Di ako nagdadala ng payong. Well, siguro kung sobrang lakas ng ulan, mapipilit mo pa ako. Pero kung ambon lang naman yan, at pwedeng-pwedeng tumakbo para may masisilungan, hindi na ako gagamit. Ang hirap kayang itago ng basang payong. Hassle. Pero, alam mo kung ano ang pinakaOK sa lahat, eh ung may kasama kang may bitbit na payong. Lalo na kung ang kasama mo eh ung taong mahal mo. *insert kilig* yihieee… hahaha. =)
– karmi
Sino ba naman ang magaakalang uulanin kami ng araw na un? Well, ok granted na buwan ng tagulan, at umulan nga ng umagang un, pero naman, akala ko makakaligtas na kami. Akala ko lang talaga un. :|
Nasa kalagitnaan kami ng paglilibot sa La Mesa EcoPark, araw ng Martes, nang nagsimulang umambon. Ok na sana ang isang romantik date, lalo na’t kakaunti lang ang tao sa park. Wala akong payong, buti sya may dala. May tiga-payong na ako, may nakaakbay pa sa akin. Swerte. Sana umulan na lang parati. =) hehe. Magaalas-dose na’t kaya kumain kami ng tanghalian, kasabay naman ng pagtila ng ulan. Ayos, pwede sabi ko, makakapaglibot ulit kami. Pero parang nananadya talaga ang panahon, biglang lumakas ang ulan pagkatapos naming kumain. Ewan kung pinagdarasal ba nya ito, siguro, para maka-akbay ulit sya sa akin.

Sa halip na makapaglibot, nastranded kami sa loob ng isang shed kasama sina manong na natigil ang pagtatrabaho. Doon namin nilatag ang dala nyang kumot, at sabay na pinanood ang pagpatak ng ulan. Magkahawak kamay kaming nagkulitan at nagkwentuhan, habang pinapatuyo ang payong na dala. Medyo matagal din kaming nagstay doon, kasama ang iba pang mga sumilong dahil sa lakas ng ulan. Magaalas-dos na rin ng hapon nang maisipan naming umuwi na lang, dahil mukhang di na rin naman kami makakapaglibot. Umuwi kami ng maaga sa plano dahil sa pagulan. Nakakapanghinayaan ang araw, sayang talaga. Pagdating namin ng Cubao, umulan ulit, pero ibang kwento na un. :)
Isang maulan na araw, isang payong. Inulan ung araw na naging perpekto sana. Pero kahit na ganun, sa tuwing mararamdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat, at ang pagnanais nyang hindi ako mabasa ng ulan, masaya na rin ako sa nangyari. =)
Minsan talaga, mas mabuti pang walang dalang payong.
Ito ang aking lahok para sa ika-65 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Basa (wet). Ang litrato ay kinunan noong June 17, 2008 habang nasa shed kami at sina manong eh nagtsitsismisan. Inulan talaga kami ng araw na un, pero sabi ko kasi, rain or shine, eh aalis kami ni Arvin. =) Bistahin ang lahok ng iba pang miyembro dito. ^_^













Kailangan pa ba hulaan kung sino ang tiga-payong at naka-akbay pa? ..cge na nga, hula-hula-hoop!
Happy LP, K and A!
clarice sarao likes this.
(parang facebook lang)
nakaka-kilig naman! ayan oh, nakikita ko nagmamartsa ang mga langgam sa tabi nyo sa sobrang sweet ninyo. :D
sobrang chessy talaga!!!hahhaha
Hay pag nandito ako naiilab talaga ko! :)
Happy LP sa inyo 2 :)
hehehe… kasama na sa diskarte yan :D
http://moonlight-mom.blogspot.com/2009/07/lp-basa-wet.html
ako rin tamad magdala ng payong,kasi madalas pag may dala ako di umuulan. :D
Awww, tama ka, masarap ang may taga-payong at naka-akbay pa :D
hindi baleng ulanin basta may kaakbay at kasukob sa iisang payong hihihihi! inggit tuloy ako:)
Ang sweeeet! Sabi nga sa isang kanta “at kahit ulan, may nangyari nang hiwaga…” Cheesy!
Eto naman po ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-basa-wet.html
hehe, ayos… happy LP! :)
kayo talagang 2, napaka-romantic! hahaha. nainggit tuloy ako :)
landi hahaha
ako minsan di ko ginagamit payong ko. baka mabasa eh.
hahaha
sandali lang madalas ang ulan dito, bihira yun malakas at matagalang ulan. kaya di uso ang payong sa mga canadians.
hahahahaha dapat nga gentleman… ang swit naman!
btw love the shot
LP entry: http://www.zdarkroom.info/2009/07/lp-basa-wet/
masaya yan, madami nagkakatuluyan ng dahil sa payong lalo na mga kalalakihan na tamad magdala hehe…sweet di ba? :)
actually ate, ako po ang tamad magdala ng payong :D hehehe
asus! kiligkiligan? hehehe… sweet!
tameeessssssssss
hehe
ay feel ko ang kilig. hahaha!
ako rin eh. mas feel ko tumakbo takbo pag umuulan pero pag di na kaya aba’y ilabas na ang payong! nyahaha!