kita mo nga naman..
natuloy ung plano nyo. :) naalala ko tuloy ung sinabi nya sayo na kapag di tayo natuloy magpakasal eh, kayong dalawa na lang. 2 years ago un diba? ambilis ng panahon. wow. di na nga siguro ako nagulat. :)
masaya ako para sa inyong dalawa. ewan ko nga kung mababasa mo ito, dahil malamang di ka na nago-online. may sarili ka nang pamilya eh. kita naman sayo na handa ka na talagang magasawa, hindi mo na nga ako nahintay diba? :) hehehe. at buntis pala sya ^_^ pamilyado ka na talaga. gusto kitang kamustahin, pero bakit pa. di na naman kailangan. saka wala na rin akong kontak sayo. ^_^ basta masaya ako para sa inyo. walang halong biro o kaplastikan. :)
salamat talaga sa lahat ha. kasi ikaw talaga ung naging sobrang special sa akin noon. lahat ng kulitan, asaran, at paghihirap na napagdaanan natin, lahat un di ko makakalimutan. salamat din at nakita kita nung umuwi ako dyan sa Pilipinas last year, nagkaroon na tayo ng closure. oo, sinaktan mo ko, pero dahil dun naging masaya naman ako ngayon.
hmm, pakasal kayo ulit kapag nakaipon na kayo, para matuloy ung dream wedding mo. :)
goodluck at congratulations sa inyong dalawa. ^_^





siya ba ang pinaguusapan natin kanina hehehe
yaan mo. malapit na ang oct 3 2011. hahaha :D
Ang bilis ng panahon, tanda ko pa yung mga posts mo tungkol sa kanya noon. Pero dahil happy ka na rin ngayon wala ng sakit masyado di ba?