pahinga mode.

12 Comments » July 30, 2009 » 234 days ago
Litratong Pinoy

LP logoNasakto naman ang LP ngayong linggo. Galing lang.

Masama ang pakiramdam ko. Medyo hirap akong huminga at ngayon eh masakit na din ang ulo. Ayokong magkasakit, di ko gusto ang pakiramdam ng may sakit. Sino ba namang may gusto diba?

Kulang daw ako lagi sa tulog at laging nagbababad sa computer — yan ang laging sinasabing dahilan ng mga magulang ko. Kaya naman paguwi ko mamaya sa bahay, iinom ako kaagad nito at matutulog na din. Walang computer, diretso tulog.

Sana lang pagtapos kong mainom ang gamot at magkaroon ng sapat na tulog, eh maproteksyunan na ako laban sa pagkakasakit.

Proteksyon. bow.

Ito ang aking lahok para sa ika-68 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Proteksyon. Ang litrato ay kinunan ng aking kapatid na babae kahapon. Sana talaga gumaling na ako. Bisitahin ang lahok ng mga miyembro dito.

P.S. Isa itong scheduled entry, pasensya na po kung di man ako makadalaw sa mga blogs ninyo, pahinga mode na muna ako. =)

Qik, grab the camera!

4 Comments » July 27, 2009 » 237 days ago
BridgeTheGap

Para sa isa namang edisyon ng BridgeTheGap series ay isang free web service ang natuklasan ko na hahayaan kang makapag-stream ng isang live* video feed mula sa isang mobile phone. (*delayed ng ilang segundo, depende sa bilis ng net connection sa phone)

Ang kailangan una ay magsign up sa Qik.com, at idownload at iinstall sa isang suportadong phone (na dapat e may GPRS, EDGE, 3G o Wifi at camera!) yung app nila. Run mo lang yung app ‘tas makakapag-shoot ka na ng video na mabo-broadcast live sa internet.

qik

Pwede mo nang ipa-visit sa ibang tao yung page mo sa http://qik.com/username, gamit ang computer o mobile phone. Kung iisipin, para na ring video calling, pero one-way lang. Pero mas mahal naman yung isang minuto ng video call, kesa sa kalahating oras ng mobile internet kaya sulit na rin.

At lahat ng video na iistream mo e mase-save dun sa profile mo kaya ayos talaga kung gusto mong ipakita sa iba kung nasa’n ka’t ano ang nakikita mo, live! Ngayon e pwede mo na ma-share mo sa isang video yung mga expriences mo, at mabilis pang makikita ng iba, nasaan man sila sa mundo.

May live chat din kaya pwede magsend ng messages yung mga nagvi-view nung live feed, para mabasa mo.

Dahil sa isang partnership ay makikita na ang Qik na naka-install na agad sa mga bagong Nokia phones. Connected din ang Qik at Facebook, YouTube, Tumblr,  atbp. kaya maari mong ma-crosspost ang mga videos na irerecord mo. Pwede ring i-Twitter update kung may bago kang video. Tignan ang aking Qik profile dito.

Ang BridgeTheGap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal. Basahin ang iba pang artikulong kasali sa serye.

yikes

yikes!

17 Comments » July 23, 2009 » 241 days ago
Litratong Pinoy

LP logoHalloween na ata ang pinakaayaw kong holiday. Matatakutin kasi ako simula pa noong pagkabata. As in. Hindi rin ako fan ng mga horror film at sa tuwing manonood ako, marining ko lamang ung tunog na parang may nakakatakot na mangyayari eh, tinatakpan ko na ang mga mata ko. Basta ayoko ng kahit na anong nakakatakot at nakakakilabot.

Dalawang taon na kaming nagt-trick or treat tuwing Halloween. Kasama ko ang mga pinsan ko, nagsusuot kami ng costume at iniisa-isa ang mga bahay para makakuha ng candy. Ang saya para sa akin, dahil kahit papaano, hindi na ako masaydong natatakot kapag Halloween. Iniisip ko na lang ung mga candy na makukuha ko! hehe=)

Last year, nagkita-kita kaming magpipinsan sa bahay ng tita ko. Lahat kami’y nakacostume, maliban sa isa kong pinsan na nakaitim na long sleeves lang at maong na pantalon. Tinanong ko sya kung bakit un lang ang suot nya. Ngumiti na lamang sya at sinabi sa aking intayin ko na lang daw mamaya kung anung gagawin nya.

Maya-maya pa’y nagpicturan na kami. Biglang lumapit sa akin ang pinsan ko, tinitigan ko sya at wala nang ibang ginawa kundi ang tumingin sa camera.

O.o

Umm. sana pala hindi na lang ako nagtanong.

