Hindi ako nakapagonline buong araw noong Huwebes. Pagkauwi ko kasi galing trabaho, umalis kami ng mga kapatid ko para manood ng Ice Age 3. OK naman ung movie, pero hindi tungkol sa Ice Age ang post ko ngayon. Pagkauwi namin galing sinehan, natulog ako ng apat na oras. Pagtapos ay ginising ako ng kapatid ko dahil pupunta kami ng birthday party nung anak ng kapitbahay namin. Hanggang alas-dyes kami doon tapos paguwi natulog pa ako ng isang oras bago pumasok ng trabaho. Ay, nakausap ko rin pala ng 30 mins. si Arvin bago matulog. Uulitin ko, hindi ako nakapagonline buong araw noong Huwebes.
Kahapon, Biyernes, Central time, sa wakas eh nakapagonline na ako. Kung dati-rati’y itong blog ang una kong binubuksan, ngayon eh facebook na. Pansin naman na sa halos lahat ng update ko dito sa kundiman, lagi kong sinisisi ang facebook kung bakit hindi ako nakakapagblog. Hanggang ngayon, facebook pa rin ang may kasalanan. *balik sa kwento* Ayun nga, naglogin ako sa facebook at nakita ko kaagad ung 20 unread notifications at kung ilang invites para sa iba’t-ibang applications. Isa-isa kong tiningnan ung mga invites at inignore lahat. Well, ok, hindi naman lahat, ung mga MyCalendar invites ina-accept ko, kasi para alam ko ung mga birthday ng mga kaibigan ko. May quiz invites, Mafia Wars, Farm Town at Yoville gifts. Inignore ko lahat, maliban sa Yoville. Nang maignore at maaccept ko na lahat ng gifts, isa-isa ko namang binasa ung notifications. Somebody liked your status, made a comment, beat your score, gave you a massive hug, told you a joke. Pinuntahan ko ung profile page ko at isa-isang kinomentan ung mga status messages ko na may comments ng mga kaibigan ko.
Matapos gawin un, binuksan ko na ung Yoville para makakuha ng coins at makabili ng TV, diniligan ko na ung mga tanim ko sa Happy Farm, niload ang Restaurant City pero error daw at binisita si Tala sa Pet Society. 70 ang friends ko sa Pet Society, 70. Lahat un dadalawin ko, para makakuha ng coins. Para makabili ng gamit. Para maglevel up. Sinubukan ko ulit iload ung Restaurant City, at buti naman nagload na. Nilinis ko ung resto at pinakain ung mga empleyado ko. Medyo matagal pa bago maglevel up ulit. Pagkaclose ko ng Restaurant City, may notification na naman. May nagcomment daw sa status message ko. Binasa ang comment at nagreply. Nagreply ulit. Reply naman ulit ako. Binuksan ko na ung TwitDeck ko para magtwit update.
medyo nahihirapan nang magmaintain ng facebook account.












