Qik, grab the camera!

Posted almost 3 years ago BridgeTheGap

Para sa isa namang edisyon ng BridgeTheGap series ay isang free web service ang natuklasan ko na hahayaan kang makapag-stream ng isang live* video feed mula sa isang mobile phone. (*delayed ng ilang segundo, depende sa bilis ng net connection sa phone)

Ang kailangan una ay magsign up sa Qik.com, at idownload at iinstall sa isang suportadong phone (na dapat e may GPRS, EDGE, 3G o Wifi at camera!) yung app nila. Run mo lang yung app ‘tas makakapag-shoot ka na ng video na mabo-broadcast live sa internet.

qik

Pwede mo nang ipa-visit sa ibang tao yung page mo sa http://qik.com/username, gamit ang computer o mobile phone. Kung iisipin, para na ring video calling, pero one-way lang. Pero mas mahal naman yung isang minuto ng video call, kesa sa kalahating oras ng mobile internet kaya sulit na rin.

At lahat ng video na iistream mo e mase-save dun sa profile mo kaya ayos talaga kung gusto mong ipakita sa iba kung nasa’n ka’t ano ang nakikita mo, live! Ngayon e pwede mo na ma-share mo sa isang video yung mga expriences mo, at mabilis pang makikita ng iba, nasaan man sila sa mundo.

May live chat din kaya pwede magsend ng messages yung mga nagvi-view nung live feed, para mabasa mo.

Dahil sa isang partnership ay makikita na ang Qik na naka-install na agad sa mga bagong Nokia phones. Connected din ang Qik at Facebook, YouTube, Tumblr,  atbp. kaya maari mong ma-crosspost ang mga videos na irerecord mo. Pwede ring i-Twitter update kung may bago kang video. Tignan ang aking Qik profile dito.

Ang BridgeTheGap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal. Basahin ang iba pang artikulong kasali sa serye.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.