Ito ang aking lahok para sa ika-67 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Nakakakilabot. Ang litrato ay kuha last year, habang nagti-trick or treat kaming magpipinsan. Hanggang ngayo’y kainakailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na pinsan ko lamang ang may suot ng maskara. Oo, hanggang ngayo’y medyo natatakot pa rin ako. Bisitahin ang mga nakakakilabot na lahok ng mga miyembro dito. Sana lang ay hindi ako matakot sa pagbo-bloghop.

my attempt to write an anniversary post

1 Comment » July 22, 2009 » 242 days ago
blog update

July 22, 2008. Nabuhay ang kundiman[dot]net – ang blog na magkasama kami ni Arvin. Blog na punong-puno ng kakesohan at kadramahan. Blog kung saan magkalayo man kaming dalawa, ay may iisang lugar kung saan hindi namin inda ang oras at kami’y pwedeng magsama. Blog na kung saan kami’y nagiging isa. Haynaku, hindi na talaga ako marunong magdrama.:P

Isang taon na ang nakalipas, isa lang ang ibig sabihin nito – mage-expire na ang kundiman. Ilang araw lang ang nakalipas, gumawa ng blog entry si Arvin. Hindi na sya makapagblog katulad ng dati. Wala nang maikwento, wala nang maisulat. Ilang ulit ko na ring pinagisipang tumigil na sa pagbo-blog dahil tinatamad na rin ako. Matapos ang isang taon, iniisip ko tuloy kung ire-renew ko pa ba o hindi ang kundiman. May dahilan pa ba para magbayad muli ng kung magkano para lamang sa isang domain na hindi naman na magagamit ng katulad ng dati? Sayang. Nasasayangan ako. Nakatanggap ako ng e-mail galing sa host ko. Kailangan ko na daw magbayad para marenew nga ang kundiman.net. Unang pumasok sa isip ko, ayoko na. Tinatamad na talaga ako.

Pero naisip ko, pano na lang ang mga entries, mga ala-ala. Kaya ko nga bang basta na lang itapon ang lahat ng mga kwentong andito sa blog? Nagbackread ako kanina lang, muling binasa ang mga kwentong naisulat, mga kadramahan, at kulitan. Muli akong tumawa, kinilig at naiyak sa mga blog entries na naisulat namin noon. Hay, ano nga bang nangyari sa aming dalawa? Masyado nga kaming naging abala sa ibang bagay kaya’t hindi na nakakapagupdate madalas. Nakakamiss din pala ung dati.

Ang totoo nyan, medyo nagtampo pa nga si Arvin sa akin, dahil bakit ko pa daw ba pinagiisipan kung ire-renew ko ang blog. Akala nya’y tuloy pa rin ang kundiman, kahit na minsanan na lang ang pagkukwento. Kahit na walang bisita. Kahit na kaming dalawa na lang ang nagbabasa. Sa huli’y sinabi nyang ako na lang daw ang bahala, ako na lang ang magdesisyon kung ano bang dapat gawin..

July 22, 2009. Happy birthday kundiman! =) Well, kung nababasa mo ito ngayon, isa lang ang ibig sabihin nyan. ^_^ Hindi ko kayang mawala ang isang bagay na napamahal na sa akin at kay Arvin na rin. At hanggat andito kami ni Arvin, buhay ang kundiman. ^_^

Q-tex

21 Comments » July 16, 2009 » 248 days ago
Litratong Pinoy

Tuyo. Yang ang LP Theme para sa linggong ito. As usual, medyo nahirapan akong magisip ng ipopost. hehehe =) Pero buti na lang at naglinis ako ng kwarto ko. Nagkaroon tuloy ako ng ideya. :D May naitutulong din naman pala ang paglilinis paminsan-minsan.

Sally Hansen. Insta-Dri Fast Dry Nail Color. Sobrang nagpapasalamat ako sa taong nagimbento ng nail polish na ito. Bakit naman? Eh kasi, ito lang naman ang nail polish na pagka-apply mo eh matutuyo na kaagad. WALANG HALONG BIRO! At para sa akin, na mahilig maglagay ng nail polish habang nakikipagchat at nagte-take ng quizzes sa facebook, eh sobrang laking tulong talaga kung matutuyo kagaad ang nail polish. =) Kung sasabihin mo sa akin na bakit ko naman kasi ginagawa un ng sabay-sabay, eh dahil mahilig akong magmulti-task. =) hehehe.

Napatunayan ko na rin kung gaano ka-effective ang Insta-Dri nuong papunta kami sa bahay ng lola ko. Naisipan ko kasi, the last minute, na maglagay ng nail polish. Last minute, meaning, sasakay na kami ng kotse papunta sa lola ko. Dahil makulit at mapilit akong bata, habang nasa sasakyan ako nagapply ng nail polish. At voila! Nailagay ko ng maayos ang nail polish kahit mabato ang daan, nagawa ko pang magtwit update! :D hahaha.

di naman pala mahirap maglagay ng nail polish habang umaandar ang sasakyan. dapat lang eh quick dry ung kiyutiks at talentado kang tulad ko.

9:32 AM Apr 13th from txt

qtex

“Once you’ve tried Insta-Dri, there’s no turning back.”

Bayaran kaya ako ng Sally Hansen sa post na ito? :P Hehe.

Ito ang aking lahok para sa ika-66 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tuyo (Dry). Ang litrato ay kinunan habang naglilinis ako ng aking cabinet. Binili ko ung red na nail polish, pero di ko pa nagagamit. :P Black ang paboritong kulay ko ng nail polish.  Bistahin ang lahok ng iba pang miyembro dito. ^_^

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.