Halloween na ata ang pinakaayaw kong holiday. Matatakutin kasi ako simula pa noong pagkabata. As in. Hindi rin ako fan ng mga horror film at sa tuwing manonood ako, marining ko lamang ung tunog na parang may nakakatakot na mangyayari eh, tinatakpan ko na ang mga mata ko. Basta ayoko ng kahit na anong nakakatakot at nakakakilabot.
Dalawang taon na kaming nagt-trick or treat tuwing Halloween. Kasama ko ang mga pinsan ko, nagsusuot kami ng costume at iniisa-isa ang mga bahay para makakuha ng candy. Ang saya para sa akin, dahil kahit papaano, hindi na ako masaydong natatakot kapag Halloween. Iniisip ko na lang ung mga candy na makukuha ko! hehe=)
Last year, nagkita-kita kaming magpipinsan sa bahay ng tita ko. Lahat kami’y nakacostume, maliban sa isa kong pinsan na nakaitim na long sleeves lang at maong na pantalon. Tinanong ko sya kung bakit un lang ang suot nya. Ngumiti na lamang sya at sinabi sa aking intayin ko na lang daw mamaya kung anung gagawin nya.
Maya-maya pa’y nagpicturan na kami. Biglang lumapit sa akin ang pinsan ko, tinitigan ko sya at wala nang ibang ginawa kundi ang tumingin sa camera.

Umm. sana pala hindi na lang ako nagtanong.
Ito ang aking lahok para sa ika-67 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Nakakakilabot. Ang litrato ay kuha last year, habang nagti-trick or treat kaming magpipinsan. Hanggang ngayo’y kainakailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na pinsan ko lamang ang may suot ng maskara. Oo, hanggang ngayo’y medyo natatakot pa rin ako. Bisitahin ang mga nakakakilabot na lahok ng mga miyembro dito. Sana lang ay hindi ako matakot sa pagbo-bloghop.













Nakakatakot nga!!! LOL
Happy LP! :-)
hahahah! ang cute!!!! :) di pa ako nakakasubmit ng lahok!
hehe…batukan mo yan tingnan natin kung maalis ugn maskara wehehe!
hehe! katakot! pro in fairness ang cute mo dito haha!
hehehehe! kakatakot siyang tingnan ha.
iniisip ko kung sino ang mas scary ang expression (joke kapatid hehehe peace tayo) tama batukan mo nga siguro si pinsan hehehe
hapi lp!
http://teystirol.com/2009/07/23/lp-nakakakilabot/
Ahahaha! Ang kulit!
Hehe. Halos pareho tayo ng lahok.
Ito naman ang lahok ko.
gusto ko rin magtrick or treat hahahaha. parang bata lang eh nuh hahaha
hehehe ako rin kagaya ni yeye na gustong mag-trick or treat. sa totoo lang, hindi ko naranasan yung ganyan. sa probinsya kasi namin ay hindi naman naging uso yan. high school na yata ako nung sumampa ako ng Maynila at malaman ko ang tungkol sa trick or treat. E dyahe naman kung high school na eh magti-trick or treat pa rin ako, di ba? :D
parang kamag-anak ni Darth Vader.:P
never experienced “trick-or-treat-ing” before..hehe! noong bata ako matatakutin din ako lalo na kapag halloween. i’m just glad my mind have developed reason… (hmmm..)
:)
—
ang kulit ng kuha hahaha!
sa toto lang kakatakot maskara ng pinsan mo. mabuti hindi mo napanaginipan ang hitsura niya. hehe
wow, nakakatakot naman yang picture na yan hehe.
parang totoo
ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-nakakakilabot.html
hinay! pero mukha ka namang nageenjoy!
Happy LP!:D
http://sundaymadness.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-67-nakakakilabot.html
hahaha… astig participation.