw ka ng halik sa akin? Habang naghihintay tayo na magperform ung Project One un eh. Nagulat ba ako? Oo, pero inaasahan ko na rin siguro. :P hehehe.

Halos buong araw rin tayong magkasama nun eh, na para bang ayaw pa nating pareho umuwi. Naalala mo pa ba nung inintay mo akong makasakay ng jeep along Aurora Blvd.? Bulacan ka pa uuwi pero pinasakay mo muna ako bago ka umalis. Tas nung nasa bahay na ako, tinext mo ko na nagtatanong kung gusto na rin ba kita hindi lang online, pero personal na rin. Sumagot ako ng Oo naman. :)

June 14, 2008. Unang beses nating magkita. Nabayaran na rin ang mga utang na yakap, may nakasama pang halik. Ang saya ng araw na un, sobra. :) Hindi nga ata sapat ang isang blogentry lang tungkol dito. Hanggang ngayo’y sariwa pa rin ang bawat ala-ala ng araw na iyo. :)

Sino ba namang magaakalang isang taon na pala ang nakalipas? ^_^ tagal na rin! :D Happy Anniversary baby :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.