Hindi ako nakapagonline buong araw noong Huwebes. Pagkauwi ko kasi galing trabaho, umalis kami ng mga kapatid ko para manood ng Ice Age 3. OK naman ung movie, pero hindi tungkol sa Ice Age ang post ko ngayon. Pagkauwi namin galing sinehan, natulog ako ng apat na oras. Pagtapos ay ginising ako ng kapatid ko dahil pupunta kami ng birthday party nung anak ng kapitbahay namin. Hanggang alas-dyes kami doon tapos paguwi natulog pa ako ng isang oras bago pumasok ng trabaho. Ay, nakausap ko rin pala ng 30 mins. si Arvin bago matulog. Uulitin ko, hindi ako nakapagonline buong araw noong Huwebes.
Kahapon, Biyernes, Central time, sa wakas eh nakapagonline na ako. Kung dati-rati’y itong blog ang una kong binubuksan, ngayon eh facebook na. Pansin naman na sa halos lahat ng update ko dito sa kundiman, lagi kong sinisisi ang facebook kung bakit hindi ako nakakapagblog. Hanggang ngayon, facebook pa rin ang may kasalanan. *balik sa kwento* Ayun nga, naglogin ako sa facebook at nakita ko kaagad ung 20 unread notifications at kung ilang invites para sa iba’t-ibang applications. Isa-isa kong tiningnan ung mga invites at inignore lahat. Well, ok, hindi naman lahat, ung mga MyCalendar invites ina-accept ko, kasi para alam ko ung mga birthday ng mga kaibigan ko. May quiz invites, Mafia Wars, Farm Town at Yoville gifts. Inignore ko lahat, maliban sa Yoville. Nang maignore at maaccept ko na lahat ng gifts, isa-isa ko namang binasa ung notifications. Somebody liked your status, made a comment, beat your score, gave you a massive hug, told you a joke. Pinuntahan ko ung profile page ko at isa-isang kinomentan ung mga status messages ko na may comments ng mga kaibigan ko.
Matapos gawin un, binuksan ko na ung Yoville para makakuha ng coins at makabili ng TV, diniligan ko na ung mga tanim ko sa Happy Farm, niload ang Restaurant City pero error daw at binisita si Tala sa Pet Society. 70 ang friends ko sa Pet Society, 70. Lahat un dadalawin ko, para makakuha ng coins. Para makabili ng gamit. Para maglevel up. Sinubukan ko ulit iload ung Restaurant City, at buti naman nagload na. Nilinis ko ung resto at pinakain ung mga empleyado ko. Medyo matagal pa bago maglevel up ulit. Pagkaclose ko ng Restaurant City, may notification na naman. May nagcomment daw sa status message ko. Binasa ang comment at nagreply. Nagreply ulit. Reply naman ulit ako. Binuksan ko na ung TwitDeck ko para magtwit update.
medyo nahihirapan nang magmaintain ng facebook account.

Ngayon lang ata ako napagod kahit na nagki-click lang naman ako ng links. Ngayon lang ako nastress dahil sa isang social networking site. Grabe, isang araw lang akong hindi nagbukas ng facebook ganyan na ang nangyari. ISANG ARAW! Eh pano pa kung isang linggo? Isang buwan? Holy smokes! Grabe, parang di ko na ata gusto pang buksan ung facebook ko nun. Mahal ko ang facebook, isa itong tool para magprocrastinate. Masyado lang siguro akong nastress kahapon, sa halip na magenjoy sa mga applications.
Mamayang paguwi ko, ganun ulit, bubuksan ko ang facebook at magi-ignore at maga-accept ng mga invites, makikipagusap sa mga taong online, makikipagpalitan ng comments at maglalaro ng Hell’s Kitchen. Pagpapahingahin ung mga empleyado ko sa Resataurant City habang nakikipaglaro kay Tala. Wala na talagang time magblog. Busy eh. Hay.
Buti na lang blocked facebook dito sa trabaho. Nakakagawa ako ng matinong blogentry! ^_^













ako namiss ko rin ang facebook. hahaha. lagpas 24 hours din ako nawala sa mundo ng www. hahahaha
adek sa fb. ahahahaha
P.S.
may cream ka?
LOL
wala akong cream tol, pero may potato ka ba? :D hehehe
certified adiks nga tau sa FB!
“Facebook, isa itong tool para magprocrastinate.” tama ka dyan! hindi blocked ang FB sa office kaya nga pinipigil ko ang sarili ko na buksan yang site na yan. Tsk…
but somehow, nakaka-relax ang pag facebook. :)
take it easy.
i know, dapat nakakarelax talaga ang FB, pero ewan, nung araw talaga na un, nastress ako. :) hehhe. ^^,
naku, buti na lang talaga blocked sa work yang facebook, kundi naku talaga!!! hehehe
i noticed that too. i just started facebook and i just ignore most of the requests since i dont really have all that time. i just use it for an online profile with friends. please add me up i.dongho@gmail.com.
na-add na kita kuya ^_^
ako din bago sa facebook hndi ko pa alam kalikutin,hehe
gosh..someone needs a serious rehab! hahaha! ako muntik na rin maadik sa FB. ahehe! but i can’t blame. FB-ing is fun… :)
marami na taung na aadik sa facebook..hehe control lang minsan..hehehe
visiting here poh.. ;)
Ako na lang ata ang walang facebook
andami mo naman ginagawa.. sana binabayaran ka ng facebook para gawin ang lahat nang yan. mayaman ka na siguro.
ako, hindi na ko nakaka facebook. paguwi ko sa bahay, natutulog na lang ako.
naku, kung binabayaran ako ng facebook eh tama ka, mayaman na nga siguro ako. :)
matulog. yan nga din dapat ang ginagawa ko paguwi ng bahay. :)
sabi ko na nga ba eh…. adik ka sa FB… hehehe… oki lang yan… mas madalas naman na masaya sa fb kesa sa malungkot eh :D
Kaya nga minsan ayoko magbukas ng internet sa office kasi naabala ako sa trabaho dahil sa Facebook.